CHAPTER 45

570 25 4
                                    

(ENJOY)

PINUNTA niya ako sa isa na namang mamahaling restaurant. I pursed my lips as I breathe out while looking outside the resto. Sa totoo lang hindi ako nag-eenjoy sa mga ganitong klaseng kainan. Namamangha ako sa itsura pati sa pagkain kaso bukod sa mahal na, hindi pa nakakabusog. Para sa akin.

"We're here." he said as we stopped in front of the resto.

Tumingin ako sa kanya. Tatanggalin na sana ang seatbelt pero napansin niya ang aking itsura.

"Bakit ganyan itsura mo? May problema ba?"

Inimpit ko ang bibig ko at tinaas ang mga balikat sabay sulyap muli sa kainan. Tumingin ako sa kanya at tipid ngumiti sabay iling.

"Wala." ani ko tsaka tinanggal na ang seatbelt para wala siyang maisip na ayaw ko rito.

Nakakahiyang sabihin kung ayaw kong kumain doon. Tsaka baka nagreserve na din siya ng mauupuan namin. Mas nakakahiya na naman 'yon.

Napatango si Fiandro at tuluyan na ngang tinanggal ang seatbelt. Sabay kaming lumabas ng kotse. Mabilis niya 'kong nilapitan para igiya sa restaurant. His simple gesture made me smile.

Pagkalapit sa entrance nakatingin na ang security guard kay Fiandro. Binitawan nito ang hawak na reservation lists at nilapitan kami.

"Goodevening sir, ready na po ang nireserve ninyong VIP room." anito tapos binuksan ang glass door.

Tinanguan lang niya ang sinabi ng guard. Humawak siya sa itaas ng aking likod at sabay kaming pumasok sa loob. Mapaghahalataan na kilalang-kilala na siya rito.

Nalanghap ko agad ang mamahaling amoy ng restaurant. Napalibot ang tingin ko sa paligid. Buti naaayon ang damit kong suot ngayon sa kanila. Kahit jeans at chiffon white sleeves ang aking suot ay tamang-tama lang na mabagay sa taong narito. Sana nagtanong muna ako kay Fiandro kung saan kami pupunta para mas nakapaghanda ako.

"Shawntina?" marahang tawag sa akin. Kaya napatingin ako.

"Tara na?" sabi ko para di halata ang aking pagka-ilang.

Saktong may dumating na babaeng waitress. Nakasuot ng red suit at black pencil skirt. Naka-sleek bun style ang buhok tsaka light make up. Alam ko na agad na isa siya sa magseserve ng VIP customers. Iba kasi ang suot ng mga normal waiter dito sa kanya.

Una kong napansin ang maamo nitong mukha. Talagang mapapasabay ka sa pleasing personality nito. Kaya napangiti ako.

"Goodevening maam, sir," bati sa amin sabay lahad ng kamay sa daanan. "Dito po tayo."

Habang kami'y naglalakad ay paulit-ulit kong pinapasadahan ng tingin ang sarili at sa taong nasa paligid. At kapag nakakaramdam ako ng panliliit sa sarili ay napapayuko ako. Para akong na out of place.

Pagloob namin sa hallway ng VIP rooms nawala ang ingay na naririnig ko. Napakatahimik. Siguro dito pumupunta 'yong mga ayaw sa maingay o kaya sa mga nagme-meeting.

Naglabas ng susi ang server namin. Binuksan ang pinto at naunang pumasok bago kami.

Hinila ng server ang upuan at tumingin sa akin. Bago pa ako makaupo doon ay si Fiandro ang pumunta.

"Let me," he offered. Bumitaw kaagad ang server sa bigla.

"Oh, sorry sir."

"It's okay." he answered politely.

A big wow to this man. Hindi ako sanay na ganoon siya makipag-usap sa ibang tao kasi madalas galit o naiinis ito o kaya seryoso magsalita. Is it because I'm with him, or it's because they don't want to see his real attitude?

MARRIED TO THE WRONG BRIDE [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon