IV.
-Thea-
Kyaaaaah! Ang gwapo ng mga lalaking members ng BDT! Ang sarap kidnapin at gawing display sa kwarto ko! Ba't ba over blessed ang mukha ng mga 'to?
"Next." Walang-ganang sabi nung bakla kahapon na si Candy. Ang seryoso nyang tingnan ngayon kumpara kahapon.
Napatingin ako dun sa susunod na sasayaw. Ang laki ng ngiti nya habang nakatingin dun sa lalaki na kulay orange ang buhok. Aba! Ang landi!
Hindi ko na lang 'yon pinansin saka nagdasal kasi ako na ang susunod na sasayaw. Wahhh! Juskopo! Sana matanggap ako! Promise po! Hindi na ako kakain ng junk foods maliban lang sa Nova, Piattos at Mr. Chips! Gigising rin po ako nang maaga pero tuwing weekdays lang para hindi ako ma-late!
Kinakabahan ako kasi sa loob ng sampung minuto, halos lahat ng mga gustong mag-try-out ay nabigyan ng 30 seconds sa pagpeperform. Puro kasi 'next' ang lumalabas sa bibig ni Candy. Ang pinakamahabang oras na may nag-perform ay 1 minute. Ang harsh kasing mamili ng baklang 'to!
"Next." Sambit nya kaya nanlaki ang mata ko. Ako na ang susunod! Ghassss! Wala pang 30 seconds ang iginalaw ng babae sa center stage.
Pumunta ako sa stage saka nag-inhale exhale. Hooo! Kaya ko 'to! Alang-alang sa mga gwapong nilalang na 'to! Nagsimulang mag-play ang music kaya nagsimula akong gumalaw. Kembot dito, kembot doon. Galaw dito, ga——
"Next." Biglang sabi ni Candy na syang nagpatigil sa solar system ko! Whaaaat?! Tapos na? Finished? Done? Waaaah!! 'Di pa ako nakakapag-split!
"Wala nang susunod." Sagot nung isang lalaki. Narinig ko kanina na tinawag syang Jin ni Candy. Ang gwapo rin ng isang 'to.
"Tatlo lang ang nakapasa. We need four new members." Frustrated na sabi ni Candy. Waaaah!! Ako na lang!!
"Pumili na lang tayo mula sa mga nag-try out." Suhestyon nung isang babae kaya napatango naman kami.
"No. They didn't satisfy my standards." Sagot ni Candy kaya nanlumo kaming lahat.
"Toss coin. Kung sino kina V at Jungkook ang makakuha ng head, sya ang magbibigay ng suggestion." Turo nung lalaki na blonde ang buhok dun sa kasama nyang orange ang buhok at dun sa lalaking nakasagutan ni Xyla.
Kinuha ni V yung coin saka itinapon sa ere. At ang naging resulta ay tail. Sunod naman si Jungkook. At sya ang nakakuha ng head.
"Well, any suggestion?" Tanong ni Candy. Walang-ganang napatingin si Jungkook sa aming lahat.
"Kung sino mang papasok sa pintuang 'yan within 2 minutes ay magiging automatic member ng BDT." Sagot nya kaya marahas kaming napatingin sa pinto. Please lang! Sana walang pumasok! Waaaah! I-lock ko na lang kaya 'yan?!

BINABASA MO ANG
Dancing Queen (BTS: Complete) ✓
Fiksi PenggemarXyla Peach Montero, the new member of Bangtan Dance Troupe na hindi marunong sumayaw. Ang tanong: Pa'no sya nasali sa grupo ng sikat na mga dancers? Matatanggap pa kaya sya ni Jungkook sa grupo nila lalo pa't ayaw nito sa mga kulelat sa pagsasayaw? ...