XV.
-Xyla-
Two days had passed simula nung nag-usap kami ni V. Pero hanggang ngayon eh 'di pa ako nakaka-recover. Grabe naman kasi 'yong pasabog nya.
Hindi na rin nagppractice ang BDT sa dancing room ng school na 'to. As what I've heard, dun na sila nappractice sa school nila. So basically, hindi ko na nakikita ang anino ng crush ko!
Two days na rin ang nakakaraan pero hindi pa rin nagpaparamdam ang hudas na 'yon. Hindi naman sa gusto ko syang makita. Kung pwede nga lang sana mabura na sya sa earth eh. Dejoke lang. Nakakaawa kaya 'yon -.-. Pero ba't hindi pa sya gumagawa ng paraan para bumalik ako? Baka naman okay lang sa kanya na umalis si Candy.
"Xyla! Tara bumili na tayo ng snacks natin." Sabi ni Thea saka ako hinila papuntang canteen. Pagkarating namin dun, bumili kami ng pagkain saka pumwesto sa usual table namin.
"Girl, sino'ng candidate sa darating na Science Club Election?" Rinig kong tanong ng schoolmate ko sa katabi nya.
"Sa pagkakaalam ko, nag-file na ng candidacy ang first year students. Si Haidee 'ata ang isa sa mga representatives nila." Sagot naman nung kasama nya.
Kumagat ako sa burger na binili ko saka tumingin sa labas ng canteen.
"Aray ko!" Sigaw ko bigla nang paluin ako ni Thea sa kamay. Tumalsik tuloy 'yong nginunguya kong pagkain.
"Eww! Kadiri ka Xyla!" Nandidiri nyang sabi saka pinunasan ang sarili.
"Eh leshe ka naman kasi! Kita mo na ngang kumakain ako tapos papaluin mo ako! Pasalamat ka at 'di ko naibuga sa mukha mo!" Singhal ko sa kanya.
"Kasi naman! Ba't 'di ka pa nagfa-file ng candidacy? Hello! Hanggang next week lang po pwedeng mag-file!" Sabi nya pero umirap lang ako.
"Hindi na ako tatakbo. Atsaka 3 representatives every year level tapos hanggang treasurer lang ang pwedeng i-elect. Kamusta naman 'yon 'di ba?" Sagot ko saka itinuon ang pansin sa pagkain ko.
"Tch. Eh may chance ka pa namang manalo." Tugon nya pero napatawa na lang ako in a sarcastic way.
"May chance na manalo? Kahit na ang daming nagsasabi na 'wag raw akong iboto kasi kaaway ko raw ang hudas na 'yon, kasi 'di naman raw ako member ng BDT, kasi 'di na raw nila nasisilayan ang pagmumukha ng mga 'yon? Ano namang kinalaman ng war sa pagitan namin ni hudas sa pagfa-file ko ng candidacy?" Inis kong sabi saka uminom ng coke. Naks. 'Tong iniinom ko parang katawan ko lang eh. Coke in can -_-.
![](https://img.wattpad.com/cover/23896685-288-k260906.jpg)
BINABASA MO ANG
Dancing Queen (BTS: Complete) ✓
FanfictionXyla Peach Montero, the new member of Bangtan Dance Troupe na hindi marunong sumayaw. Ang tanong: Pa'no sya nasali sa grupo ng sikat na mga dancers? Matatanggap pa kaya sya ni Jungkook sa grupo nila lalo pa't ayaw nito sa mga kulelat sa pagsasayaw? ...