CHAPTER 39

497 34 1
                                    

(HOPE)

MAGMULA sa hacienda hanggang pauwi ay sobra akong natuliro. Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isipan ko ang sinabi ni Fiandro.

Bumalik ang dating ala-ala ko sa batang lalaki noon. Hindi ko aakalain na siya ang lalaking 'yon. And for Pete's sake! Siya ang napakasalan ko. Can you believe that?!

Gusto ko ng magpalamon sa lupa sa kahihiyan!

Iniisip ko na lamang na coincidence ito. Hindi naman niya alam na ako ang babaeng iyon noon. Ganoon naman madalas na nangyayari sa buhay, puro lahat coincindence at hindi itinakda.

Right, Tina? Right...

I mean, all those years I thought the boy I admired before will looked like the same when he get older. Soft, jolly, and feminine. Hindi ako makapaniwalang kabaliktaran ang nai-imagine ko.

Naging matangkad, tigasin, malamig, at... sobrang gwapo na... Kahit sino naman ay magugulat ng bongga sa malaking pagbabago.

Kahit naiisip ko ang pagbabago ng itsura't katauhan niya'y, mas nangingibabaw ang kahihiyan sakin. Nadala ako sa nakaraan eh. Nadala ako kung paano ko hangaan. Kasi talagang crush na crush ko siya.

Sa mga ngiti pa lang niya nakakahumaling ng pagmasdan. Sa pagiging masiyahin niya, lalo akong nagagalak.

Ngayon ay medyo dismayado ako. Dahil ngayong nalaman ko na siya ang batang iyon, eh nagbago. Malayong-malayo na sa batang lalaking kinahahangaan ko.

Marahil nga sa mga taong nagdaan. Maraming pagbabago, na pati ang sarili mo nababago din. Ang isang naiisip ko ay dahil sa pagkawala ng mga magulang niya.

Nakuryoso ako kung bakit hindi na sila nakatira doon. Bakit nila ibinenta ang lupain nila?

Natigil ako sa paglalakad at napaisip. Naramdaman din ni Fiandro ang pagtigil ko kaya nilingon niya ako.

"What's wrong?"

I lifted my eyes to looked at him. I smiled a bit and shook my head.

"Wala. May naisip lang." ani ko at hinihintay na mauna siyang maglakad.

Pero nanatili siyang nakatayo doon. Kaya naman nawala ang ngiti ko.

Bumaba ang tingin niya. "Binenta namin iyon nang mamatay ang dad ko." then he lift his head. "Paano mo masasabing family house 'yon kung hindi na kayo kumpleto?" sabi niya kahit hindi ko pa naman tinatanong kung bakit nila ibinenta.

My heart ached. May punto din naman siya. Kaso, sa paningin ko, dapat hindi nalang nila ibinenta. Kasi nandoon ang mga ala-alang binuo ninyo. Hindi ba't dapat mas inalagaan nila iyon?

Bigla akong natawa sa isipan. Kung makapagsalita naman ako akala mo ganoon din ako eh. Eto ngang pag-uwi ko dito sa probinsya hindi ko makayanan kasi narito lahat ng masasayang ala-ala ko kasama ang aking pamilya. Tapos tinatakbuhan ko lang kasi, ang sakit sa damdamin na maalala ang lahat.

Siguro ganoon din siya. Ayaw ng maalala ang dati. Nasasaktan siya kapag naiisip iyon. Lalo na't wala na ang pamilya nito. Hindi ko siya masisisi at naiintindihan ko ang kanyang nararamdaman.

Anong silbi ng mga 'yon kung hindi na mauulit? At hanggang sa ala-ala na lamang ang lahat? Ano pang silbi na balikan ang nakaraan, kahit gusto mong dugtungan ay hindi na mangyayari pa?

"M-Meron pa naman si lolo Enrique na pamilya mo. Pwede pa din naman kayong magbakasyon dito k-kahit wala na ang magulang mo. S-Sayang din ang bahay." ani ko na parang iyon ang isang pang magandang paraan.

Akala mo naman Tina ang dali, pero ang hirap gawin.

"It's not enough. And it's not easy to do that. Sa sobrang halaga nila sa akin, hindi ko kayang balikan ang bahay na 'yon. Hindi madali." he shook his head a bit. "Hinding-hindi."

MARRIED TO THE WRONG BRIDE [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon