CHAPTER 44

468 30 6
                                    

(OFFICIAL)

AKALA ko sa pelikula ko lang makikita ang ganitong eksena, ngayon sa akin ko na nararanasan. Hindi ko aakalaing ganito sa pakiramdam kapag may taong umamin sayo na gusto ka.

Nakaka-kaba, ang sarap sa feeling, na parang umaangat ka sa ere. Halo-halong emosyon ang mararamdaman mo pagkatapos umamin sayo.

Ang tagal bago ako bumalik sa tamang katinuan kasi talagang na blangko ang aking pag-iisip nang sabihin ni Fiandro na gusto niya ako.

Ang hirap paniwalaan at hindi ko rin 'to aasahan. Dahil inaakala ko noon na imposibleng magkaka-gusto siya sa isang katulad ko. Ang dami ko ring tanong sa isipan na bakit, paano, saan, ano, at kailan siya nagka-gusto sa akin. Na kahit sinong tao din naman ay mapapatanong ng ganito.

Ngunit sa lahat ng aking mga katanungan ay nangibabaw ang sayang aking nararamdaman ngayon. Hindi talaga ako makapaniwala na gusto niya ako. Grabeng kilig ang bumabalot sa buong katawan ko.

"I like you, Shawntina." ulit niya na para bang hindi ko narinig ang unang sabi sa akin kanina.

Napakurap ako nang walang ma-isagot sakanya. Pero ang sarap sa pandinig nang ulitin muli ang mga katagang binanggit.

Hindi sa aking pagmamalaki, pero marami ng lalaking umamin at nagtangkang ligawan ako. Ngunit halos lahat sila ay binusted ko, kasama na din doon si Benji. Wala kasi sa isipan ko ang mga ganoong bagay dahil mas pokus ako noon sa pag-aaral. Kahit ngayon naman wala akong interes sa pag-ibig na balak ko pa ngang patigilin si Kurt sa panliligaw sa akin.

Ngunit ngayong si Fiandro ang umamin, bakit parang ibang-iba ang naramdaman ko sa mga nagdaang mga lalaking na nagka-gusto sa akin? Kahit ipilit ng isipan ko na madaming dahilan para i-turn down siya, eh lumalaban naman ang damdamin ko sa kanya. Pinaglalaban ng puso ko na siya... Na siya ang tanggapin ko. Na siya ang lalaking gusto ko.

"Hindi ka umiimik. Wala ka bang...sasabihin?" sinubukan niya 'kong kausapin sa malambing na tinig. Alam niyang nabigla ako sa kanyang sinabi.

"Uhm..." I stammered. Hindi ako makahulma ng salita. I still can't believe this is happening.

Oa na kung oa. Kasi talagang hindi ko 'to ineexpect na magkakagusto ang isang Fiandro Arzadon sa tulad kong mababa lang. Ang laking imposible!

Palagi kaming hindi magkasundo sa mga bagay. Lagi akong inaaway. Pangit pa ang ugali. Tapos ngayon out of no where aaminin na gusto ako? Walang closure sa feelings namin. Wala akong makita na mutual feelings na nangyayari kasi nga madalas kaming nagtatalo at maiisip mong imposible.

"Sigurado ka ba diyan sa sinabi mo?" pag-aalangan ko. Winala ko ang excitement na aking nararamdaman.

Hindi kaya nabigla lang siya? Baka mamaya bawiin niya ang kanyang sinabi. Then all of a sudden, sasabihin na hindi niya pala ako gusto. Na nadala lang sa bugso ng damdamin.

Heto na naman ako. Nag-ooverthink ng malala. Ayoko kasing madismaya at masaktan dahil umasa ako na totoo nga itong mga sinabi niya. Kaya ngayon palang, aagarin ko nang tanungin na kung sigurado bang gusto niya ako. Para kung binawi man agad, atleast saglit lamang ako nasaktan. Tipong kagat ng langgam lang.

Dahil sa totoo lang ang sakit umasa.

He looked at me with amusement. Like he'd never expect me to asked that question.

"You think I'm messing around? You think this is a teenage drama that I'll just admit it because I suddenly feel it? Huh? You think I'll just kiss someone because I want to? Hindi ko sasabihin na gusto kita kung hindi ko inalam o pinag-isipang maigi kung totoo nga ang nararamdaman ko sayo." tumigil siya at biglang natawa tapos nayuko. Inangat muli ang kanyang ulo at tinagilid ito. "I hate you, I admit that. But the more I hate you, the longer I can't stop thinking about you. I'm so fucked up, Shawntina. You fucked me up."

MARRIED TO THE WRONG BRIDE [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon