CHAPTER 15

412 13 0
                                    

(GET IN THE WAY)

NAGKATITIGAN kami ni Fiandro ng ilang segundo sa walang emosyon nitong mukha. Samantalang puno ako ng katanungan kung bakit nandito ako ngayon.

Tumingin ako sa aking katawan kung may nagbago ba. Wala naman. Walang butones na nakabukas o kaya nabawasang saplot ko.

Suminghal siya kaya bumaling ako sa kanya sabay irap sa hangin tsaka lumakad papunta sa kanyang kabinet at binuksan iyon. "You're exaggerating things. Huwag kang assuming." wika niya na tila ba alam ang iniisip ko.

Ngumuso ako at umiwas na lang ng tingin sa bandang kanan ko. Tanaw ko doon ang swimming pool mula sa full body window nitong kwarto niya at may malaking umbrella malapit sa pool. Iyon siguro ang nakita ko noon nong unang punta ko dito.

So, ito ang penthouse niya dito sa kanyang building? Simple pero elegante. Now that I'm here, how many women did he took in his penthouse? Dito ba niya dinadala ang mga nakaka-fling niya?

I suddenly shut my eyes. Gad, Tina! Pati ba iyon tatanungin mo? Tsaka bakit ko pinapansin ang mga bagay na 'yon? Like it's my business?

"Bakit di mo na lang ako pinasundo sa driber? O di kaya ipabuhat sa guard? Iyon ang madalas mong ginagawa." wala sa sarili kong tanong na patuloy pa din ang sightseeing sa labas ng penthouse niya.

It's true right? Kung ayaw niya akong makasama, dapat pinabayaan na lang niyang matulog ako sa office. O di kaya gisingin para umuwi.

"I don't have much time para tawagan sila. At busy ako noong time na iyon, nagkataon na dumaan ako sa floor niyo at nakita kitang tulog mantika na. It's not like you're that important. Pero hindi lang ikaw ang nag-overtime kagabi, buti napadaan pa ako doon at kung hindi, responsibilidad ko pa kung may mangyari sayo."

Di ko siya tiningnan, bagkus nasa atensyon ko ang swimming pool at malayo ang iniisip. Pero pumasok sa kokote ko ang mga sinabi niya.

Galing ako sa eighteenth floor, and he carry me all the way to his penthouse. Pero, pwede pa din namang gisingin ako para umuwi na. Tignan mo lumaki pa ang obliga niya sakin, edi mukhang may utang na loob pa ako sa kanya?

"Magbibihis lang ako." paalam ni Fiandro na di ko pinansin pero narinig ko ang pagsara ng glass door ng banyo.

Doon ako nagpasyang umalis ng kama. Sa harap ng kama ay may self coffee table na marmol ang ibabaw noon. Pumunta ako roon para kumuha ng kape ko.

"Hihingi lang ako ng kape mo." paalam ko sa kanya ng dungawin ko ang banda sa banyo.

"Go get some." tugon niya mula sa loob na medyo nag-echo pa.

Kinuha ko na ang isang mug sa paglalagyan at naglagay ng kape. Buti may creamer tsaka asukal. Titimplahan ko 'tong akin na pang-kapeng probinsya na may halong krema at asukal. Pagtapos kong magtimpla ay hinawakan ko ang katawan ng mug gamit ang dalawang kamay para mainitan ang palad ko sa lamig ng aircon.

Nang humigop ako ay di ko naiwasang ilibot ang paningin sa buong kwarto ni Fiandro. Dito siya tumutuloy habang naroon pa ako sa bahay niya?

Biglang bumagsak ang aking tingin sa isa pang mug sa mesa tabi ng coffee maker. Gawan ko rin kaya siya ng kape?

Di nako nagdalawang isip pa, at ginawan ko na rin si Fiandro ng kanya. Bilang pasasalamat na din sa pagtuloy sakin dito.

Iniwan ko na ang kape doon sa mesa tsaka lumabas ng kwarto na may sariling pinto papuntang pool. Lumapit ako sa swimming pool, sa dulo noon ay may bilog na isa pang pool at parang kumukulo. Nilapitan ko naman iyon at mapagtantong hot pool kasi may usok na lumalabas.

Nate-tempt tuloy akong maligo. May pool din sa bahay ni Fiandro, pero walang ganitong klaseng hot pool. Nakaka-relax rin siguro kung maliligo ka sa ganito.

MARRIED TO THE WRONG BRIDE [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon