10 flashback

1.6K 54 1
                                    

"Mine." The little man repeat his words with a deep growl na siyang bumura sa masayang emosyon na nasa mga mata ng hari.

"Sinusuway mo na ba ako Kaizen?" Puno ng galit na untag ng hari gamit ang malakas nitong boses na siyang naging rason upang yumuko ang lahat ng mga tauhan nito.

"Mine!" Ulit muli ng bata imbes na sagutin ang sinabi ng ama. Siguro nga hindi ito makapagsalita ng kahit ano dahil ang lobo nito ang may hawak ng kontrol sa katawan nito.

Ngumisi naman ang hari dahil sa narinig at nakita kong akmang tataas ang kamay nito para saktan ang sariling anak. Ngunit agad na pinigilan ito ng aking ama. Gamit ang mga salita nito na siyang nagpaigting sa panga ng hari.

"Wala ka na ba talagang puso? Pati  ang sarili mong anak ay kaya mong saktan dahil lang sa iyong kasakiman?" Nanlaki ang mga mata ng bata dahil tila hindi nito inaasahan na ipagtatanggol siya ng aking ama.

Hindi ko rin alam kung bakit pinagtatanggol ng aking ama ang isang  bata na alam nitong papatay sa kaniya. Pero alam kong napakabait ng aking ama.

Dahil sa sobrang kabaitan nito ay kaya nitong magsakripisyo para lamang sa mga taong nakikita nitong nahihirapan.

Hindi rin nito kayang  makita na may nasasaktan sa mismong harapan nito. O kahit marinig lamang nito ay agad na magbibigay ito ng tulong.

Kaya nga nagtataka ako kung bakit ginaganito ng hari ang aking pamilya e' sa pagkakaalam ko wala naman kaming ginawang masama.

Napakabuti ng aking ama at ina. At hindi ako naniniwala na may nagawa silang masamang bagay upang madeseve nila ang ganitong trato mula sa mismong hari na inaasahan ng lahat na siyang proprotekta at gagabay sa kanila.

"Ano ba ang alam mo sa pagdidisiplina?" Dahan-dahan ay lumapit muli ang hari sa aking ina at hinaplos-haplos nito ang pisnge ng aking ina. Samantalang ibinaling naman ng aking ina ang kaniyang mukha sa ibang direksyon dahil nandidiri ito at upang mailayo na rin nito ang sarili mula sa taong pinandidirihan nito.

At hindi ko inaasahan ay mabilis na tumaas ang kamay ng hari at dumapo iyon sa mukha ng aking ina.

Napasigaw ang aking ama at pumiglas ito at tila ba ang lakas-lakas nito dahil nakawala ito mula sa pagkakahawak ng mga tauhan ng hari at walang babalang tinakbo nito ang pagitan nito at ng hari na siyang nanakit sa aking ina at mabilis na  sinuntok nito ang hari na siyang naging dahilan upang mapaupo ang hari sa sahig.

Ngunit agad naman nahawakan muli ng mga tauhan ang aking ama at kahit anong piglas nito ay hindi na ulit ito  nakawala.

"Hanggang doon lang ba ang pagdidisiplina mo?" Nakakalokong sambit ng hari at agad na nakaramdam ako ng awa dahil tinitingnan ko pa lamang ang ina ko na ngayon at umiiyak ay hindi na ako mapakali.

Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin kundi ang umiyak na lamang.

Hindi ko tuloy mapigilan ang isip ko na  sisihin ang aking sarili. Kasi kung naging mas malakas sana ako ay imbes na ako ang pinoprotektahan at tinatago ngayon ay ako sana ang nandoon sa labas at gumagawa ng mga bagay na ginagawa nila.

Hawak ng aking ina ang pisnge nito at ni hindi man lang nito magawang tingnan ang aking ama dahil tila ayaw nitong ipakita ang naging epekto ng pagsampal ng hari.

Samantalang ang ama ko naman ay naiiyak na rin dahil wala itong magawa. Kahit gusto nitong yakapin ang aking ina at lapitan ito ay hindi rin nito magawa sapagkat hindi na siya binigyan pa ng pagkakataon na muling makawala.

"Damn you! Pinapangako ko na balang araw ikaw ay paparusahan sa paraang hindi mo inaasahan. Pinapangako ko na ang lahat ng ginawa mo sa pamilya ko ay babalik sa'yo—" hindi natapos ng aking ama ang sasabihin sana nito nang sinensyasan ng hari ang isang tauhan nito at walang ano-ano'y nakita ko na lamang na napaluhod ang ama ko dahil sa sakit nang sinuntok ito ng isang lalaking tauhan na sa wari ko ay mataas ang katungkulan sa mga linya ng kawal sa palasyo.

A Prostitute For a MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon