(CAUTION)
NANG magising ako kinaumagahan ay nagulat na lamang ako na nakatulog pala 'ko sa mismong drawing table ko. Mabilis akong bumangon na tuluyang nagpa-gising sa aking diwa.
Napansin ko ang pagdausdos ng kumot sa aking likod. Hindi naman ako nagkumot kagabi ah? Di kaya si Fiandro ang nagkumot sakin?
Speaking of the devil, hinaplos ko ang mga labi ko. Tsaka pumikit ng maalala kung paano niya 'ko hinalikan.
Bumilis ang pintig ng aking puso. Hindi mawari bakit ganito ang naging reaksyon nito.
Walang halik na nangyari, Tina. Nananaginip ka lang. Kalma.
Marahas akong umiling sabay mulat sa mga mata. Hinanap ko ang pinggol para itali ang buhok ko at bumaba na para makakain na ng almusal.
Pagkababa ng hagdan ay naabutan kong naroon na sina manang Linda at Pipay na hati sa paghanda at luto ng agahan.
Naramdaman ata ni manang Linda ang aking presensya kaya nalingon sa banda ko na tumigil sa mismong hagdan.
"Oh, hija. Magandang umaga. Sakto malapit ng maluto itong agahan mo." bati sakin ni manang.
Nilapag naman ni Pipay ang isang pinggan na may nakalagay na fried rice sa mesa. "Hali na kayo maam Shawntina. Habang mainit-init pa ang pagkain." tawag sakin.
Ngumiti ako at lumapit sa hapag sabay upo sa high chair. "Kanina pa kayo nandito?" tanong ko sa kanilang dalawa.
"Oo kanina pa." si manang ang sumagot. Sinasalin na ang prinitong itlog sa paglalagyan.
Kinuha ni Pipay ang pinggan na hawak kanina ni manang Linda tsaka nilapag ulit sa mesa. "Ayan maam. Kain na po." ngiting sabi nito.
"Eh kayo? Sabayan niyo nako." aya ko sa kanila.
Umiling si Pipay. "Hindi na po. Maaga kaming kumakain bago pumunta dito." maagap na tanggi nito.
Ngumuso ako tsaka tumango. Kinuha ko ang pinggan at kubyertos para makapagsimula ng kumain.
Nagpaalam muna sina manang Linda at Pipay na sabay aakyat sa rooftop para raw linisan ang swimming pool doon kaya iniwan na nila ako.
Unang subo ko sa pagkain ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng bahay. Nang lingunin ko 'yon ay si Fiandro na halatang pagod na pagod.
Binalik ko agad ang aking tingin sa pagkain tsaka umayos ng upo. Sumubo ulit ako na parang di ko napansin ang kanyang pagdating.
Pabagsak niyang nilapag ang dalang itim na leather suit case sa mesa. Bumilis ulit ang pintig ng puso ko kaya kinuha ko ang tubig sabay inom ng maupo siya malapit sa tabi ko.
Tahimik lang kaming dalawa. Na-aawkward pa nga akong kausapin siya. Siguro dahil na rin sa nangyari kagabi. Hindi ako mapakali sa aking pwesto. Dadalawa na naman kasi kaming magkasama dito.
"Oh? Fiandro, buti dumating ka na." bungad ni manang. Guminhawa tuloy ang aking pakiramdam ng dumating siya.
"Yeah. Magpapahinga muna ako bago ko kunin iyong sadya ko dito." wika niya.
Lumapit si manang sa aming pwesto. Humawak siya sa gilid ng island counter. "Gusto mo ba ng kape? Saglit lang at gagawan na kita." nagmamadaling sabi nito.
"No." agap na tanggi ni Fiandro rito kaya napalingon si manang Linda ng mahawakan na ang tasa.
"Ah. Oh sige." sagot nito na medyo naguluhan.
"Ikaw ang gumawa ng kape ko pagkatapos mo diyan." aniya.
Tumaas ang aking mga kilay ng sakanya ako nag-angat ng tingin. Kahit hindi siya nakatingin sakin eh alam kong ako ang kanyang tinutukoy. Tatlo lang kami dito, sino pa ba ang isang sinasabihan niya? Edi ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/309644651-288-k355117.jpg)
BINABASA MO ANG
MARRIED TO THE WRONG BRIDE [ONGOING]
RomanceNang mamatay ang lola ni Shawntina ay naisipan niyang makipagsapalaran sa Maynila. Pumasok siya bilang isang katulong sa mayamang pamilya. Sa mga ilang buwang pananatili niya roon ay naging maganda naman ang trato sakanya. Hanggang sa isang araw ay...