CHAPTER 21

339 16 2
                                    

(FRIEND)

TAMA nga ang sinabi ni Fiandro, dugo at pawis na pati na siguro kaluluwa ko maibubuhos ko na sa limpak-limpak na sketch works ang binungad samin ng teacher.

Unang araw pa lang ng klase, pero parang nasa huling araw na kami ng klase. Bakla ang aming teacher at sobrang strikto. Ayaw niya ng maingay, galaw ng galaw sa upuan, dapat nakatingin ka lang sa kanya at dapat kapag tinawag ka ay may maisasagot ka kasi kung hindi sketch activity agad.

"Argh! Nakaka-imbyerna 'yang si sir Preto! Biruin mo nagpa-assignment agad ng grand living room?" pabagsak na higa ng ulo sa desk namin si Elly ng madismiss kami sa klase.

Kaklase ko si Elly, dalawang section ang meron sa Interior Designing at nasa section 2 kami. Buti nga pareho kami ng section para may makasama ako dito sa school.

Pagkatapos ng introduction namin eh kaagad kaming binigyan ng analyzation and creativity test sa isang empty living room na pinakita ni sir Preto sa isang malaking projector tapos binigyan kami tig-iisang illustration paper para gumawa ng aming sariling disenyo sa loob ng living room.

Maraming nagreklamo ngunit wala kahit isang prumotestang mga kaklase ko. Unang lecture pa lang ay bugbog na ang aming mga utak. Di ko talaga ineexpect 'to.

Tipid akong ngumiti kay Elly na sobrang pagod ang itsura. "Wala rin tayong magagawa kundi gawin 'yon. Alam mo naman ang consequences kapag di nakapag-pasa bukas?" paalala ko sakanya.

Ang hindi raw makakapasa sa eksaktong oras bukas ay tripleng assignments ang ibibigay ng teacher. Kaya karamihan sa mga kaklase namin ay nagsi-uwian na para masimulan ang pinapagawa ni sir Preto.

Tamad ibinangon ni Elly ang ulo sa mesa. Sabay busangot ang mukha. "Buti meron si kuya, magpapatulong ako sakanya mamaya sa assignment. Napaka-demanding ng teacher natin at ang taas masyado ng expectations. Nakakainis!" naiinis niyang sambit. Habang padabog na binabalik ang mga gamit sa bag.

Nailing na lamang ako kasi wala rin akong maipapayo kay Elly. Sa sinabi niya, ganoon din ang sasabihin ko.

Nauna siyang tumayo bago ako. Nanatiling busangot ang mukha ng sakin tumingin. "Tara mag-coffee tayo. Dagdag init ng ulo." aya niya at padabog na naglakad palabas ng room.

Sinundan ko siya na diretsong naglalakad papunta malapit sa canteen. Tsaka ko siya naabutan nang tumigil sa coffee vending machine.

Nilabas niya sa kanyang pitaka ang paper bill at ipinasok sa vending machine. Pinindot ni Elly ang flavor na gusto at awtomatik na prinocess ang kape sa paper cup na medium size.

Kinuha ni Elly ang kape at walang alinlangang humigop kahit na mainit-init pa.

Sa bigla ay di ako nakasalita. Tumingin siya sa akin at kinunot ang noo.

"Oh, bakit ganyan mukha mo?" tanong niya ng humigop ulit sa kape.

"Di ka napaso?" agap kong tanong sa nag-aalalang tinig.

Umingos pa siya at umiling. "Hindi, sanay na 'tong dila ko sa maiinit. Parang ang ligamgam nga ng kape eh." reklamo pa ni Elly.

Kinuha ko ang akin ng tapos magawa ang kape tsaka kami sabay na naglakad kung saan pwede munang magtambay. Tapos na ang klase namin kaya ang gustong umuwi, umuwi na at ang hindi ay pwede pang manatili sa school kung gusto nila.

Mamaya pa ang pasok ko sa trabaho, anong oras palang ngayon. May dalawang oras pang natitira bago ako pumunta sa trabaho. Di naman siguro ako pagbabawalan ni Fiandro dito.

May tinuro si Elly. "Doon tayo, sakto ka aalis lang ng mga estudyante." sabay hawak sa kamay ko at hinila papunta doon.

"Huy, Elly, teka." pigil ko kasi baka mahulog ko ang kape ko.

MARRIED TO THE WRONG BRIDE [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon