Flashback
I lifted the heavy practice sword moving into the first stance readiness.
Hinanda ko ang aking mga tuhod at mga kamay pero paminsan-minsan at nanginginig pa rin ang mga iyon dahil na rin sa bigat ng espadang hawak ko.
Sa liit kasi ng mga braso ko ay hirap pa rin akong bumuhat ng espada at gumalaw habang hawak iyon.
"Get used to the weight," my master told me dahil gaya ng lagi nitong payo. Dapat ay malakas lagi ang pundasyong ng aking katawan. I must be strong enough to strike and strike and strike again without being exhausted. It was my first lesson, to make myself stronger.
Pero ang hirap pa rin minsan na gumalaw lalo na't hindi ganito ang inaasahan kong mangyayari.
Simula kasi nang mawala ang aking mga magulang ay nagpalaboy laboy na ako ngunit may isang lalaki ang kumopkop sa akin. Isa siyang bayaran na mamamatay tao. He is an assassin na walang ibang ginawa kundi hintayin ang ipinag-uutos sa kaniya ng mga nasa itaas.
Napakagaling nito sa larangang pinili nito. At sa totoo lang ay mabait itong tao sapagkat hindi ito pumapayag na kumuha ng isang misyon lalo na kung ang papatayin nito ay isang inosenteng tao o lobo.
Ang gusto lamang nitong gawin ay ang pumatay ng mga taong may masama talagang ginawa.
Ang totoo niyan hindi lang ako ang nag-iisang batang kinupkop nito.
Marami kaming mga batang natulungan nito at sa ngayon dahil sa kagustuhan kong matuto ay nagmakaawa akong turuan niya ako.
Nagmakaawa akong gawin niya akong estudyante.
Sa una ay naging mahirap ang mga pagsubok nito bago ko siya mapapayag na gawin akong tagasunod.
At sa totoo niyan bugbug lagi ang katawan ko sa sakit at hirap ng ensayo. Pero lagi ko lang iniisip na kakayanin ko itong lahat! Hindi ako susuko lalo na't ako ang inaasahan ng aking mga magulang.
It will hurt but my pain will make me stronger. My enemies used their razor sharp fangs and nails to kill my father and one day my sword will taste their blood.
I'm nine and everything change. Hindi na ako tulad noon na walang ibang ginawa kundi magtago at panoorin lamang kung paano nila patayin ang aking ama sa harap ko mismo.
At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan kung paano sila nagsaya habang tinitikman ang dugong dumadaloy mula sa sugat ng aking ama.
Hindi ko makakalimutan kung paano tumitig sa akin ang aking ama na para bang sinasabi nito na masaya ito at nagawa niya akong iligtas.
Pero ang totoo niyan hindi ako naging masaya sa ginawa nito.
Sana pala sinabay na niya ako sa kaniyang pagkawala.
Dahil ang hirap tumayo ngayon sa harap ng madaming tao samantalang dala-dala ko pa rin ang bangungot na aking dinanas.
I hate the fact na sinakripisyo niya ang buhay niya para sa akin.
I planted my feet in the grass. Wind ruffled my hair as I moved through the stances.
Una ginalaw ko ang espada at iginiya ko iyon sa paraang na pinoprotektahan nito ang harap ng aking katawan. Second, I held the pommel high as though the blade were a horn coming from my head. Third, I swing the sword down to my hip, then in deceptively casual droop in front of me. Then lastly, up again to my shoulder. Each position could move easily into strike or a defense.
Fighting was like playing chess, anticipating the move of one's opponent and countering it before one got hit.
Dapat ay maisip mo lagi ang mga posibilidad na galaw na gagawin ng iyong kalaban. Hindi pwedeng hihintayin mo lang ang mga galaw nito dapat ay laging meron kang mga posibleng plano oras na gawin niya ang isang askyon.
BINABASA MO ANG
A Prostitute For a Mate
Loup-garou"I will never accept you as my luna! A fucking slut! Will never be respected. " He said at hindi ko alam pero imbes na makaramdam ay namanhid na lang ako . If he don't want me then be it. Wala na akong pakealam mas madami pa akong dapat ayusin at as...