CHAPTER 46

559 26 5
                                    

(BAR)

"UY SIS, sama ka mamaya?" aya ni Harley ng ilapit ang office chair sakin para makausap ng malapitan.

"Saan?" tanong ko naman. Hindi ko siya tinignan dahil abala ako sa mga furnitures na ipupunta bukas sa aming project building.

"Sa Ace Club. Maganda doon. Party-party ganern. Siyempre sahod day, meaning enjoy time." sabik na sabi.

Ngumiwi ako, at nagdadalawang isip. "Uhm. Kayo na lang. Di ako mahilig sa ganyan eh." tanggi ko nang saglit siyang balingan.

Napalatak siya sabay tampal sa braso ko. "Ano ba yan, Shawntina. Ang kill joy mo naman. I think di ka pa nakakapunta sa ganoong lugar. But I swear, mag-eenjoy ka doon. Tanggal stress din sa work." pangungumbisi sa akin.

Kumikibot ang aking mga labi, nag-aalanganin pa din na sumama. He's right. I've never been there or experienced going to clubs. Noong nagta-trabaho pa 'ko kina Rebecca nag-aaya siya kahit na day off ko. Pero ni minsan hindi ko sinamahan. Hindi ko trip at wala talaga akong interes sa mga ganyan.

Siniko niya ako. "Huy, ano? Deserve mo din mag-enjoy at itreat ang sarili mo sa pinag-pagurang sahod noh."

Ite-treat ko ang sarili ko sa mga bagay na mas mahalaga kaysa sa mga ganyan. Maging praktikal dapat.

Bumaling ulit ako kay Harley. "Hay nako Harley. Mas gugustuhin ko pang gumastos ng mga bagay na mas mahalaga kaysa diyan."

Umingos siya at napangiwi. "Ay kaloka ka bakla! Minsan lang naman! O what if, ilibre nalang kita para sumama ka? Gora?"

Walang gana ko siyang tinitigan. Hindi 'to titigil panigurado.

Nag-isip muna ako saglit. May gagawin ba ako ngayon? Wala ata eh. Tsaka sinabi naman niya na siya manlilibre.

"Tignan ko."

"Ay pak! I'll take that as a yes!" pumalakpak pa ang bakla bago bumalik sa table.

Nailing na lamang ako at nagpatuloy sa ginagawa.

Isang buwan na ang nakakalipas. Maganda naman ang pagsasamahan namin ni Fiandro. Actually, napapansin ko na ngang napaka-maaalahanin nito. Palagi akong tinetext o di kaya tinatawagan.

Nakakagawa na din ako ng gawain bahay. Hinahayaan na 'kong magluto. Minsan pa nga kung di siya nakakauwi sa bahay nagpapa-deliver siya ng pagkain sa akin.

Sa ngayon, wala pa kaming pinag-aawayan. Halos lahat ng bagay nagkakasundo kami. Himala nga eh. Di gaya dati na palaging bawal tapos limitado pa ang aking pag-galaw o sasabihin sa kanya. Literal na nakakatawa na pagbabago.

"Hi, Shawntina!" nilingon ko ang tumawag.

"Kurt?" nanlaki ang aking mga mata.

Papalapit siya bitbit ang malaking ngiti. May dala ding paper bag sabay abot sa akin.

"Ano 'to?" tanong ko ng tanggapin ang paper bag.

"My gift for you galing France. Nagkaroon kasi ako ng out of town business. Nakauwi ka na pala hindi mo man lang ako tinext o tinawag." tampo nito.

Nakita ko ang pag-silip ng kalahating mukha ni Harley mula sa likod ni Kurt. Malademonyo ang ngisi tapos umaaktong utusan akong buksan ang paper bag.

"A-Ahh. Ano kasi. May inasikaso ako. Tsaka sobrang naging abala sa school at work kaya 'yon."

He lipped tight his lips and slowly nodded. He looked down to the paper bag I'm holding waiting for me to open.

Mamaya ko na sana bubuksan. Kaso pareho silang naghihintay sa akin na buksan iyon. Kaya napilitan ako.

MARRIED TO THE WRONG BRIDE [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon