I am truly drowing in the darkness because of losing those people I genuinely love. Noon hindi naman ako ganito pero ngayon wala akong choice kundi hayaan ang sarili ko na makaramdam ng iba't ibang emosyon dahil na rin sa galit na pumupuno sa aking kalooban.
"Well, sabihin na natin na pinilit nga sa aming mga lobo ang itinakdang babae para sa amin. Ngunit hindi porke't wala kaming choice na piliin ang babaeng mahal namin ay hindi na talaga kami pwedeng pumili. Sa totoo niyan may choice pa rin naman kami. May choice kami kung papahalagahan ba namin ang itinakda sa amin o hindi. May mga lobo pa rin naman ang hindi naging mabuting mate at may mga lobo rin na tinalikuran ang mate nila na isa lang ang ibig sabihin iyon ay may choice sila. Pero para sa ibang lobo na mas piniling pahalagan ang binigay sa kanila isa lang ang ibig sabihin no'n that there's love. Hindi mo naman papahalagahan ang isang tao kung hindi mo mahal hindi ba? Hindi binabase sa tagal, itsura, antas at lahi ang pagmamahal. Hindi porke't unang beses niyong nagkita ay hindi mo magagawang mahalin ang taong iyon. Hindi rin porke't pinilit ng mate bond ang inyong pagsasama ay hindi niyo na mamahalin ang isa't isa lalo na sa gitna ng inyong pagsasama. Love is a life-long process lahat tayo may choice, Luisa. But staying, protecting, understanding one person means love. Because love comes in different definitions nakadepende iyon sa tao o sa klase ng taong mangingibig. Hindi mo man siya mahal noon, kanina o kahapon malay mo bukas mahal mo na." Napatigilan ako sa mga sinasabi nito na sa huli ay napangisi na lamang ako.
Pareho kaming may iba't ibang pakahulugan sa pag-ibig pero ayaw ko na makipagtalo kasi baka may masabi ako na hindi dapat.
Kaya mas napili kong bantayan na lamang ang mga salitang bibigkasin ko kaysa ang makipagtalo.
Wala rin naman ako makukuha kung manalo ako. Depende siguro kung makuha ko ang ulo nito pwes makikipagtalo talaga ako.
“When did you become so wise Kaizen? Ang dami mong sinasabi pero ang tanong paano mo kaya maiaapply ang mga iyan sa sarili mo at sa mate mo?” I responded and he grins, shoving his hands in his pockets. Na para bang ang lalim ng iniisip nito at para bang naglalaro ang kapilyuhan sa mga mata nito.
Kaya hindi ko mapigilan na makaramdam ng inis.
“Hindi man halata pero nagbabasa ako ng libro, Luisa. Tiyaka tinanong lang kita ng ganoong tanong ay dahil gusto kong malaman ang posibleng isasagot ng aking mate. Nakakacurious kasi and now I realize that maybe my mate is just like you. Baka nga hindi lang galit ang pumipigil sa kaniya para tanggapin ako kundi andoon na rin ang takot, pangamba, at pagiging inosente sa usaping intimasyon.”
“Really? Inaakala mo talagang pareho kami ng iniisip? Hindi ba't dapat hindi mo iniisip na magkakapreho ang lahat ng mga tao na nakakasalamuha mo? She's different from me Kaizen kaya sana huwag mo ako ihalintulad sa mate mo—” hindi ko natapos ang sasabihin ko nang itinapat nito ang hintuturo nito sa tapat ng aking labi na siyang kinakunot ng noo ko.
Tila naman nakukuryente na inilayo nito agad ang hintuturo nito saka napailing.
"Hindi ko kayo hinahalintulad. Nagbabakasakali lang ako. Alam ko pa rin naman sa sarili ko na magkaiba kayo. Kaya lang hindi ba't ikaw lamang ang tumatanggi sa akin. Pangalawa ikaw ay healer. Kaya baka nga may chansa na ang iba kong haka-haka ay totoo. Malay mo pareho kayo ng rason kaya tinatanggihan niya ako?" Bumuntong hininga ako dahil hindi ko talaga maunawaan kung saan nakakuha ng lohikal na pag-iisip itong binatang ito.
"Ewan ko sa'yo para kang tanga." Nababadtrip na saad ko and I saw him barking a laugh at saka napatitig ito muli sa tanawin na may ngiti sa labi.
“You’re such a kind person Luisa, wanting to sacrifice yourself to save me. And somehow...”
Tumigil ito sa pagsasalita at nakita kong napasuklay ito sa buhok nito gamit ang sarili nitong mga daliri.
BINABASA MO ANG
A Prostitute For a Mate
Werewolf"I will never accept you as my luna! A fucking slut! Will never be respected. " He said at hindi ko alam pero imbes na makaramdam ay namanhid na lang ako . If he don't want me then be it. Wala na akong pakealam mas madami pa akong dapat ayusin at as...