64 Luisa's POV

853 15 0
                                    

“Ikaw nagsabi niyan kaya siguro naman hindi ko na kailangan magbigay ng opinyon hindi ba?” may inis na sambit ko dahil sa totoo lang hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa isip ko ang ideya na muntik na akong mabuking kanina. Kung hindi nga lang ako nakaisip ng palusot ay tiyak mas lalo akong madidiin.

At kung hindi lang sana ako nagmagaling na tumulong na iligtas ang binata edi sana wala nang Kaizen sa harap ko. Siguro nga iyon na ang madaling paraan para makaganti pero kung hinayaan kong mangyari iyon kanina ay tiyak hindi ko mararamdaman ang satisfaction dahil hindi naman ako ang naghirap at nag-effort hindi na patayin siya hindi ba?

Pero nakakapanghinayang din dahil kung hinayaan ko siyang mamatay edi hindi na sana ako mapupunta sa mas mahirap na sitwasyon. Ngayon kinakailangan ko na rin tumulong na sanayin ang kaniyang mga kawal.

At pati sa paghahanap sa mate ni Kaizen ay dapat tumulong na rin ako. Pero malaking advantage na rin sa akin ang bagay na iyon dahil pwede ko siyang lalo palituhin.

Lalo na sa usaping gamot na ginagamit ko upang itago ang amoy ko.

Pero bwisit! Kung bakit kasi kumikilos lamang ako bigla nang hindi man lang pinag-iisipan?

Sa ngayon pinipilit ko na lamang sabihan ang sarili ko na kaya ko siya niligtas ay dahil mas gusto kong ako ang makapatay sa kaniya.

Hindi pwede 'yung ideya na siya na nga ang pumatay sa ama niya na dapat ako, ay pati kay Kaizen ibang tao pa ang makakapatay.

“Well, I meant it hindi ba't nagtatanong ako sa'yo edi ibig sabihin no'n e' kailangan ko ng opinyon mo." Sabi nito kaya tinaasan ko ito ng isang kilay. Bakit ba mahalaga sa kaniya ang opinyon ko.

Kung tutuusin talaga namang duwag siya. Kung noon pa niya sana nagawang kalabanin ang kaniyang ama edi sana madaming pamilya ang nailigtas niya.

Kung sana hindi niya pinatay ang aking ama edi masaya sana kami ngayon.

“If you think you deserve every word then embrace it. Hindi mo naman siguro itatanong kung hindi mk deserve.” walang ganang saad ko na siyang naging rason para mapailing ito at nakita kong bumakas ang lungkot sa mukha nito.

Silence drags over us like a heavy curtain. Hindi na ito nagdagdag pa ng sasabihin at nanatili na lamang itong tahimik.

We both know this is strange topic. Sobrang mahirap pag-usapan ang bagay na iyon dahil kahit anong gawin niya ay patuloy kong sasabihin na duwag siya.

Because being friendly aren’t exactly my favorite thing, hindi ko kailangan maging plastik. Kung ano ang gusto kong sabihin pwed tanggapin niya. Total hiningi niya ang opinyon ko hindi ba?

Isa pa, I don’t want this kind of conversation especially if it was with him, acting like he's my closest friend. Akala mo kung sinong kaclose ko na humihingi pa ng opinyon ko.

Nagpapaawa ba siya?

Tsk, napakalaki niyang tao pero kung umasta siya ngayon ay para siyang bata na hindi nagbigyan ng laruan.

“We don’t have to talk about this Kaizen—” He cuts me off, putting a hand on my arm. Kaya natigilan ako at napatingin ako sa kamay nito na humahawak sa akin.

His touch is firm but friendly. The lines between us are clearly drawn, hindi ko maramdaman ang galit nito dahil sa sinabi kong duwag siya. Bagkus ramdam kong nauunawaan nito ang gusto kong iparating. Na tila ba siya pa ang may ganang icomfort ako e' siya nga itong sinabihan ko ng masama.

Dagdag pa roon na hindi na nito pinipilit ang sarili sa akin. Tila ba ginagawa na nga niya ang aming kasunduan. Which is good for me.

Also he seemed to value our conversation enough to never cross the boundaries. The lust is forgotten as if it wasn't there before. Wala akong makapang kahit anong libog, bagkus andoon 'yung kaseryosohan nito.

A Prostitute For a MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon