Kabanata 15

19 1 0
                                    

Couple

Mahirap kuhanin ang loob ni Mildred. Mahirap din siyang kausapin at kumbinsihin. Hindi rin yata niya na-appreciate ang ginawa kong pagdala sa kanya sa apartment ko, pati na rin ang ginawang tulong ni Ace sa kanya para magamot ang ilan sa mga sugat niya. Matapos niyang biglang natauhan sa pagpapahinga sa apartment ng gabing 'yon, walang sabi-sabi siyang umalis nalang. Hindi ko napigilan dahil ayaw ko namang masira agad ang loob nito sa akin. Kailangan ko siya.

Kaya lang, lumipas na ang Linggo. Habang si Ace ay tagumpay na nakukuha ang loob ng mga ka-miyembro sa fraternity, sa parte ko ay wala pang progress. Si Mildred ang kailangan ko at siya  itong hindi ko malaman kung nasaang lupalop na ba. Ilang Linggo na rin siyang hindi pumapasok. Ang mas nakapagtataka pa ay pati si Shaina, Alvin at Burgos ay hindi rin pumapasok.

Nang hindi na talaga magapaghintay ay tinanong ko na si Ace habang naglalakad kami pauwi.

"No update kay Shaina? Pati sa dalawa niyang alagad?"

"Haven't seen them."

"How about Mildred? Nababangit ba siya roon?"

"Nababanggit dahil hindi rin nila alam kung nasaan. Kay Shaina, some sort of vacation they call it. Though, they don't know exactly where it is."

I sighed. Sumunod ako sa kanyang maglakad.

Bakit kami magkasamang umuwi? Well, it would be wierd kung hindi kami magsasabay gayong ang alam nila Shaina ay boyfriend ko siya. At maaari ring may mga miyembro na inatasan niyang bantayan ako kaya para makasigurado ay pinanindigan nalang namin ni Ace.

Besides that, Ace seems to agree more to that idea. Ang sabi niya pa ay pabor sa kanya dahil mas marami ang oras namin na maaaring magkaplano kung sakaling may kailangang magawa agad.

Isa nga lang sa problema namin sa gano'ng setup ay ang attitude naming dalawa sa isa't-isa. Hindi ko maatim na kasama ang pangit na 'to sa iilang minuto pa nga lang, tapos isang oras kaming naglalakad kada uwian!

"May sasakyan ka naman! Bakit ayaw mong gamitin natin?" Habang naglalakad kami sa gilid ng kalsada.

Nauuna siya sa paglalakad kaya hindi ko makita ang reaksyon niya. Pero alam kong blankong ekspresyon lang naman 'yon at may halong irita sa loob-loob niya.

Napag-alaman ko naman na tatlo ang sasakyan niya.

Ang Mustang ay hindi niya maaaring magamit dahil ginamit niya 'yon at nakita na ng mga frat members noong sinugod kami sa impounding. Magagamit lang kapag sumabak sa misyon na kailangan 'non, na hindi naka-disguise bilang estudyante. Gano'n din sa kanyang Jeep Wrangler.

Ang Avante niya naman ay 'yon ang maaari namang magamit niya! Ayaw lang talagang gamitin.

"Who even bought your car? You? And how old are you? Can you buy me one?" Biro ko sa kalagitnaan ng katahimikan. Hindi niya kasi talaga ako pinapansin. At naiinis man, wala akong magawa kundi hindi ipakita ang pagkainis dahil gagantihan ako nito sa unit.

Nakaraan na inasar-asar ko siya at na-badtrip siya sa akin. Hindi niya ako isinama sa nilutuan niya ng hapunan. Hindi pa naman ako marunong magluto.

Hindi na ako umimik matapos no'n.

Nang bigla siyang sumagot at nakahinto na, dahilan para magpantay na kami ng lakad.

Featheria Series #1: The Basement PetWhere stories live. Discover now