CHAPTER 17

429 14 2
                                    

(LISTEN)

NAGING maayos ang deal nina Fiandro at Kurt kahit medyo nagkaroon ng konting iringan sa pagitan nila.

Nagpasya na rin kaming tatlo na umuwi dahil sa tapos na ang appointment namin.

Pinauna ko na silang lumabas. Nagpaalam muna ako na pupunta sa restroom saglit.

Nang matapos akong nag-restroom ay lumabas nako ng restaurant papuntang parking lot. Habang naglalakad ay sa di kalayuan may naririnig akong parang nagsasagutan ngunit di ganoon kalakasan ang mga boses nila.

Mula sa gilid ng poste sa likod ng resto ay sumilip ako. Nabigla ako ng si Fiandro at Kurt ang nagsasagutan.

Dahil medyo malapit ako ay klaro kong naririnig ang boses nila.

"Kung ano mang pumapasok diyan sa kokote mo, tigil-tigilan mo na." banta ni Fiandro na nasa tabi ng kotse ni Kurt sa bandang driver seat.

Sinara naman ni Kurt ang pinto ng sasakyan nito na siguro'y papasok na sana sa loob tsaka hinarap si Fiandro. "Kung ano mang tumatakbo sa kokote ko, gagawin ko iyon. Kahit ilang beses mo pa 'kong harangan, gigibain ko 'yan." patol sa pinsan.

Kahit nasa malayo ako ay nakita kong mariin ang titig ni Fiandro. Ano bang pinag-aawayan nila?

"Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sayo noon? Dito mismo sa lugar na'to? O sadyang makitid lang ang utak mo?" agad na sabat. Napa-isip ako kung ano 'yong binabanggit niya.

Napaubo si Kurt sabay ngisi. "Meron ba? Wala akong maalala." patuya nito ng pantayan ang titig ni Fiandro. Halata sa itsura na alam ang ibig niyang sabihin, ngunit nagmamaang-maangan.

Hinakbangan niya ang kanyang pinsan. Tumindig siya ng tayo at doon ko lang napansin na mas matangkad pala siya kaysa kay Kurt.

The part where he is standing right now is like he has more power than him. Like an unbreakable wall, even you want to break it down it will never fall.

I can see how his jaw clenched in sideview.

"Stop playing around, Kurt. Sa mga ganyang asta mo kilala kita. Huling banta ko na 'to sayo. Don't get in the way." his deep voice echoed in my mind. It's dark and scary.

Nagawa pang taasan ng noo ni Kurt tila di natatakot. "You may think I'm playing, but I'm serious. At di mo'ko mapipigilan sa gagawin ko. Dahil di mo'ko makokontrol. I can do whatever I want, and even how many times you blocked my way, I'll always find a way." he pointed his index finger on his chest. "And you, can't stop me from doing that." hamon nito.

"Ang tigas mo din. Buti at ikaw lang ang may ganyang pag-iisip sa pamilya mo. And I'm glad na di ganyan ang ugali ni Elly. I pity you." he almost spat.

Niyuko ni Kurt ang ulo nito sabay ngisi na tila di tumalab ang insulto. Inangat muli ang ulo at mas lumapad pa ang ngisi. "Thank you for the compliment, cous. Ang sweet mo talaga. Kung naaawa ka sakin, mas naaawa ako sayo. You know what, you just marry her for convenience, not for commitment. That was so sh*t man. And craving for the throne of your grandfather's company, was another way of pity."

Kaagad na kwinelyuhan ni Fiandro si Kurt. Namilog ang aking mga mata sa gulat at takot. Nanliit ang mga bibig niya sa galit na para bang kaya ka ng patayin.

"Bawiin mo iyang sinabi mo! You don't know what I've been through! So shut the f*ck up!" nang-gagalaiting galit at mas humigpit pa ang pag-kwelyo kay Kurt.

MARRIED TO THE WRONG BRIDE [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon