CHAPTER 20

457 17 0
                                    

(COFFEE FEELS)

UMAGA, at unang araw ng pasukan. Maaga akong nagising at hindi na hinintay pa sina manang Linda at Pipay na makapunta dito para maghanda ng almusal.

Sisimulan ko ng ako ang gagawa ng para sa akin. Kahit na magalit si Fiandro ay susumbatan ko rin. Di ko dapat tinatanggap ang mga ginagawa nila sakin hindi dahil asawa ako ng kanilang amo. Dahil sa nangyari kagabi, mas naging pursigido akong maging independent.

Nagbabalak na rin akong umalis dito, humahanap lang ako ng tiyempo. Ayokong magpadalos-dalos. Bukod sa pag-uugali ni Fiandro, ay mahirap din itong pakisamahan sa lahat ng bagay.

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Kaya medyo napuyatan ako ng magising. Iniisip ko kasi ang sinabi ko kay Fiandro na mag-file na ng divorce para mapirmahan ko na at ng makawala na dito sa kanyang puder. Kahit wala akong kasiguraduhan kung legal nga ba kaming mag-asawa o palabas lang.

Nanunumbat na siya, at siguro rin na kasalanan ko ang ibang bagay na mga simpleng binilin nito. Pero malinis naman ang aking intensyon kung bakit nga minsan nilalabag ko. May mga rason ako kaya ko 'yon nagagawa.

Mahirap naman magpaliwanag sa parte ko dahil laging sarado ang kanyang tainga sa tuwing gusto kong magpaliwanag.

Bahala na ang bahay ko, bahala na sa magiging trabaho ko, bahala na din sa pag-aaral ko at kung saan man ako pwede na magka-pera para sa sarili ko. Kinaya kong mag-isa, kaya mag-isa ko din itong didiskartehan ng walang tulong ng iba. Ayokong dumedepende sa ibang tao, dahil sa kinaaawan ako. Di rin dahil ayaw ko na tinutulungan ako. Gusto kong matuto, at tumayo sa sariling mga paa na hindi umaasa sa iba.

Sinalin ko na ang sunny side up na itlog sa aking plato. Tapos sinunod ang kanin para i-fried saglit. Natulala ako ng maalala ang nangyari kagabi.

Hindi ako sinagot ni Fiandro sa hiniling kong divorce. Hanggang pag-uwi namin dito sa bahay wala kaming imikan sa isa't-isa. Ni di ko rin alam kung umalis pa 'yon o hindi, basta dumiretso nako ng kwarto pagkatapos noon.

"Ba't ka nagluluto?" malamig na boses na nagpabalik sa aking pagkatulala.

Nilingon ko ang aking likod. Naroon si Fiandro sa may ibaba na ng hagdan. Nakasuot ng t-shirt na puti at long loose pants na itim.

Pumunta siya sa high chair tsaka umupo at tinignan ako sa malamig na tingin. Tinalikuran ko siya at binalik ang atensyon sa niluluto. Nailang tuloy ako sa kanyang presensya.

"Maaga akong nagising, at biglang nagutom. Kaya nagluto nako." malumanay kong paliwanag.

Sinalin ko na ang kanin sa platong pinaglagyan ko ng pritong itlog. Nakababa ang aking tingin ng pumunta ako ng mesa para ilapag ang plato.

Tumikhim ako. "Uhm, may gusto ka bang kainin? Magluluto ako." tanong ko ng di siya tinitignan.

"Wala." agap na sagot. Na diko na pinagpilitan pa.

Nanatiling nakababa ang aking mga mata, sabay tango. Lalo akong nailang kasi kaming dalawa ang magkasama. Kung pupwedeng umalis agad ay gagawin ko talaga para di siya makasama. Ngunit isinawalang bahala ko nalang ang aking nararamdaman.

Inayos ko muna ang mga pinag-gamitan sa pagluto bago simulang kumain para konti nalang ang gagawin ko.

"Coffee."

Tumigil ako sa pagligpit na sana'y ilalagay na sa sink. Nilingon ko si Fiandro sa pagkalito na nasa ibang direksyon nakatingin.

Tuluyan kong hinarap ang aking katawan. "Ha?" paulit ko kahit nadinig ko naman. Sinisiguradong tama ba ang aking narinig kanina.

"Just coffee." simpleng tugon. Medyo naiilang na inulit.

Ako'y nabigla sa sinabi niya ngunit di ko pinahalata. What a surprise, Tina! He's asking for a coffee!

MARRIED TO THE WRONG BRIDE [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon