CHAPTER 36

483 29 2
                                    

(IDENTITY)

"SABI ko huwag ka ng sumama!"

Kumunot ang noo ni Fiandro.

"Bakit ba hindi kung doon ka lang sa pinsan ng mama mo?"

"Hindi na nga pwede kasi saglit lang ako doon." giit ko.

"I'm coming with you." he insist.

Kanina pa kami nagtatalo na sumama siya sa bahay ng pinsan ng mama ko. Hindi ako maka-alis alis ng bahay dahil sa pagpupumilit na sumama.

Ayokong malaman niya ang sadya ko kina tito Paul. Dapat kahapon ako pupunta, kaso hindi na sumagi sa isip ko. Tsaka pagkatapos ko din doon, pupunta akong munisipyo.

Pangalawang araw ko na dito sa probinsya. Dahil nandito si Fiandro, hanggang ngayon di pa maka-usad sa pag-aalam tungkol kay papa. Naiinip na ako kapag dumadaan ang bawat oras na walang nalalaman.

Ang hirap pa niyang pakisamahan!

Kaya ngayon, susulitin at iisa-isahin kong ilakad ang mga 'yon nang matapos na ang kaka-isip ko tungkol doon.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Kinuha ko ang aking pitaka sa bag. Hinawakan naman ni Fiandro ang bag ko kaya di ko nakuha ang pitaka dahil naipit doon ang kamay ko.

"Ano ba?!" singhap ko at napatingin sa inis.

"I'm coming, I said." seryosong ani at nagkatitigan kaming dalawa.

Huminga ako ng malalim at mariin na pumikit. Pagmulat ko sa aking mata ay madiin ko siyang tinignan.

"Hindi...nga...pwede..." madiin at halong pagtitimpi ang bawat salita.

"You're not going, if I'm not going." pinal niyang sabi kaya mas lalo na naman akong nainis.

Sino ba siya para pigilan ako? Atsaka, kung makapigil parang delikadong lumabas kapag di ko siya kasama. Kung umaasta ngayon parang bata na gustong sumama sa nanay.

"Dito ka lang! Huwag ka ng sumama!" suway ko sakanya.

"Paano kung mapaano ka diyan sa daan? Paano kung may sumunod sayo na masamang tao? Tapos wala kang mahingian ng tulong?"

Humigpit ang kapit ko sa pitaka, kahit hindi niya nakikita iyon. Naghahanap siya ng rason para isama ko. Hindi tatalab ang palusot mo, oy!

At kailan ka pa naging concern? Wala ka ngang pakialam sakin!

Naghintay ako na luwagin niya ang hawak sa bag ko. Nang matiyempo ay mabilis kong nahablot ang pitaka. Nabigla naman siya.

"Walang masamang tao dito sa lugar namin. At kung isasama kita, dudumugin ka na naman nila." mabilis kong depensa.

Sinulyapan ko ang nakabukas na bintana at nakitang may mga babaeng sumisilip samin sa loob. Kapag nasusulyap nila si Fiandro ay ngumingiti sila at kinikilig pagka-alis.

Tumingin ako sakanya.

"Kaysa mapayapa ang pagpunta ko doon, dagdag pa kita kung dumugin ka ng mga babae dito. Masisira ang mga lakad ko."

Biglang nanliit ang mga mata ni Fiandro. Bahagyang ginalaw ang panga.

"May iba ka pang lakad bukod sa pagbisita mo?"

Napasinghap ako at kinabahan.

"S-Siyempre hindi lang si tito Paul ang bibisitahin ko. Iyong mga i-ibang malapit pa sakin. Bukas aalis na tayo kaya ngayon, bibisitahin ko na sila." medyo nanginig ang boses ko pero pinilit kong maging kalmado.

Nakaupo siya sa kawayang upuan, tinitingala ako. Napalunok ako ng lihim ng malalim niya akong tinitigan sa mata na may halong pagdududa.

Umiwas ako ng tingin. "Dito ka lang. Aalis na ako."

MARRIED TO THE WRONG BRIDE [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon