Kabanata 23

24 0 0
                                    

Locked Up

Kada bukas ng pintuan ay hindi ko maiwasang mabilis na lingunin 'yon. Oras-oras ang pagsilip ng gwardiya, pero pakiramdam ko ay baka iba bigla ang sumilip.

Nangangamba pa rin sa posibilidad na si Ace 'yon. That means he would have to break Miss Venusia's order. Pareho kaming binabantayan at sa lagay ko, alam kong hindi ko kayang sumuway at lumabas dito kahit pa maraming paraan, ngunit sa kanyang lagay ay tila kaya niyang sumuway pa!

Pinagtuonan ko ng pansin ang pagw-work out. Hapon na 'yon at kapansin-pansin na hindi na silip nang silip ang gwardiya, hindi tulad kaninang umaga.

Last push up and I stopped. Humiga ako sa sahig at tumunganga sa kisame. Sa totoo lang ay bored na bored na ako. Nasanay na ang katawan ko na laging gumagalaw at nasa labas. Being stuck here made me think a lot of my problems and those things that I regretted doing. Dapat nga ay pabor sa akin 'yon, pero mas lalo lang akong naiinip at nagsisisi.

Paglabas ng banyo matapos maligo ay agad ang silip ko sa pintuan. Naroon na nakapatong sa gilid ang tray ng pagkain. Sa gutom mula sa pagw-workout ay agad akong kumain doon.

With the lingering thought that Ace would suddenly barge in here, I didn't get a comfortable sleep. Umaga na nang napagtantong hindi naging maganda ang gising ko. My attitude was all over my small room. I was not having the productivity.

Sumilip ang gwardiya para sa pag-abot ng tray. Tinawag pa ako nito ngunit nanatili akong nakahiga at nakatakip sa kumot.

I thought he will come? Nagsabi siyang mag-uusap kami ah? Napurnada ba dahil nahuli siya at pinagbawalang tuluyang sumuway? O talagang nagbago na ang isip niya?

Nakatulugan ko ang iniisip. When I woke up, it was already evening. Sinilip ko na naman kaagad ang pintuan. Naroon na sa mesa malapit ang hapunan. Humiga ulit ako at walang gana.

When can I get out of here? Nagsisimula na akong mas ma-boring at baka gibain ko na ang pintuan para lumabas nalang.

Kaya lang, akmang il-lock ko na ang door knob sa loob ko, biglang gumalaw ang door knob para sa pagbukas. I was fine with it for the seconds, but I heard the voice outside, talking.

"Don't open it without her permission." His almost arrogant voice gave chills to me. I knew it was him. Kahit paano ay nahihimigan ko na ang bawat tono niya.

Hindi ito galit, pero hindi rin tunog mabait ang pagsasalita sa gwardiya sa labas.

"Alam naman po ni Ma'am Wing ang protocol. At alam niya na rin po ang oras ng bawat pagsilip ko at pag-abot ng tray."

Tumikhim ito. "Kahit pa. You should knock first before entering her room!"

"Copy, Sir Prenson."

With that, a loud knock shocked me. Dahil nasa tabi lang ako ng saradong pintuan ay napaatras pa ako at hinawakan ang dibdib. Hindi na alam kung bubuksan na ba agad o maghihintay pang masundan ang katatapos niya lang na pagkatok.

"Baka po nasa CR si Ma'am Wing." Dinig ko ang gwardiya.

"What? Bakit alam mo ang ganyan?!" Kumalampag ang pintuan ko.

I sighed and before they can wreck my door from whatever is making them noisy outside, I turned the door knob.

Agad pagbukas ay gumilid ako dahil ang nakasandal na gwardiya sa pintuan ay tumilapon papasok sa kwarto ko.

I clicked my tongue and irritatedly, my eyes went from the guard to a towering shadow in front of me. It was none other than him, Ace. Sporting a pissed off face, he looked at me from head to toe.

Featheria Series #1: The Basement PetWhere stories live. Discover now