CHAPTER 22

321 20 2
                                    

(KISS)

PAKIRAMDAM ko ay lalabas na ang aking kaluluwa sa tambak na gawain. Mauubos na ang buhok ko kaka-kamot at sabunot sa stress at frustrasyon dahil nagsabay ang proyekto ko kay Kurt at sa activity sketch sa school.

Hindi ko na alam kung alin na ang uunahin. Pareho kasing deadline sa araw ng pag-finalize sa interiors ni Kurt at sa ipapasa sa teacher ko.

Maka-ilang tapon na ako sa trash bin ng mga papel. Halos isuka na nga ng basurahan ang mga papel na tinapon doon.

Padarang akong sumandal sa upuan at sinabunot ang buhok ko saka tumingala. Bumuga ako ng marahas na hininga sa ere at umungol sa inis.

Bumukas ang pinto sa kwarto kaya dumirekta ang ulo ko sa pumasok. Di naman ako magugulat kung sino iyon, sino pa nga ba ang papasok dito?

Pagkasara ni Fiandro sa pinto ay binulsa nito ang mga kamay sa pantalon. "Anong oras na? Bakit gising ka pa?" medyo strikto ang boses ng tanungin ako.

Hindi ba obvious?

Ang gandang sabihin 'yon eh. Pero huwag na baka sumabog na naman siya ng di oras.

Tumikhim ako tsaka umupo ng maayos. "Uhm. Ginagawa iyong interiors sa bahay ni Kurt, tapos iyong activity namin sa school." sagot ko.

Naglakad siya patungo sa pwesto ko sa gilid ng drawing table at dinungaw ang bagong papel na nakalapag sa mesa ko. Pagkatapos ay tumingin sa akin kaya nagtama ang aming mga mata.

Umalis siya malapit sa tabi ko. Sinundan ko ng tingin kung saan dumiretso ang mokong.

Nagulat ako ng kinuha ni Fiandro ang office chair niya. "Tumabi ka ng konti." utos niya kaya nagmamadali akong tumabi para bigyan ng espasyo sa pag-upo.

Pagka-upo ay parang may lumilipad sa loob ng sikmura ko. Nakakakiliti, na masasabi kong nakaka-ilang sa pakiramdam.

Ang lapit namin sa isa't-isa. Biglang tumigil ang aking paghinga, lalo na't maamoy ang pabango nitong nakaka-akit sa ilong.

Tinupi muna niya ang long sleeves na suot hanggang siko bago kinuha ang lapis na pang-guhit. Bago tumingin sa akin.

"Sino ang teacher mo?" biglang tanong niya.

"Si sir Preto." nguso ko.

Ngumisi siya at nailing. "I see. No wonder kung bakit madami kang sinayang na mga papel." komento nito. Kinuha niya ang papel sakin tapos gumuhit ng rectangle sa bawat gilid noong papel ng walang ginagamit na ruler.

Pinanood ko siya sa manghang mga mata. Bihasang-bihasa na talaga. Pagkatapos ay gumuhit ulit ng linya sa ibaba nong papel. Napagtanto ko na gumagawa siya ng name plate.

"Grande living ba ang pinapagawa sa inyo?" tanong ulit ng tumigil ng gumuhit at tumingin sakin.

Tumango ako sabay impit ng bibig.

Bumungtong ng hininga si Fiandro. Sumandal sa upuan ng bitawan ang lapis. "Bago ka mag-drawing, gumuhit ka muna ng name plate mo. For sure di sinabi ni Preto 'yan. Pero kapag submitting na, papagalitan ka kaagad dahil wala kang ginawang name plate. The worst part, uulitin mo ang ginawa mo."

"Paano mo alam?" kuryoso ko.

"Naging teacher ko siya noon. Pero bago ko siya naging teacher, nagkaroon muna ako ng advance home study as Civil Engineer and Interior Designing pagkatapos kong grumaduate ng high school. At ito ang unang tinuro sakin ng naging tutor ko. So since freshman ka, i-aapply ko sayo ang ilang tinuro nila sakin para hindi ka mahirapan masyado. Lalo na ngayon may project ka kay Kurt. Hindi mo maipag-sasabay ang dalawa sa isang bagsakan."

MARRIED TO THE WRONG BRIDE [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon