56 Kaizen's POV

771 18 0
                                    

Nakaupo ako sa kama habang nakasandal ang aking likod sa headboard nito at hinihintay ang paglabas ng aking tagapaglingkod mula sa pagliligo. Pero teka nga lang, Bakit ako pa itong naghihintay?

Tsk, nababaliw na ba ako? Tiyaka ano bang pumasok sa isip ko at ginagawa ko ito? Eh tagapaglingkod ko lang naman siya tapos ako pa 'tong kinakabahan habang hinihintay siyang lumabas.

Isa pa, matutulog lang naman kami hindi ba? Kaya bakit itong katawan ko at isip ko ay hindi mapakali habang madaming imaheng gumuhuhit sa aking isip na siyang ikinalunok ko na lamang dahil hindi ako makapaniwala na muli na naman akong maaapektuhan ni Luisa.

Just thinking about our body and our lips ay hindi na magkamayaw ang aking katawan. Para bang gusto ko na lamang sugurin si Luisa mula sa pagliligo nito at gawin ko na lamang ang nais ng aking katawan pero tang'na lang.

Hindi ko na pwedeng gawin iyon lalo na't alam kong mali at may posibleng pangit na kahihinatnan ang aking gagawin.

"Argh!" Napasabunot ako sa aking buhok at napahiga na lamang ako ng tuluyan sa malambot na kama.

I stared at the ceiling waiting for it to swallow me. Kung pwede nga lang na magpalamon roon ay gagawin ko para lamang maitago ang sarili ko. Mukhang mali ata na rito ko papatulugin si Luisa.

Mukhang mahihirapan akong iwasan na hindi ito hawakan man lang o halikan.

Sa loob ng ilang taon na pamamalagi ko sa mundong ito hindi ko inasahan na may isang babaeng makatanggi sa akin.

She seems so powerful kanina habang kinakausap nito ang pinuno ng Timog, isang babaeng may tinatagong kakayahan na kailangan kong paghandaan.

Ewan ko ba pero alam ko sa sarili ko na hindi ko pa talaga kilala si Luisa, there's something about her na kailangan ko pang alamin.

Iniipon ko lahat ng mga bagong impormasyon na nalaman ko tungkol sa kaniya.

'Yung pagbabago ng kulay ng kaniyang mga mata, 'yung pagiging manggagamot niya, at 'yung pagiging matapang niya sa pagharap ng iba't ibang klaseng tao.

Ayaw ko man itong iniisip ko pero talagang nanunuot sa aking isip ang isang ideya na nagsasabing kailangan kong bantayan ang kilos nito.

Kailangan ay umakto akong sumusunod sa gusto nito pero hindi ko rin pwedeng pagkatiwalaan ito agad agad.

Dahil may hindi pa ako nalalaman sa kaniya...

Samantalang paminsan minsan ay naiisip ko paano kaya kung siya talaga ang itinakdang babae para sa akin?

Pero agad naman na naiisip ko na napakaimposible no'n. Bukod sa hindi sila magkamukha at magkaamoy, may isang pag-uugali sila na hindi magkapareho.

My mate is playful pero ang pagiging mapaglaro niya ay kakaiba. Di mo magugustuhan kapag nagloko ito she's becoming creepy when she's playful and she's all mine tama inaangkin ko na siya kahit walang kasiguraduhan na magagawa ko nga siyang hulihin.

Her beauty is a temptations na kailanman 'di ko malilimutan. Ni hindi nga ako nakaramdam ng galit after what she has done to me. Dahil mas humanga pa ako dito I really want the chase.

'Yun nga lang mas tumatagal ang paghahanap ko rito dahil talagang wala itong balak na magpakita. Mukhang mas gusto nitong malugmok ako kaysa ang makasama ako.

 

Hindi na ako makapaghintay at gusto ko na talagang makita ang babaeng nakatakda sa akin. Malapit na rin ang blue moon. Isang linggo na lang at talagang kailangan ko na itong mahanap.

A Prostitute For a MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon