(VISIT)
BINIGYAN nila ako ng daan ng akmang papasok sa loob ng bahay. Kahit hindi ko sila tinitignan, sa gilid ng mga mata ko ay nakasunod ang kanilang tingin sakin.
Nakangisi pa din si Fiandro ng makalapit nako sakanya at hinablot ang kamay papasok sa loob. Sinara ko ang pinto at hinarap siya. Bigla akong pumikit ng mariin ng shorts lang pala ang suot nito.
"Please, magsuot ka ng pang-itaas mo!" mahina ngunit madiin kong utos.
"You forgot to give me new clothes. Umalis ka agad ng bahay. Kaya nilabhan ko iyong ginamit ko para iyon ang uulitin ko mamaya kung wala kang maibigay na damit sakin." suminghap ako sa kanyang paliwanag. Nakapikit pa din ako at walang balak imulat.
Ang dami kong iniisip kaya siguro nawala na sa isipan ko na kuhaan ng damit.
Tsaka bisita siya. Hindi ko hahayaang gumawa siya ng kahit anong gawaing bahay dito.
Nilagpasan ko siya ng nakapikit. Tsaka ko minulat ang mata ko ng pasukin na ang kwarto ni papa para kumuha ng damit.
Isa pa, walang dapat makaalam na narito siya dahil alam kong dudumugin ng mga tao dito. Na tama nga ang aking hinala, dinumog ng di oras.
Ngayon problema ko na naman kung paano siya iiwan mamaya. Paniguradong aaligid ang mga babae sakanya, at baka iyong iba magbabalak na pumasok ng bahay para malapitan o makausap. Pag nangyari 'yon, palalabasin ko nalang si Fiandro at doon pagpiyestahan. Huwag nilang gawing fan-meeting ang pamamahay ko.
"Ito na." medyo iritable kong sabi ng ilahad ang loose na sando. Ang ulo ko'y nakatingin sa ibang direksyon.
Sa totoo lang, magkasing-tangkad sila ni papa matipuno ang pangangatawan non tulad kay Fiandro. Pinagkaiba sakanila eh malapad ang balikat niya kaysa kay papa.
"Thanks." kuha sa damit. Ramdam kong nakangisi na naman sakin. "Saan iyong sabon?"
Sa isang kamay ko naman ang inangat ko na hawak ang sabon at shampoo. "Heto." kumunot ang aking noo. Nakakairita habang tumatagal na ganoon ang itsura niya.
Dumiretso si Fiandro sa banyo. Lumuwag naman ang pakiramdam ko nang saglit mawala sa paningin ko.
Pumunta ako ng kusina at binuksan ang ref. Nilinisan ko 'yon para mamaya na pupunta ako ng palengke ay ilalagay ko na dito ang mga stocks na aabot ng dalawang araw.
Unang araw ko dito, at nasasayang ang oras ko dahil wala pa akong nasisimulan sa pag-alam sa katauhan ni papa. Iyon dapat ang priority ko kung bakit ako narito. Pero parang mas priority ko pa si Fiandro kaysa doon. Kung bakit pa kasi sumama ang mokong! Di ko tuloy alam kung anong uunahin at gagawin!
Pagkatapos kong malinisan ang ref ay tsaka naman lumabas si Fiandro ng banyo. Guminhawa pa ako ng nakadamit na siya.
Parang may mali sa kanyang suot. Mas lalo atang paglalawayan ng mga babaeng nandito sa suot na sando dahil nakikita na ang mga muscles nito, mula balikat hanggang sa mauugat na kamay.
Wala akong kamalay-malay na naka-awang na pala ang bibig ko ng tignan siya ng ganoon. Tumaas ang kanyang kilay ng mapansin ang aking paninitig sa kanyang katawan.
"Stop staring at me like that. Para mokong pinagnanasahan." akusa niya sabay ngisi.
Nag-init ang aking mukha. Ang kapal naman niya para sabihin iyon! Concern lang ako sa damit niya kasi naiisip ko na ang susunod na mangyayari.
"Kukuha ako ng ibang damit." sabi ko ng mairita sa sinabi niya.
Hinalughog ko ang aparador ni papa. Pumulot ako ng t-shirt doon pagkatapos bumalik sakanya at binato na nasalo rin agad.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO THE WRONG BRIDE [ONGOING]
RomanceNang mamatay ang lola ni Shawntina ay naisipan niyang makipagsapalaran sa Maynila. Pumasok siya bilang isang katulong sa mayamang pamilya. Sa mga ilang buwang pananatili niya roon ay naging maganda naman ang trato sakanya. Hanggang sa isang araw ay...