Mukhang apektado ito sa kaalamang wala na ang mga kalahi nito.
Pero hindi ko magawang ibuka ang aking bibig para pigilan ito sa pag-alis dahil hindi pa rin maalis sa isip ko ang katotohanan na pwede pa lang itago ang amoy ng isang lobo o kahit sinong nilalang.
Nalunod ako sa pag-iisip kaya nagulatang na lamang ako nang di pa nakakalayo si Luisa ay nakita ko na itong natigilan at nanlalaki ang mga mata nito habang nakatingin sa nakabukas na bintana.
"Alis!" Sigaw nito sa'kin pero hindi ko maintindihan ang gusto nitong pahiwatig hanggang sa dinamba na ako nito at sabay kaming nahulog sa sahig.
Rinig ko ang singhapan ng lahat ngunit ako ay nakaawang lang ang labing nakatingin sa babaeng nakaupo sa may tiyan ko habang hawak nito sa kamay nito ang isang punyal.
She glared at the window and I saw that she was like sniffing the surrounding. Kita ko ang pagkataranta ng lahat ngunit naiwan akong humahanga sa babaeng nasa harap ko ngayon. Hindi rin nakakatulong na ang lambot ng katawan nito.
Nagtama ang aming mga mata and I search for something but she just stared at me.
"Mahal na hari okay lang po ba kayo." sigaw ng nag-aalalang pinuno ng timog ba kinasanhi ng pag-alis ni Luisa ng tingin mula sa akin saka tumayo.
Iniabot nito ang kaniyang kamay na tinanggap ko naman. Nang makatayo na ako ay tiningnan ko si Luisa.
Doon ko lang napagtanto ang ginawa nito. Lumunok ako dahil ang kaninang paghanga ay napalitan ng pagtataka at gulat.
Gulat na gulat ako sa nagawa nito. How did she do that? Nagawa niyang maramdaman na may nagtatangka sa buhay ko at ang nakakagulat pa ay nahuli nito ang punyal mula sa ere na sana ay tatama sa akin.
Lahat ng mga tauhan ay nasa anyo na ng lobo ang iba ay anyong tao pa rin ngunit sinusubukan nilang malaman at mahanap ang gumawa ng bagay na 'yon.
'Kaizen okay ka lang ba! Shit hindi ko inasahan na may mangyayaring gano'n! Sino naman kaya ang makakagawa no'n? Ni hindi nga namin napansin.'
Hindi ko sinagot ang nag-aalalang boses ni Alarkan sa aking isipan dahil alam kong nag-anyong lobo na ito at sa ngayon ay nasa labas na ito at hinahanap ang salarin. Nakita ko kasi kanina na lumundag ito sa bintana.
"Mahal na hari okay ka lang ba?" Tanong ulit ng pinuno kaya tumango ako.
"Maayos lang ako." Sambit ko na kinahinga nito ng maluwag. Saka Naglakad ito at sumigaw ng iba pang mga tauhan nito na tumulong sa paghahanap ng pangahas.
Napatingin ako muli sa aking tagapaglingkod na hanggang ngayon ay hawak pa rin ang punyal ngunit hindi na ito makatingin sa akin.
"How did you do that?" Natigilan ito at hindi ako nilingon. I can't help but gritted my teeth. Nakakagulat lang kasi na ang isang pangkaraniwang tao na hindi nakakapag-anyong lobo ay nagawa iyong mga bagay na pinakita nito kanina.
"Sabihin mo paano mo nagawa 'yon, Luisa?" Bulong ko bago pinagmasdan ang buo nitong mukha.
"Sino ka ba talaga Luisa? "
I said again but this time I would need answers from her.
"Tagapaglingkod mo ako mahal na hari iyon lang ang dapat mong isipin." Sambit nito na siyang naging dahilan para kumuyom ang aking kamao.
Ngumisi ako at pilit na tinigil muna ang aking pagtatanong at tinuon ko na lamang ang pansin ko kay Howard.
I need to know what's happening.
BINABASA MO ANG
A Prostitute For a Mate
Werewolf"I will never accept you as my luna! A fucking slut! Will never be respected. " He said at hindi ko alam pero imbes na makaramdam ay namanhid na lang ako . If he don't want me then be it. Wala na akong pakealam mas madami pa akong dapat ayusin at as...