II.

3.3K 165 38
                                    

II.

-Xyla-

 

Ano raw? Recruit? Dance troupe? Nagbibiro ba sya? Eh simpleng kembot nga hindi ko magawa. Kaya nga ako sumali sa journalism category eh para magsulat ng articles hindi para magpakabulate habang sumasabay sa music.


"I'm not interested." Sagot ko saka hinila si Thea para makaalis na kami. Wala akong interes na makipag-usap sa mga taong naka-high.


Isipin ko pa lang na sasayaw ako eh parang tinititigan ko yung ngipin ng Candy na yun, nasusuka na ako!


Naglakad na kami paalis ni Thea at salamat naman kasi hindi na nila kami pinigilan pero sobra pa rin silang makatitig. Tusukin ko eyeballs nyo!


"Hoy Xyla! Sayang yung chance! Dali balikan mo sila tapos sabihin mong pumapayag ka na!" Excited na sabi ni Thea sa akin pero hindi ko sya pinansin saka dire-diretsong pumasok sa Mathematics Office. Ipinasa ko yung papel ko at hindi na nag-react pa si Ma'am.


"Ahh, Ms. Montero, pwede bang pakibigay 'tong tarpaulin kay Ms. Santos?" Tanong nung teacher namin sa walanghiyang Calculus saka ibinigay sa akin yung tarpaulin. Wala akong nagawa kundi ang tanggapin 'yon. Alangan namang titigan ko lang 'yon hanggang lumipad papunta kay Ms. Santos.


Nagpaalam ako saka hinila na naman si Thea papunta sa English Office. Buti na lang talaga at hindi nababali ang buto ng babaing 'to dahil sa kakahila ko sa kanya.


"Heto po 'yong tarpaulin Ma'am." Sabi ko agad pagkarating namin. Wala nang good morning kasi hapon na.


"Oh, pwede bang paki-post 'yan sa bulletin board ngayon?" Pa-cute na sabi ni Ms. Santos. Pwe! Mukha syang pato 'pag nakanguso!


"Sige po." Sabi ko na lang saka umalis. Hay. 'Di ko alam na nag-aaral kami rito para maging utusan.


"Xyla naman! Wala ka talagang konsensya! Kanina mo pa ako hinihila!" Reklamo ng bruhang kasama ko. Bumuntong-hininga ako saka binalewala ang sinabi nya. 'Di bagay sa kanya ang mag-tantrums.


"'No ba kasi 'yan? At ba't sa bulletin board pa kailangang i-post?" Tanong nya pero hindi ako sumagot. Mahal ang bawat patak ng laway ko eh.


Binuklat ko 'yong tarpaulin at kung minamalas ka nga naman! Ako pa ang napag-utusang i-post 'tong lesheng recruiting information na 'to. At ang sosyal ha! Mag-a-announce na nga lang ng upcoming try-out para sa dance troupe nila, kailangan talagang naka-tarpaulin! Palibhasa kasi mga mayayaman!


"Omo! Xyla! Coincidence ba 'to?! Wow! 'Di pa 'yan napo-post pero inimbitahan ka na nila agad! Ang swerte mong babae ka!" Tuwang-tuwa na sabi ni Thea. Tss. Coincidence my face!


Ipinost ko na lang 'yong mamahalin nilang tarpaulin saka binasa kung anong nakasulat dun.


'Recruitment of new members for the Bangtan Dance Troupe is now open! Try-outs will be tomorrow, 3 pm at the Dancing Room. Break a neck amigos!'

 

'Yan ang nakasulat. Seriously? Nagpa-tarpaulin sila para dyan? Tss. Break a neck? Sino namang sasali kung kailangan pang baliin ang leeg para lang maging member nila! At may mga group picture pa talaga silang inilagay! O, edi sila na ang maganda at gwapo!


"Mygass! Hang gwapooo ng mga members nila!" Tili ni Thea kaya binatukan ko sya. Ang ingay!


"Aray naman! Eh ang gwapo nila eh! Tingnan mo nga 'tong mukha ng nakasagutan mo! Mygass talaga! Makalaglag-panga! Waaah Xyla! Sumali tayo sa try-out nila!" Sabi ni Thea with sparkling eyes pa.


"Tss. Mababali lang ang buto ko dyan." Walang-gana kong sagot. Kahit na anong mangyari, hinding-hindi ako sasali sa ganyan. 'Ni hindi nga ako makakembot kasi gawa sa hollow block ang bewang ko!


"Sige na Xyla! Grabe! 'Pag ako naging member ng group nila, magpapa-party ako sa EDSA!" Sabi nya kaya napailing na lang ako. Kung ako gawa sa hollow block ang bewang, sya naman gawa sa kahoy ang katawan!


"Tatandaan ko 'yan!" Sabi ko sa kanya saka naglakad paalis. Dismissal time na kasi kaya gusto ko nang umuwi.


"Nagbibiro lang ako! 'To naman! Baka mamulubi ako nang wala sa oras." Bigla nyang sabi saka ako sinabayan sa paglalakad.



"Tss. FYI Althea Samiento, mga totoong dancers lang ang tatanggapin nila! 'Di mga trying hard!" Sagot ko kaya napa-pout sya. Uso na palang maging pato?

Dancing Queen (BTS: Complete) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon