(CELEBRATION WITH A TWIST)
ILANG araw ang lumipas ng sa wakas ay natapos na ang aming proyekto. Hindi ko lubos maisip na magagawa namin iyon bago mag-isang linggo. All of us were so happy because all of our efforts and sleepless nights are worth it.
Tumili si Harley ng buksan ni Albert ang champagne wine tsaka kinukog sa ere. Nabasa kami ng konti sa talsik non.
Dali-daling kinuha ang mga champagne glass at isa-isang ibinigay samin. "Let's celebrate for our successful project!" diwang niya ng itaas ang kopita sa ere at binangga ang aming kopita para mag-toast.
Ininom namin ang wine. Ako lang ata sa amin na narito sa office ang pumait ang itsura dahil sa lasa. Ang tapang naman nito!
Binaba ko ang kopita ko sa aking table, di pa rin nawawala ang pait sa aking mukha at naghanap ng makakain para matanggal ang lasa na nanuot sa aking dila.
Kinuha ko ang barbecue na nasa hiwalay na mesa. Nang makain iyon ay sumarap na ang panlasa ko at nawala ang pait ng alak.
Mahina akong binangga ni Harley kaya nabaling ako sakanya. "Bakla, ayaw mo iyong wine?" aniya ng pumulot din ng barbecue.
"Hindi sa ayaw. Di lang ako sanay kasi hindi ako umiinom." sagot ko.
Ngumunguya siyang tumango. "Itong pagce-celebrate nating gabi, pauna palang 'to." sabi niya kaya tumaas ang kilay ko.
"Pauna? Anong ibig mong sabihin?"
"Well, kapag may successful project na natapos, unang magce-celebrate sa office. At ang talagang celebration ay iyong pa-treat ni sir Fiandro." excited na sambit na may pagalaw-galaw sa mga balikat.
"Talaga?" kumurap ang aking mga mata sa nalaman. Ang akala ko ganito kasimple ang celebration. May ibobongga pa pala.
"Ay oo bakla! Doon sa function hall gaganapin. May pa-party pa si sir. For sure mag-eenjoy ka." dagdag pa ni Harley ng pumulot ulit ng barbecue. "Saglit lang ha? Kukuha ako ng wine. Balikan kita." paalam nito.
Tipid akong ngumiti sabay tango. Nang iwan niya ako doon ay pumulot naman ako ng ibang putahe. May biglang sumiko sakin sa braso.
"Baka sa pagkain ka malalasing, hindi sa alak." sabay tawa ni Albert ng tumingin ako.
"Pasensya na, di kasi ako mahilig uminom. Sumabay lang ako para di nakakahiya sa iba." nahihiyang ngiti ko rito.
Tumaas ang mga kilay nito. "Hala, joke lang! Ayos lang naman samin. Tsaka di lang ikaw ang hindi mahilig uminom. Meron ding iba sa kasamahan natin dito."
"Uhm. Sabi sakin ni Harley may pa-celebrate daw si sir?" tanong ko.
Tumango si Albert ng uminom ng wine. "Oo. Nagpapa-blow out 'yon kapag may successful project na natapos. Tsaka itong ganap natin dito, di pa ito ang talagang celebration, na kay sir Fiandro." siko ulit sakin ng may pa taas-baba na kilay at malapad na ngumiti.
Habang kami'y nagtatawanan ni Albert ay may biglang sumulpot na kamay sa gitna namin kaya parehas kaming umatras.
Sabay kaming bumaling sa kung kaninong kamay 'yon.
"Excuse me." huli ng sabihin ni Fiandro ng maabot na ang barbecue sa pormal na tono.
"Ay, sir. Kayo pala. Buti nakarating din kayo." ngiting wika ni Albert.
"Sorry, I'm late. May dinaanan lang ako." saad nito.
Lihim akong umirap. Sinong dinaanan mo? Si Chelsey noh?
Hindi maganda ang tingin ko sakanya habang nag-uusap sila. Mabuti at nakaharap siya kay Albert. Pero ng linungin niya ako ay hilaw akong ngumiti.
He gave me a grimace face as if he was disgusted by me. "Stop that face. You looked like Pennywise." he said with annoyance.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO THE WRONG BRIDE [ONGOING]
RomanceNang mamatay ang lola ni Shawntina ay naisipan niyang makipagsapalaran sa Maynila. Pumasok siya bilang isang katulong sa mayamang pamilya. Sa mga ilang buwang pananatili niya roon ay naging maganda naman ang trato sakanya. Hanggang sa isang araw ay...