85

855 19 2
                                    

 Kaizen's POV

I and Luisa sat at the long chair where the warriors and other villager ate their meals. Nilinis ng tagasilbi ang lamesa sa harap namin at nakita kong halos marami ang nakatingin sa kinauupuan namin ni Luisa.

Karamihan sa kanila ang mga kalalakihan na sa tingin ko ay hinahangaan ang katawan ng babaeng kasama ko. Agad naman akong nakaramdam ng kakaibang inis.

Gusto ko tuloy tumayo at sigawan ang mga ito samantalang ang babaeng nasa harap ko ay walang kaalam alam sa mga nangyayari. Nanatili lamang itong tahimik na tila ba may malalim na iniisip.

Kinalma ko na lamang ang sarili ko at pilit na na inalo ko rin ang aking lobo na tila ba ano mang oras ay handang kunin ang kontrol sa katawan ko at magwala sa loob ng maliit na kainan.

Ewan ko ba pero iba talaga ang epekto ni Luisa sa akin at sa lobo ko.

Ngayon ay halos ayaw kong mawala ito sa paningin ko. Ni ayaw kong tumigil sa paglagay ng marka rito. I almost marked her with my fangs na dapat ay para lamang sa babaeng nakatakda para sa akin.

Yes I know I am being unfair para sa mate ko dahil sa turing ko kay Luisa pero hindi naman niya ako masisisi hindi ba? Una pa lang mas pinili ng mate ko na magpakadumi sa harap ng ibang lobo at imbes na manatili sa tabi ko ay mas pinili nitong lumayo. 

And no here I am. Ngayon lang ako nakaramdam ng kapanatagan. Ngayon lang ulit ako nakaramdam na tila ba hindi ako nag-iisa. Kay Luisa ko naramdam na para bang may isang tao na akong masasabing parte ng buhay ko na pwede kong ariin at baka pwede ko rin alagaan at mahalin.

She's different and everything about her is beautiful and unique.

Wala na akong pake sa sasabihin ng iba o kahit sa itsura nito at estado nito. 

Ang mahalaga na lamang sa akin ngayon ay ang maipadama rito na pwede ko siyang alagaan at pwede siyang manatili sa buhay ko bilang isang importanteng tao sa puso ko.

I know I am being selfish pero ngayon lang ako naging sobrang masaya. Hindi lamang dahil sa ligaya nang maangkin ko ito kundi dahil naramdaman kong may nabuo ito sa kaloob-looban ko na hindi ko alam kung ano.

"You're avoiding looking at me." Sambit ko dahil kanina ko pa gustong hulihin ang mga tingin nito pero talagang ang hirap dahil parang ayaw niya akong pagbigyan. 

Ganoon na ba kalala ang pagkasuklam niya sa akin?

Damn! Bakit ba ang hirap nitong basahin? Kung tutuusin paiba-iba ito ng mood. 

Noong may nangyari saamin ay doon ko lang naramdaman na tila hindi ito nagpapanggap.

Ewan ko ba pero may kakaiba sa kaniya na hindi ko mapangalanan.

"Pumunta ako rito para kumain at hindi makipagkwentuhan." Malamig na saad nito kaya bumuntong hininga na lamang ako.

Napatingin ako sa may kusina at nakita ko ang isang may katandaang ginang na nag-aayos ng mga pagkain.

Hindi nagtagal ay nakita ko itong papalapit na sa aming pwesto habang dala dala ang mga hinanda nitong pagkain.

he brought fresh bread, honey in a bowl, golden butter, and silver knives. Kaya napangiti ako ng malapad

“This is the place to eat,” I said. I kept my eyes on Luisa. And she didn’t seem to mind. Para bang wala itong kaartehan at isa iyon sa nagustuhan ko sa kaniya. 

Hindi ito kapareho ng ibang babae na sobrang arte. Ito ang klase ng babae na tantiyado ang mga galaw at para bang aral na aral nito ang bawat angulo ng sitwasyon.

A Prostitute For a MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon