Kabanata 19

34 1 0
                                    

Criminals

It was unexpected to have this early grasp of the situation itself, but I could say that I am fortunate enough to have this on my hand right now.

I want to praise Ace, but my pride won't let me. Instead, I turned to him. I smiled and brag about his best friend.

May ipagmamalaki naman pala ang isang 'yon talaga. I can't believe that I just read the most confidential file I have read my entire life. Even if it's just about Senior, it is indeed a huge help for this mission.

Sadly that he can't trace yet the real leader behind the scene. But he promised that he will help us.

"When can we meet Fonso again? I want to personally thank him."

He stopped cutting the vegetable.

Mabilis na nilingon niya ako. Nakakunot ang noo at mariin na ang tingin.

"You want to see him again?"

Ipinaypay ko ang envelope sa akin. Na naglalaman ng lahat ng impormasyon na galing kay Fonso.

"Invite him over. Thanks to him that we got all of these."

He licked his lower lip and shook his head, as if hearing an unbelievable words from me. Sabay baba ng tingin sa hinihiwa niya at nagpatuloy.

Hindi man lang ako sinagot sa tanong ko.

Pero wala ako sa mood mainis. Totoong masaya ako sa araw na 'to dahil nakalinya na sa utak ko ang mga plano na kaya ko nang magawa dahil hindi kapos sa impormasyon. Mag-uusap nalang kami ni Ace at magiging tagumpay ang mga plano ko.

Nakaupo ako sa stool chair. Sa harap niya kung saan abala siya sa paghihiwa ng mga sangkap sa kung ano mang lulutuin niya. Ibinaba ko sa marmol na mesa ang envelope at ipinatong din ang dalawa siko. Habang nakapangalumbabang nakapatong ang baba sa palad ko.

"Say, you're best friend is quite helpful for us. Why didn't you just ask him to help you? Did he even know your mission? He's your best friend after all."

Bumilis at lumakas ang ingay ng paghihiwa niya. Itinanggal ko ang pangangalumbaba sa marmol at tumayo na.

Kanina pang paggising ko at nang iabot niya sa akin ang envelope ay nakasimangot na rin siya. Pareho kaming bagong gising kanina nang iabot niya 'yon. Mukhang masama ang mood niya ngayon. Baka dahil naabala siya sa pagtulog.

But I'm opposite of his mood.

"I'll just read it again." Pagpapaalam ko at tumalikod na sa kanya.

Dumeretso ako sa kwarto ko at humiga. Nakalagay sa dibdib ang envelope. Nabasa ko na 'to kani-kanina lang at naproseso na ng utak ko ang ibang impormasyon.

Hindi ko namalayan na sa paghiga ko ay nakaidlip ako. Masyado akong maraming iniisip at medyo pagod din talaga ang utak ko sa patuloy na pagproseso ng mga impormasyon at sa pagp-plano ng kailangang gawin at maisakatuparan. Kaya ko naman pero dahil nakahiga na ay hindi napigilang naipikit ang mata.

Napabangon ako sa pagkakahiga.

Inilibot ko ang tingin sa paligid hanggang sa dumako ang tingin sa orasan. Huminga ako ng malalim nang mapagtantong ilang minuto pa lang naman ang nagawang idlip.

Featheria Series #1: The Basement PetWhere stories live. Discover now