55 Kaizen's POV

857 16 0
                                    

"Magandang gabi aming hari salamat at napadalaw kayo rito sa Timog nagagalak po kami at pinaunlakan po ninyo ang nais sana naming ipaabot na impormasyon." Tumango ako sa pinuno ng Timog na ngayon ay nakaluhod at nakayuko lamang sa harap ko. Sa hinaba-haba kasi ng aming paglalakbay ay narating din namin sa wakas ang aming pakay.

The southern village of my kingdom is very important to me. Kaya nang sinabi nilang may nangyayaring problema ay agad na tinipon ko ang iilan kong mga kawal kasama na si Alarkan at syempre ang iilan na tagapaglingkod upang puntahan ang pinuno ng timog at pag-usapan ang tungkol sa problemang sinasabi nito.

"Tumayo ka pinunong Howard. Sa ngayon ay may kasama akong sampung kawal, kasama ko din ang aking kanang kamay at dalawang tagapaglingkod. Kaya sana nakahanda na rin ang aming matutuluyan. At dahil napagod kami sa paglalakbay ay maaari bang bukas na lang natin pag-usapan ang tungkol sa problemang kinakaharap dito sa lugar ninyo?" Tumayo ito at napatango bilang pagsang-ayon saka ngumiti sa'kin.

Kaya nga malapit sa akin ang mga tiga timog dahil ang mga tao rito ay mababait at lubhang masunurin sa akin. Hindi sila gumagawa ng masama at mas gusto nilang mamuhay ng tahimik.

"Huwag kayong mag-alala nakahanda na ang lahat pati na ang matutuluyan niyo ay nakahanda na rin at nagagalak ang mga tao na dadalaw ang hari dito sa aming lugar kaya nga po ay sobrang paghahanda ang kanilang ginawa para sa inyo. Isa pa masaya rin kami ng sobra dahil nang humihingi kami ng tulong ay agad na pumunta kayo rito." Napatingin ako sa aking tabi walang iba kundi ang aking tagapaglingkod na nakayuko lamang simula pa kanina.

Oo isa sa mga pinili ni kong dalhin sa paglalakbay ay si Luisa na sana ay hindi ko ginawa dahil simula pa kanina ay pinipilit ko lang huwag magsalita at kausapin ito dahil sa huling pag-uusap namin ay matinding kahihiyan ang nakuha ko.

Hindi ko akalain na harap harapan sa mga kawal ko ay tatanggihan niya ako at ang inaalok kong pagkain.

Buti na nga lang at nakapagtimpi ako at hindi ako nakagawa ng isang bagay na hindi ko magugustuhan dahil halos pigil ko ang sarili ko na sugurin ito at parusahan.

Damn it!

I need to act like a true king at hindi isang haring malibog. Iniwas ko ang aking tingin mula rito at tinuon ang aking mga mata sa harap. Hindi ko pa rin kasi matanggal ang epekto nito sa aking katawan.

At kahit nag-usap na kami ay hindi ko pa rin matanggal sa isip ko ang kagustuhan ko na sunggaban ito.

"Mabuti naman nagagalak rin akong makadalaw rito pinunong Howard lalo pa't ilang taon na rin ang lumipas simula ng huli kong makita ang mga nasasakupan ko rito sa timog. Ang dami na rin ang nagbago rito. Pansin kong mas naging maunlad ang lugar niyo rito lalo na sa agrikultura. Pero pansin ko rin na lahat ng bahay ay nakasarado na sa ganitong oras na noon ay hindi naman ganito. Sa pagkakaalam ko nagkakasiyahan kaya kapag gabi dahil iyon ang paraan ng pagtatanggal niyo ng pagod. Nakakataka lang ngunit maligaya pa rin ako na makita ang iilan na mukha rito na pamilyar sa akin." Sabi ko at tumawa ito saka nagsimula ng maglakad kaya sumunod na ako sa likod nito habang ang mga kasama ko ay sumunod lang sa aking likod. 

"Oo base sa aking dalaw rito noong nakaraanh taon ay nalaman kong nagkaroon na sila ng madaming malalaking lupain na pinuno nila ng mga halaman na panggamot, mga namumunga at mga iba't ibang bulaklak pero 'di iyon kita ngayon dahil gabi na. At nakakamangha rin na rito nila kinukuha ang mga pangtustos nila sa pang-araw araw."

Masiglang usal ni Alarkan na kinailing ni Howard. Ngunit natutuwa pa rin ako dahil sa totoo niyan ay madaming natutulong ang timog sa kaharian.

Bukod sa medisina ay dito rin kinukuha ang supply ng pagkain lalo na ang mga gulay, prutas at iba pa.

A Prostitute For a MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon