CHAPTER 27

374 17 2
                                    

(AMUSED)

NANG makauwi kami ni Fiandro sa bahay ay pareho kaming walang imik sa isa't-isa. Nagsimula iyon noong pinaalam niya ako kay Kurt na i-uuwi niya ako para i-ayos ang konting problema sa dinisenyo kong gyproc ceiling.

Hindi lang rin iyon ang aasikasuhin ko. Pati na ang mga nakulangang materyales at pag-update sa mga pagawaan ng furnitures.

"Mag-bihis ka na muna bago tayo aalis ulit." utos niya ng tanggalin ang coat nito at nilapag sa mesa.

"Saan tayo pupunta?" kuryoso ko naman.

"Pupuntahan natin iyong mga pinag-pagawaan mo ng mga furnitures. At irerequest natin na madaliin na nila." sagot niya ng tinutupi ang sleeve ng puting polo hanggang siko.

I gulped as I saw his visible veins. Tina, calm your inner you! Ugat lang 'yan! Wag kang tumameme diyan!

"P-Pero imposible iyang sinasabi mo. Hiniling ko na din iyan sakanila bago pa nila gawin 'yon. Noong huling update ko sakanila sa sofa eh ang sabi gagawin pa lang. Tapos alanganin pa raw iyong tela sa sofa na ilalagay. Nagkulang sila sa bodega." agad kong apila ng mag-iwas ng tingin.

Diko mapigilang laruin ang aking mga daliri habang nagpapaliwanag sakanya. Kung mahirap ang araw-araw na pag-guhit, mas mahirap pa pala ito na kapag sumabak ka na sa trabaho mo.

Tumingin siya sakin ng malamig nang matapos matupi ang sleeve. "So, hindi ka na maghahanap ng ibang paraan? Wala ka ng naiisip na ibang options? Wala kang plan B o plan C man lang? Tatambayan mo nalang iyang problema mo? Ganoon ba iyon?" sunod-sunod na tanong na nagpatuyo sa aking lalamunan.

Hindi ako makalunok ng maayos sa kanyang mga tanong. Bumagsak ang tingin ko sa mga daliring naglalaro.

"Kaya nga pina-leave muna kita doon para puntahan natin ang mga pinag-pagawaan mo at minsanan na problema ang aayusin. At habang nasa biyahe tayo mag-isip ka na ng maaring solusyon sa dinisenyuhan mo sa bahay ni Kurt."

Biglang akong nabigo sa sinabi ni Fiandro. Napanghihinaan tuloy ako ng loob. Ayoko din namang abusuhin ang pagiging magkaibigan namin ni Kurt para lang i-adjust ang expected na finishing work sa proyekto. Trabaho ay trabaho.

Bakit ba kasi pumayag ako na tanggapin iyong proyektong 'to? Na alam ko naman sa sarili ko na wala akong lubos na experience sa ganito. At bakit rin na hinayaan pa ni Fiandro na makipag-deal sa pinsan niya na ako ang maging designer sa bahay nito? Gayoong alam din niya na di pa ako nag-aral sa industria ng builiding at constructing?

Ewan! Nakakahibang pala ang ganitong trabaho!

"Walang magagawa ang pagtunganga mo diyan. Magbihis ka na." sita sakin sa striktong boses kaya umangat ulit ang aking tingin sakanya sa bigong itsura.

Gusto kong basahin niya ang mga mata ko na tama na muna. Uurong na ako. Hindi ko kaya. Marunong naman siyang magbasa sa isang tingin lang diba?

It's beyond my expectations. Nilagpasan niya lang ako para lumabas ng bahay. In a minute my phone rang from a text message. Binasa ko ang kung sinong nagtext.

Fiandro:

"Bilisan mo. Hihintayin kita sa kotse. Don't make me wait."

Should I move? Or stay where I'm standing? Kahit sinasabi ng aking isipan na gumalaw, ang mga paa ko naman ang ayaw makisama.

Ang tagal kong nanantili sa ganoong posisyon. Nag-iisip ako ng maigi kung anong dapat kong gawin.

Ngunit walang pagda-dalawang isip ay mabilis kong inakyat ang hagdan papuntang kwarto.

Naghanap ako kaagad ng t-shirt at pantalon na susuotin. Pagkatapos ay lumabas na ulit ng kwarto at umalis na ng bahay.

Pagbukas ko sa gate ay lumapit ako sa sasakyan ni Fiandro. Walang imik na pumasok sa loob.

MARRIED TO THE WRONG BRIDE [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon