(CANCELLED)
PAGHATID ng driber sakin pauwi sa bahay ni Fiandro ay agad akong naghanda ng mga gamit na aabot hanggang tatlong araw.
Sinigurado ko munang naka-alis na sina manang Linda at Pipay para di mapansin ang aking binabalak na pag-alis.
Dapat ay di ako maabutan ni Fiandro dahil pag nangyari iyon ay malilintikan ako.
Di nako magkanda-ugaga sa kwarto. Kanan-kaliwang naglalakad at nag-iisip ng kung ano-ano sa nalaman. I need to move now. I can't waste any time here. Sana makaalis na sila agad.
Lumabas ulit ako ng kwarto. Kunwari'y kukuha ng maiinom sa kusina na ang totoo ay para makita sila manang at Pipay na aalis na talaga.
"Hija, aalis na kami. Iwan ka na namin dito ha?" paalam ni manang Linda. Lumuwag ang aking pakiramdam nang sa wakas ay aalis na sila.
"Sige po maam, tuloy na kami." si Pipay bago lumabas ng pinto.
Sinamahan ko pa sila sa labas para siguraduhing makasakay na sa van na naghihintay sa kanila. Nakita ko ang pagpasok ng dalawa sa loob ng van at ng makaalis na doon ay dali-dali akong pumasok sa loob para mag-ayos ng gamit na naihanda ko.
All were packed and I'm ready to leave. But my few steps going downstairs I heard the door opened. Kinabahan ako kaagad.
"Shoot!" mariin kong bulong sa sarili sabay kagat sa labi.
Anong binalikan nila dito?
Bumalik na naman ako sa kwarto para itago ang bag sa ilalim ng kama. Inayos ko muna ang aking sarili bago magpasyang lumabas ulit at bumaba.
Pagkababa'y si Fiandro pala ang dumating. Dumoble ang kaba ko at nalunok. Mahihirapan pa ata akong makaalis ng maaga, gayoong di ko pa alam kung anong oras siya aalis.
"N-Napaaga ata uwi mo?" tanong ko sa malumanay na boses.
"Yeah." walang ganang sagot ng tinatanggal ang kanyang neck tie.
Pansin ko'y tila nahihirapan siyang tanggalin iyon. Lumapit ako na para sana tulungan, ngunit ng mahawakan ko na ang neck tie ay bigla niya 'kong niyakap.
"A-Anong ginagawa mo?!" gulat kong sabi. Para akong dinaganan sa bigat ng katawan niya.
Ang ulo nito'y nasa balikat ko bumagsak. I heard him groaned and I felt his breath was so hot when it touches my right neck. Teka...
Pinulupot ko ang dalawa kong kamay sa beywang nito at pilit na ipinunta sa mahabang sofa. Di ako masyadong nahirapan dahil pinilit rin niyang maglakad kahit hinang-hina na.
Paghiga ko kay Fiandro ay agad kong sinapo ang kanyang noo. Umaapoy sa sobrang init at taas ng lagnat. Kanina lang ang ayos ng itsura niya tapos ngayon biglang nagkasakit ng malala.
Hinubad ko ng tuluyan ang neck tie nito tapos tinanggal ang butones ng puting polo sa apat para makahinga ng maayos.
Mabigat at hinahabol niya ang kanyang hinga na pati ang dibdib ay taas-baba sa pag-galaw.
Kung kaa-alis lang nina manang Linda pauwi, baka pwede kong pasuyuan na bumili ng gamot sa botika.
Nang maisip iyon ay nilabas ko ang aking cellphone sa pantalon. Tinawagan ko si manang.
"Hija? Napatawag ka?" bungad sakin ni manang.
"Uhm. Manang, nakalayo na ba kayo?" tanong ko.
"Di masyado. Bakit mo natanong?"
"Pwede ba akong makisuyo na bumili ng gamot sa botika? Kauuwi lang ni Fiandro dito sa bahay, inaapoy siya ng lagnat." sabi ko ng maikagat ang aking ibabang labi.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO THE WRONG BRIDE [ONGOING]
RomanceNang mamatay ang lola ni Shawntina ay naisipan niyang makipagsapalaran sa Maynila. Pumasok siya bilang isang katulong sa mayamang pamilya. Sa mga ilang buwang pananatili niya roon ay naging maganda naman ang trato sakanya. Hanggang sa isang araw ay...