CHAPTER 12

382 10 0
                                    

(PRESENTS)

ILANG mga papel na ang naitapon ko sa trash bin. Halos maluwa na ng basurahan ang lahat ng papel na itinapon ko doon.

Tanghali na at hindi pa ako nakaka-kain ng tanghalian. Wala din akong gana kahit nagrereklamo na ang aking sikmura. Mas tutok ako sa pinapagawa ni Fiandro sa mga lintik na drawings na'to.

Maduling-duling na ang aking mga mata sa pasalit-salit na tingin sa magkabilang papel. Para magaya at ma-perfect lang ang drawing. Ang ikinafu-frustrate ko ay iyong pag-kulay at ano ang color combinations ng aking gagayahin.

Sana lang talaga matapos ko lahat 'to sa saktong oras. Dahil kung hindi, di ko na alam.

"Huy girl, lagpas twelve o'clock na. Di ka pa kakain?" siniko ako noong Harley. Bagong kaibigan ko, and he is a gay.

Actually, lahat ng nasa palapag na ito ay puro mga bakla at iisa lang ang lalaki. Medyo curious nga ako eh, wala pa akong nakikitang babae na nagwo-work dito sa kompanya ni Fiandro bukod sakin.

"Hindi pa ako gutom." sabi ko ng di siya binabalingan dahil nakatuon ako sa ginuguhit ko.

"Ay be! Mas wala kang matatapos kung magpapalipas ka ng hungriness diyan! Halika na!" pilit ni Harley.

Doon ko na siya binalingan at ngumiti. "Ayos lang talaga ako Harley. Mauna ka na." tapos binalik ko na ulit ang atensyon ko sa pag-guhit.

Suminghal si Harley. "I guess kahit tumambling pa ako, di ka pa din sasama. Oh siya, mauna na ako. Happy lunch!" tapik niya sa aking balikat at umalis na ng cubicle room.

Pagka-alis ni Harley ay sumandal ako sa aking office chair. Hawak ko ang papel na nakakalahati ko pa lang na naguguhit.

Itinaas ko iyon sa ere at tinignan ng malayuan. Gad! Kukulayan ko pa pagkatapos nito. Iisa pa lang natatapos ko at sana approve kay Fiandro.

Umungol ako sa pagod. Pagod ang pagbagsak ko sa aking kamay sa mesa sa hawak na papel. Umalis ako sa pagkaka-sandal tsaka sinimulan ulit gumuhit.

May narinig akong katok mula sa labas ng cubicle room. Tumingin ako roon kung sino ang kumakatok.

Si Kim iyon. Kinawayan niya ako mula sa labas ng naka-ngiti sa akin. Kinawayan ko rin siya pabalik. Pagkatapos noon ay pumasok na siya sa loob, may bitbit na puting styro.

"Kamusta ka na?" masayang bungad niya.

I smiled. Trying to hide my tiredness and frustrations. "Ayos lang naman." actually, I'm exhausted already.

Tumango siya sa sagot ko. "Ilan na natapos mo?" dungaw sa mesa kong napaka-kalat dahil sa mga nag-crumplan ng mga bond papers.

Nagbaba ako ng tingin sa aking mesa. "Uhm. Iisa pa lang eh."

Sunod-sunod ang kanyang palatak. Di magandang senyales na pandinig sakin. "You have six more hours to go, Shawntina." komento nito.

Suminghal ako sa pagod. "Alam ko. Sana talaga matapos ko."

Suminghap naman si Kim. "I'm rooting for you, miss Pascua." ani nito sabay lapag ng styro na hawak kanina.

Inangat ko ang aking ulo. "Bakit ito?" tanong ko.

"Your lunch." sagot niya.

"Hindi ka na sana nag-abala pa." nahihiya kong sabi.

"Actually, di galing sakin iyan. Kay sir Fiandro. Pinapabigay niya lang sayo."

Nabigla ako sa kanyang sinabi kaya hindi ako naka-imik kaagad.

Tinaas ni Kim ang kanyang eyeglass. "Alis na ako. Goodluck! Kaya mo 'yan." sabay tapik sa aking balikat at umalis na sa cubicle room.

MARRIED TO THE WRONG BRIDE [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon