(TRUTH AND TRAP)
TAHIMIK kaming pumasok sa loob ng bahay ni Fiandro, sobrang nakakabinging katahimikan iyon. Tamad ang paglakad ko sa aking sapatos para marinig ang tunog ng takong non at magkaroon naman kahit konting ingay sa loob.
Unang sumagi sa isipan ko ang kama, gusto kong mahiga at maidlip kahit sandali manlang. Para kasing nalusaw ang utak ko ngayon at ayaw gumana ng maayos.
"Wala ka na bang ibang kwarto dito?" wala sa sarili kong tanong.
"Isa lang ang kwarto dito." agap niyang sagot.
Nasa likod ko lang siya kanina ng sumagot, nasulyap ko na dumiretso siya sa kusina nila at nilapag doon ang susi ng kanyang sasakyan sa island counter nito.
Tumigil siya sa gilid ng island counter saka sinampa ang isang kamay doon. Nilabas ang cellphone at may tinawagan.
Binalewala ko na iyon saka dumiretso na sa kwarto ni Fiandro. Pagpasok ko doon ay tinanggal ko ang aking stilettos at itinabi sa gilid ng pintuan sa labas. Pagod akong naglakad papunta sa kanyang kama, dahan-dahang umupo saka tumingin sa kawalan.
Kasasabi ko lang na gusto kong umidlip, pero biglang umayaw ang katawan ko na mahiga.
Saglit akong natunganga. Agad akong nabaling sa malaking salamin ni Fiandro na tapat lang ng kanyang kama. Tinitigan kong maigi ang aking sarili doon. Pinasadahan ko ng tingin ang aking kabuuan.
Gusto ko lang ng tahimik na buhay, magtrabaho't, mag-ipon, mag-aral hanggang makapagtapos at magkaroon ng trabaho. Iyon lang naman ang natatangi kong hiling pag-apak ko dito sa Maynila eh, pero bakit umabot 'to rito?
Isa lang naman akong ordinaryong katulong na tumulong sa kaibigan para makamit ang pangarap. Pero ngayon, parang pasan ko na lahat.
Mahirap maabot ang pangarap kung may humahadlang na tao o bagay para hindi iyon makamit. Pero kahit na may humaharang sa landas mo, hindi iyon sukatan para tumigil ka sa gusto mong tahakin sa buhay. Para matamasa ang iyong pinapangarap.
Bumuntong ako ng hinga para mabawasan ang bigat na aking nararamdaman. Ngunit parang hindi talaga sapat ang paghinga kong 'yon at tila walang nabawasang bigat galing doon.
I'm so exhausted from frustration with that everything happened this day. Ang haba ng araw ngayon na sana matapos na.
Dumating si Fiandro pero hindi ako bumaling sa kanyang pwesto, nanatili lang akong nakatingin sa salamin.
Sa gilid ng mata ko sumandal siya sa hamba ng pintuan ng nakahalukipkip at ang isang kamay nito ay may hawak na brown envelope. Ramdam ko ang malalim na paninitig niya sa akin. Nawala tuloy ang mga naiisip ko kanina dahil nadistract ako sa kanyang presensya.
Tumingin na'ko sa banda niya, hindi na nito suot ang brown coat. Tinagilid niya kaunti ang kanyang ulo at ganoon pa rin ang tingin sakin pero mas matindi at mas malalim. Na para bang binabasa ang kung ano ang aking iniisip.
Ang kulay abo nitong mata ay masyadong mapanukso. Wala man akong makitang pag-aalab doon pero napapaso ako. Nakakalula ang lalim noon at hindi ko maatim na magtagal sa mga matang nakakapanghina. Nanghihina na nga ako sa nangyari kanina, dadagdagan pa sa paninitig niya.
Nag-iwas na'ko ng tingin dahil sa kakaiba kong naramdaman sa saglit naming titigan. God! Bakit ganito siya ka-grabe manitig? It's too piercing.
Hindi rin naman ako makakatulog nito ng maayos kung gugustuhin ko man. Bumabagabag din sakin na kung paano niya nalaman na hindi rin ako si Rebecca.
Kung bakit pa din niya ipinagpatuloy ang kasal gayoong hindi naman ako mismo ang kanyang pakakasalan?
Malaking himala na hindi umabot sa mga media at social medias ang kabulastugang naganap. Kung oo man, pinagpepyestahan na siya ng mga balita tungkol doon.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO THE WRONG BRIDE [ONGOING]
عاطفيةNang mamatay ang lola ni Shawntina ay naisipan niyang makipagsapalaran sa Maynila. Pumasok siya bilang isang katulong sa mayamang pamilya. Sa mga ilang buwang pananatili niya roon ay naging maganda naman ang trato sakanya. Hanggang sa isang araw ay...