chapter 1 edited

7.9K 167 23
                                    

Sherkinm POV

I sway my hips while my eyes are firmly close niyayakap ang parehong tanawin na parati kong nakikita walang iba kundi ang kadiliman, pero sa totoo lang mas mabuti pang ganito ang aking makikita kaysa ang tanawin na aking makakaharap kapag minulat ko ang aking mga mata, mga demonyong sabik sa laman, mga demonyong ang alam lang ay manggamit. pero sa parehong tanawin sa loob ng ilang taon ay tila nabubulag na ako at namamanhid ang pakiramdam.

I can feel the cold air is soothing my skin, niyayakap ako nito na tila ba sinasabing wala akong dapat ipangamba.

Pero wala nga ba?

Kung nabubuhay ako sa mundo na puno ng takot, sa mundong walang ibang sinisigaw ay kalayaan, sa mga kaniya kaniyang selda na may umaalpas na hiyaw ng damdamin ngunit paano mapapakinggan kung bawat nilalang ay tuluyan na rin naging bingi?

"More!" They growl and that made me smile, because I know that everyone have that kind of attitude, who can't stop from asking for more 'yung may nakukuha na nga mas gusto pang lubos lubosin, 'yung hanggang sa walang matira,


Bakit?

Kasi nga lahat ng tao ay may tinatagong kasakiman sa kaloob-looban nila and everyone can be selfish if they want at minsan sanhi iyon ng pagpilit sakanila ng mga bagay bagay at sitwasyon

Lahat naman ay may duming tinatago,

Lahat may lakas na tinatago,

Ngunit lahat din ay may sakit at takot na 'di pinapakita sa iba.

But sometimes we really need to accept the fact that we are also monsters, mga halimaw na 'di tumitigil sa paghangad.

We always seek for more and craving for more kung baga kung gusto mo ang isang bagay at isang tao gugustuhin mo itong makuha sa kahit anong paraan not minding kung may masasaktan ka o matatapakan.

It was part of living in this dark world filled with snarls and aggresiveness you always wanted to be in control of everything, may iba pa nga nagsasabing buhay niya kaya siya ang magdidikta,

pero minsan ba natatanong mo ang sarili mo kung tama pa ba ang ginagawa mo?

O baka naman hindi dahil tinanim ng iba at tinanim mo sa sarili mong isip na 'yun ang tama dahil napupunan no'n ang iyong pagkauhaw sa isang bagay o sa isang tao.

Minsan ba naisip mong itanong kung masaya ka pa? O baka naman hindi na dahil inakala mo doon ka nagiging masaya at mas mahalaga na sa'yo ang kasiyahan ng iba.

Do you think it would make you feel so good? Do you think you can feed those aches by being selfish to your own self?

And lastly minsan ba natanong mo sa sarili mo kung ito pa ba talaga ang buhay na gusto mo?

Paano kung sa sobrang pagkabulag ay 'di mo napapansin inagawan mo na ang iba ng kasiyahan?

Paano kung sa sobrang pagkabingi mo ay 'di mo naririnig na matagal na pa lang may umiiyak dahil sa desisyon at daan na tinahak mo?

Pero higit sa lahat paano kung 'yan desisyon mo ang siyang bumura at sumira sa natitirang pagkatao at katinuan mo?

Madami pang rason but it will end with the thought that Everyone is selfish

A Prostitute For a MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon