CHAPTER 38

537 35 7
                                    

(FALL)

WE decided to go home. Some of my cousins are sleepy and drunk already. Even I can feel the alcohol devouring my senses. Kaya habang kaya ko pang kontrolin ang sarili ko ay ginawa ko na.

Napansin ni Fiandro ang pagtayo ko kaya tumayo na din ito. Saktong kababalik nina Jun-jun at tito Paul para sunduin na din ang mga babae kong pinsan at ihatid sa kanilang mga bahay gamit ang kulong-kulong.

Si tito Kanor nagpaiwan, aayusin daw ang mga kalat na naiwan.

"Sumabay na din kayo samin, Tina. Para minsanan ang uwi. Baka natamaan ka na din ng alak." bungad ni tito Paul ng makita na umalis nako sa bonfire.

"Ako na ang bahala sakanya." si Fiandro ang sumagot kaya nabaling ako sakanya na tumingin din sa akin.

Tumingin ako kay tito. "Kaya ko pa naman tito. Sila nalang ihatid mo, mukhang lahat sila tinamaan na eh." tukoy ko sa mga pinsan ko.

Si Mikai nakaupo at nakadumog. Si Patty nakahiga ang ulo sa mga hita ni Mikai. Si Gena nakaupo na sa lupa, yakap ang mga binti at ginawang unan ang tuhod. Si Jean naman ay pilit pang inuubos ang natitirang basi sa baso.

Nailing at napakamot nalang sa ulo si tito Paul at ilang beses pumalatak. "Mukhang napasobrahan ko silang napainom ah." bumaling ulit siya sakin. "Oh sige ihahatid na namin sila. Ikaw, ingatan mong maigi ang pamangkin ko pauwi ha? Lagot ka sakin kung may mangyaring masama sakanya." banta nito na ikinatawa ko.

"Don't worry, I'll make you sure she'll be home safely," he answered with assurance.

"Sige, mauna na kami. Ingat kayo ha?"

Nauna na kaming naglakad ni Fiandro palabas sa masukal na daan. May iilang ilaw doon kaya hindi kami mahihirapang makita ang dinaraanan. At nang makalabas kami doon ay nilingon ko siya. Mas nauna pala akong naglakad sakanya. Pansin kong nakababa ang tingin nito at mukhang nagkokonsentrate na maglakad ng normal.

Umangat ang ulo niya nang mapansing tumigil ako. Kahit pilit na imulat ang mga mata agad ding nabibigo dahil lumiliit ito dahil sa antok o kaya hilo. Kahit itago pa niya ay mahahalata ko din agad.

Hinintay ko siyang makalapit sakin. Pagkalapit ay muntik pang matalisod sa maling paghakbang, buti at naalalayan ko.

Nanlaki ang aking mata ng lumapat ang isang kamay ko sa abs nito na parang bato. Bigla akong namula. Sa gulat ay nilayuan ko siya at muntik na naman matumba. Kaya sa pagkakataong iyon sa mga braso niya ako humawak.

Nataranta ako dahil pati mga braso ay parang bato sa tigas! Nakakatakot siyang hawakan!

Mariin akong napapikit saka suminghal. Tina, ano na naman ba ang ine-ensaherada mo? Tao pa din ang inaalalay mo!

"Sorry, it's because of the wine I drank." he whispered that tickled my ear.

Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa kanyang bulong.

Okay naman sakin kung magpakalasing siya. Ang hindi okay eh 'yong ganito ako kalapit at ganito ang hawak ko sakanya.

Guminhawa ako ng makita ko na ang bahay ko. Pinursigi ko pang alalayan siya ng maayos para mabilis kaming makabalik doon.

Nasa tapat na kami ng bahay nang nagpabitaw si Fiandro. Tumingin ako sakanya.

"I can walk now. Mabato kasi doon. Just open the door." anito sa inaantok na mga mata at pilit na minumulat.

"Alalayan na kita hanggang sa loob. Baka matumba ka ulit." marahang sagot ko dahil nag-aalala ako kung matumba na naman siya at baka mabagok ang ulo.

Pinukulan niya ako ng masamang tingin. Feeling strong.

MARRIED TO THE WRONG BRIDE [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon