CHAPTER 7

452 14 0
                                    


EPIC

EVERYTHING was ready, at si Kurt nalang ang aking hinihintay. Sina manang Linda at Pipay ay umuwi na muna dahil tapos na sila sa kanilang trabaho dito kay Fiandro at para makapag-palit pa sila.

Nag-message ako kay Kurt para ibalita na umuwi muna sina manang Linda at Pipay sa bahay ni Senyor Enrique. Nagreply siya na susunduin na lang namin sila pagkatapos niya akong masundo.

Dumating si Kurt mga alas sais na ng gabi. Dumungaw ako sa halfglass door, at nakita ko si Kurt na kabababa ng sasakyan.

Bago pa nito mabuksan ang pinto ay ako na ang nagbukas para sakanya na ikinagulat naman niya.

"Hi." wala sa sarili nitong bati.

"Hello. Tara na ba?" tanong ko sabay ayos sa aking damit.

Tumango siya sabay ngiti sakin. "Yup. Ang simple mo, pero bagay sayo." komento niya sa aking kabuuan.

Bigla akong namula, kahit sino naman siguro magagalak sa mga ganoong salita.

"Salamat. Di mo na kailangang sabihin iyan eh." sabi ko sabay yuko dahil nahihiya akong tumingin sakanya.

"I can't help it. I will say what's on my mind. Lalo pag ikaw nakakasama ko."

Diko napigilang matawa. Tinakpan ko pa ang aking bibig para pigilan ang pagtawa.

"Oh? Ba't bigla kang natawa?" he asked between his giggle.

Umiling ako. "Wala." sabi ko at umangat na ang tingin ko rito.

Nanliit ang tingin niya, tila ba may binabasa sa akin. Ngunit may naglalarong ngiti sa kanyang mga labi na para bang may naiisip na nakakatawa.

Kahit ganito magbiro si Kurt eh hindi siya nakakairita sa mga binibiro niya. Iyong tipong kaya mo pang sabayan. For short, maganda talaga siyang kasama. Hindi ka mabobored kahit saan man kayo pumunta o kahit ano ang inyong pag-uusapang dalawa.

Ewan ko ba talaga bakit ang laki ng agwat nila ni Fiandro. May pinagmanahan ba iyong mokong na 'yon sa isa sa magulang noon? At kung bakit mas malamig pa siya sa yelo at mas mainit pa sa naglalagablab na apoy ang ugali noon?

Siguro kung si Kurt ang ipina-asawa kay Rebecca, malamang hindi aalis 'yon. Di gaya noong isa, na pagbigkas mo palang ng "Fiandro" halatang madilim at misteryoso na ang pangalan.

"Huy!" pitik ni Kurt sa mga daliri nito kaya napakurap ako rito. "Bigla kang natulala." natatawang sabi niya.

"Ahh. May naisip lang. Hehe!" palusot ko sabay ngising aso.

"Baka ako iniisip mo? Sa akin ka nakatitig eh!" asar ni Kurt saka nagtaas baba ng kilay.

Natatawang umirap ako sakanya. "Hay nako. Ewan ko sayo, Kurt! Tara na nga." tawag ko. Iniwan ko siya doon ng mauna akong dumiretso sa kotse nito at hinintay siya.

Pasimpleng sulyap ang ginawa ko sa banda ni Kurt ng makita kong umiiling ito ng nakangisi habang hawak ang kanyang susi para i-unlock ang sasakyan.

Narinig ko ang pagtunog ng kotse, saktong nakalapit na siya sakin at pinagbuksan ako ng pinto.

"Hop in, milady." aniya sabay kindat.

Natatawang umiling ako sakanya. "Thank you." tapos pumasok na sa loob.

Umikot si Kurt paharap ng sasakyan at pumasok na din sa loob. Nang buhayin nito ang makina bumaling siya sakin.

"Ready?" tanong niya na tinanguan ko agad.

Binuksan ng mga body guard ang malaking gate. Nag slow down ng konti si Kurt para sabihan sila.

Napansin ko ang pagkabigla ng isang body guard na kinakausap ni Kurt. Parang may gusto pang sabihin sakin kasi nakadirekta ang kanyang tingin sa banda ko.

MARRIED TO THE WRONG BRIDE [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon