CHAPTER 43

468 33 14
                                    

(CONFESS)

"I CAN'T believe it, Shawntina. Asawa mo si Fiandro? Bakit mo hindi mo sinabi sakin 'to?" pabulong na reklamo ni Elly.

Nakayakap ang mga bisig niya sa braso ko at nasa likod namin si Fiandro habang sinusundan papasok ng bahay.

Napasinghal ako. Sa totoo lang, hindi na nga importante na sabihin 'yon kay Elly. Never naging big deal sakin na kailangang sabihin na ako ang asawa ni Fiandro sa lahat ng kilala ko.

Ang hindi ko pa maintindihan sa mokong na'to kung bakit sinasabi niya na asawa niya 'ko? Dapat walang nakakaalam ang tungkol saming dalawa. Dahil alam naming pareho ang mangyayari kung isa sa amin ang mag-bulgar.

May binabalak ba siya? At kung anumang mga binabalak niya ay dapat ko ding malaman. Dapat ay pinag-uusapan namin ito kasi kapag malaman ng publiko ay husgahan siya at baka hindi na ibigay ang posisyon sakanya ng kanyang lolo.

"Paano kayo nagkakilala? Kasi noong nasa America ako, nabalitaan ko agad na ikakasal si Fiandro pero hindi binanggit ang pangalan. Ikaw pala 'yon! What a small world, Shawntina!" manghang aniya. Hanggang ngayon hindi pa rin maka-get over sa nalaman.

Walang rumerehistro sa utak ko sa mga sinasabi ni Elly. Titig na titig kasi ako kay Fiandro. Di ko napigilang mamungay ang mga mata ko sakanya.

Ngunit kaagad ding nawala ng mapa-isip ako. Ngayon ko napansin na mga kamag-anak lang ang pinagsasabihan niya na ako ang kanyang asawa.

Alam rin kaya ng kaibigan niya ang tungkol samin? Kasi sa tuwing pumupunta ako ng office nito at kapag naroon siya, iba lagi ang ngiting pinapakita sakin. Parang nanunukso.

Pagkapasok namin sa loob ay nilibot ni Elly ang tingin sa paligid.

"Mukhang di mo na talaga binalik sa dati ang itsura nitong bahay mo." biglang sabi ni Elly kaya napatingin ako rito.

Walang imik si Fiandro. Sa kusina dumiretso, at hindi ko alam kung narinig nito o ayaw sagutin si Elly.

Napatanong ako sa sarili at nakuryoso sa sinabi ni Elly. Anong ibig niyang sabihin na dati? Hindi ba ito ang talagang itsura ng bahay ni Fiandro? Baka naman nalumaan sa dating disenyo kaya ganoon? Pero bakit iba ang pagkakaintindi ko? Parang may malalim pang dahilan.

"Saan ako pwedeng matutulog?" pag-iba ni Elly nang sakin siya tumingin. Nakataas ang kilay at naka-ngiti.

"Diyan ka sa sofa matutulog." si Fiandro ang sumagot. Katatapos lang uminom ng tubig.

Laglag ang panga ni Elly at nadismaya pa sa sinabi ni mokong.

"Seryoso ka ba? Wala ka pa ding guest room?" gulantang na reklamo niya.

Pinatong ni Fiandro ang mga kamay nito sa island counter tsaka tinagilid konti ang ulo at seryosong tinitigan ang pinsan.

"Lalayas layas ka, tapos magrereklamo ka sa pagtutulugan mo? Kung ayaw mo, bumalik ka na sa inyo." sermon nito sabay irap kay Elly nang ibalik ang pitsel sa ref at ang baso sa sink.

Seryosos ba siya? Babae si Elly. Wala manlang konsiderasyon! Hindi ba nito bibigyan ng mas komportableng hihigaan kaysa sabihan ng kung anu-ano?

Napanguso na lamang siya at bumusangot.

"Oo na." maktol niya nang walang nagawa.

Hinawakan ko ang braso niya.

"Sa kwarto ka nalang. Mag-isa ko doon, pwede kang matulog doon." alok ko kaya umaliwalas ang ngiti niya, pero kalaunan ay nagtaka.

"Mag-isa? Diba nga kwarto ninyong mag-asawa iyon?"

Sinulyapan ko si Fiandro na nasa gilid na ng island counter, nakasandal at halukipkip ito. Pinapanood kaming dalawa.

MARRIED TO THE WRONG BRIDE [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon