(CARELESS)
KINAHAPUNAN no'n ay pumunta na kami sa lokasyon ng bahay ni Kurt. Gamit namin ang sasakyan ng kompanya na van papunta doon. At kasama ko si Harley para may assist ako na utos ni Fiandro.
Dapat si Fiandro ang makakasama ko, kaso may urgent meeting sila ng mga ka-business partners niya kaya si Harley na lang ang pinasama sakin.
Residential ang pinagpatayuhan ni Kurt nang pasukin namin ang arkong gate papasok sa loob.
Marami kaming nadaanang mga malalaking bahay. At ang sabi ni Harley halos lahat ng bahay na nakatayo doon ay si Fiandro ang nagpa-construct ng mga iyon.
Dagdag pa niya ay dating lupain ni lolo Enrique ang buong residential lot na hekta-hektarya ang laki. Pinabenta lang nito sa mga magulang ni Kurt at ginawa nilang negosyo pagpatayo ng mga bahay.
Tinanong ko siya kung bakit binenta. Ang sagot ay di rin alam. Basta nalaman nalang ng ilang empleyado doon na binenta na ang lupang iyon.
Balita nga rin ni Harley eh pinamana daw muna ang hektaryang lupaing iyon sa ama ni Fiandro, bago mabenta sa pamilya ni Kurt. Nakakapagtaka lang rin daw kung bakit biglang pinabenta gayoong pinamana naman.
Speaking of that. "Nasaan pala iyong tatay ni sir Fiandro?" kuryoso kong tanong. Kahit noon pa ay gusto kong malaman kung nasaan ang mga magulang nito.
Kumibit ng balikat si Harley. "Di ko rin alam bakla. Walang nakakaalam kung nasaan ang tatay non." sagot niya nang nakatingin sa daan.
Magkatabi kami sa backseat. Nakatingin ako sa kanya na puno ng kuryosidad.
Ngumuso ako ng di na nagsalita. Although kahit nasa iisang bahay kami ni Fiandro eh wala akong nakikitang clue tungkol sa buhay ng mga magulang non.
Maraming pintuan at pader ang kailangan pasukin o gibain para malaman ang personal na buhay nito.
Hindi sa pagiging chismosa, pero gusto ko lang malaman, kahit iilang parte ng buhay niya. Siguro kaya ako ganito ka-kuryos eh dahil sa katauhan ni Fiandro.
Tumigil ang van sa pinaka-dulo ng residential. Nilingon kami ng driber. "Dito na tayo." deklara nito.
Bumaba na kami ni Harley sa sasakyan at tumigil sa harap ng simpleng bungalow na bahay ni Kurt. Modern style na bahay-kubo. Maliit ito, na siguro kakasya sa dalawa o tatlong tao na maninirahan dito.
May maliit na gate para sa bisitang papasok at isang malaking gate para sa pagpapasukan ng sasakyan. Binuksan ni Harley ang maliit na gate tsaka kami tumuloy sa loob.
May sarili ding bakuran sa harapan pero maliit lang, tama sa pagsisight-seeing mula sa maliit din na veranda.
Nilakad namin ang maliit na pathway papunta sa bahay at pinasok iyon.
Pagbungad namin ni Harley ay walang kahit anong gamit. Kagagawa lang talaga ng bahay. Nilibot ko din ang nag-iisang kwarto, salas, cr, kusina pati na sa likod ng bahay.
Kulay ng loob ay white na pintura, at ang flooring ay medyo may pagka-dirty white. Simple ang design ng kisame ng salas, sa corner non ay may na-carve na disenyo na kulay ginto.
"Shala din ng bahay ni sir Kurt ha." puri ni Harley na patuloy ang paglibot ng tingin sa loob.
"Oo nga eh." sang-ayon ko naman.
Naglakad si Harley sabay sulyap sa parte ng kusina. Pagkatapos ay humarap sakin.
"Bakit kaya siya nagpatayo ng bahay dito? Ang dami na niyang pinatayo na mga bahay niya eh." tanong niya ng humalukipkip siya at tumingala, tinitignan ang mga gilid ng kisame sa salas.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO THE WRONG BRIDE [ONGOING]
RomansNang mamatay ang lola ni Shawntina ay naisipan niyang makipagsapalaran sa Maynila. Pumasok siya bilang isang katulong sa mayamang pamilya. Sa mga ilang buwang pananatili niya roon ay naging maganda naman ang trato sakanya. Hanggang sa isang araw ay...