Kabanata 13

13 0 0
                                    

Kill

I didn't listen. I was more interested to have my own eyes see the unjustified cold body of the man last night.

Nagulat lang ako kanina nang pinapanood dahil sa brutal nang atake at ginawa sa kanya, pero nakaahon na rin naman ako kalaunan.

Hindi pa naman kumakain o nakapagpapahinga pero nawala na rin kusa ang sakit ng ulo ko at ang pakikisabay ng kumukulong tiyan kaya nagawa kong makumbinsi ang pangit na dumeretso kami ro'n sa impounding.

Natagalan pa kami dahil kahit na nakumbinsi siya ay dumaan siya sa drive thru ng isang fast food. I was so sure na dahil nga 'yon sa akin kaya siya napabili.

Inabot niya nga sa akin 'yon na hindi ko na pinag-aksayahan ng panahon na punahin at kontrahin siya. Gutom naman din talaga ako.

Sa hindi inaasahan na halos maisusuka ko rin naman pala ang kinain matapos marating ang impounding. Bumaba ako sa sasakyan ni Ace. Hindi 'yon Mustang this time kaya siguro allowed akong sumakay doon. Dahil doon sa Mustang niya ay ipinagdadamot na pasakayin ako— not that I wanted though.

"What's this? Openly leaving the body here?" Umatras ako kasabay nang bahagyang ngiwi sa actual sight ng katawang nasa sahig, walang malay— patay na. Mabaho pa ang paligid at nangingibabaw ang masangsang na amoy, medyo nilalangaw din ang katawan.

"Fuck it," From beside me was Ace. He managed to stay calm after seeing him a bit triggered a while ago. The same expression when he showed up at my apartment just a while ago.

Binunot niya ang disposable gloves na nakatabi sa bulsa niya at isinuot bago lapitan at inspeksyunin ang katawan nito. Hindi ko maatim ang sunod-sunod niyang malulutong na mura habang kinakapkapan ang mga bulsa nito.

Lumapit ako. Nakatakip pa rin ang likod ng kamay sa bandang bibig.

"What are you doing?"

"Finding anything? Why don't you move your ass and help." He hissed and next moved his hand to search the back pocket of the jeans.

"Don't order me around, you ugly."

Tumalikod ako at pumasok sa loob ng talyer. May mga bote ng alak na nakakalat sa sahig, ang ilan ay basag na. Mga upos ng sigarilyo at ang kahina-hinalang mga maliliit na plastic. Pinulot ko ang isa no'n na may kaunti pang laman. Ibinuhos sa palad at napag-alamang tama ako sa kung ano 'yon. Itinapon ko ang plastic dahil wala naman ng laman. Muling naghanap ng plastic na may laman pa at nakakita naman. Ibinulsa ko 'yon at lumabas.

Umakyat sumunod sa stage kung saan natanaw ang lalaking Senior ang tawag nila. Maybe it's an alias or his real name, I still need to jot and clarify that, too. Makalat lang din. Mula sa stage na 'yon ay natanaw ko ang ibaba kung saan naroon nagtipon ang mga miyembro.

This time, there's more than those empty bottle of liquor trash and from their cigarettes. There were more of that small plastic that I saw inside the car workshop.

At idagdag pa ang mga malalapad na dos-por-dos na kahoy at mga mahahabang bakal, may mga orange rin na tubo. It was a whole level to see those from here. Knowing that those were the tools they used to kill the man. Even if it was intentional or not, it's disturbing and just pure inhumane thing to do.

Bumaba ako sa stage nang matanaw si Ace na tapos na sa pagkapkap doon sa lalaki. I can't even look at the man anymore. Pakiramdam ko babangungutin ako.

Featheria Series #1: The Basement PetWhere stories live. Discover now