CHAPTER 10

420 11 1
                                    

(THANK YOU)

NASA ikatlong palapag kami ni Kim ng simulan niya akong ilibot. Galing kami sa ikalawang palapag kung saan ang office ni Fiandro.

Sa buong palapag na iyon ay nahati sa tatlong malalaking cubicle. Dalawa doon ay ang mga empleyado at ang isa ay kung saan mga naka-display na miniatures na buildings.

Lumapit ako ng konti para masilip ang ginagawa nila. Karamihan sa kanila ay nag-guguhit at may iilan na nasa isang cubicle na nag-uusap sa ginagawang miniature na building na hindi pa natatapos. Maybe it's a huge project.

"This is the Architect floor." lumingon ako kay Kim na nasa likod ko. "Sila ang nagde-design ng mga bahay at buildings."

Tumango ako sa sinabi niya. "Ang dami nila. At, iisang building lang ang ginagawa nila?" kuryoso kong tanong.

Ang dami talaga nila para gawin ang isang malaking building. Wouldn't be enough kung dalawa o tatlo lang? They were almost ten architects!

"Well, si sir Fiandro ay mataas ang expectations non. One architecture wasn't enough for him. Gusto niya madami at mas maganda ang magagawang structure ng bahay o building kung marami sila. The more architectures, the beautiful design will has." paliwanag ni Kim ng itaas ulit salamin sa mata.

Dinikit ko ang aking mga palad sa glass na pader. Tinitigan ko ang ginagawa nilang building. Di ko maintindihan ang disenyo non, parang spiral building siya. Basta ang komplikado tignan.

"Tara na sa susunod na floor?" aya ni Kim.

"Sige." sagot ko tsaka sumunod na sa kanya papuntang elevator.

Pagpasok namin nilagpasan niya ang fourth floor kaya nagtaka ako.

"Bakit hindi tayo pupunta sa fourth floor?"

Sumulyap siya sakin ng nakataas ang mga kilay. "Architectures floor din iyon. Kung anong nakita mo sa third floor, ganoon din sa fourth." ani nito.

"Ahh." sabay tango ko.

"Ikaw kung gusto mo pa ding puntahan natin?" alok nito.

"Yes, please."

"Okay, fourth floor it is." may pinindot siya, na-kansela agad ang fifth floor at pinindot ang fourth. Hightech indeed.

Lumabas kami ng elevator. Katulad nga ng sinabi ni Kim ay parehong-pareho din kanina. Pero ibang design naman ang ginagawa nila. Mansion ang project dito sa palapag na 'to.

"Bahay ba ginagawa nila?" tanong ko habang sinisilip ang naka-display.

"Yup. Russian client at gagawin iyan malapit sa dagat. Medyo komplikado nga ang gusto niya. Sa tuktok ng bundok itatayo. Kasi gusto niya kita ang buong karagatan. At dapat raw kakaibang greek style ang disenyo ng bahay niya."

Mas marami ang nandirito kumpara sa third floor. Siguro pihikan itong kliyente nila.

"Bakit mas maraming architects dito kaysa sa baba kanina?"

"Glad you ask about that. Well, since komplikado ang gusto ng kliyente kailangan sobrang tibay na struktura ang magiging disenyo nito. Dahil greek style ang gusto ay dapat mabusisi ang pag-gawa lalo na sa materyales na kakailanganin."

Ganoon pala iyon.

"Shall we proceed to the next floor? May sixteen floors pa tayong pupuntahan." namilog ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Ha? Sixteen floors pa?!" gulantang kong sabi.

"Yep." he answered with confidence on his face.

Oo nga pala. Binilang ko ang floors ng building kanina. Twenty floors.

MARRIED TO THE WRONG BRIDE [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon