XIII.
-Xyla-
Pumasok ako sa loob at napansin ko na andito ang ibang BDT members. Eh? O.o!? Ba't nakaupo lang sila sa isang sulok?! Don't tell me nanonood lang sila habang nagsasagutan 'yong dalawa?!
"Hiii Xyla!!!!" Malakas na sigaw ni Sabrina saka ako niyakap nang sobrang higpit. Gusto ko sana syang yakapin pabalik kaso 'di pwede. Kelangan cold akong tingnan para naman mapansin nila na 'di ko na feel ang pumunta rito.
"Omo!! Xyla! Gosh! You're trulaley here!!" Sigaw rin ni Candy nang makita ako. Nagsitayuan rin ang ibang BDT members saka nakangiting lumapit sa 'kin.
Nakapoker face lang ako saka inilahad ang aking resignation letter kuno.
"Ano 'to?" Tanong ni Candy. Papel, 'di ba halata? Gusto ko sanang sabihin kaso baka hambalusin nya ako -_-.
"Resignation letter." Walang kalatoy-latoy kong sagot. Nanlaki naman ang mata nila habang hindi makapaniwalang nakatingin sa 'kin.
"Hala! Nagtatrabaho ka na pala? Minor ka pa naman 'di ba?" Takang tanong ni V? 'No pinagsasabi nito?
"Magreresign ka na? Mabuti 'yan para makapag-concentrate ka sa pag-aaral mo." Sabi rin ni Jimin.
"Naway tanggapin 'yan ng employer mo." Dugtong ni Kailly. Juice ko! Ang eengot naman ng mga 'to!
"Aalis ka na sa BDT?" Tanong ni Candy kaya nagtataka naman syang tiningnan ng iba. After ng ilang segundo, dun pa nila na-gets kung para saan ang letter na dala ko.
"Waaaaah! 'Wag ka namang ganyan Xyla!" Maluha-luhang sabi ni Karen. Malungkot ang mga mukha nila pero heto ako at walang ka-ekspre-ekspresyon.
Gora Xyla! Show the cold hearted you! Para naman makaalis ka na.
Kinuha ni Candy 'yong letter saka binuksan. Isa-isa naman silang nagsilapitan para basahin 'yong sulat.
'Bangtan Dance Troupe:
I'm outta here. You got no jams!
-Xyla '
"Ewan ko kung dapat ba akong matawa sa sulat mo. Pero naman Xyla! In behalf of Jungkook eh gusto kong mag-sorry." Sabi ni Candy pero hindi ako umimik.
Leshe. Pagkatapos kong magpakahirap sa paggawa ng letter na 'yan eh gusto pa nyang pagtawanan?! Hustisya naman sa mga nasayang na bondpapers ni Thea!
"Ungas 'yon, alam namin. Masungit rin. Pero may rason kasi sya kung ba't sya ganyan sayo. Pagpasensyahan mo na." Sabi naman ni Jin. Napairap tuloy ako nang wala sa oras.
Pagpasensyahan? Eh lampas langit na nga 'yong pasensya ko pero akalain mong lampas universe na ang kademonyohan nya?!
"Sinagad na nya ang pasensya ko. Gotta go." Sabi ko pero hinawakan naman ako nina V at RapMon sa magkabilang balikat ko. Ahem. Kinikilig ako!!! -3-
"Last na lang talaga Xyla. 'Pag inaway ka pa ni Kookie, hindi ka na namin pipigilan." Determinadong sabi ni J-Hope.
"No." Walang gana kong sagot. Napabitaw tuloy sila sa 'kin. Sayang naman -.-.
"Don't worry. Babalik ka rin sa BDT." Sabi ni Candy kaya naman kumunot ang noo ko.
"You can't make me." Tugon ko pero ngumisi lang sya.
"I can't and I will not. Jungkook will." Sabi nya kaya kinilabutan ako sa smirk nya. Saan napunta ang pustiso nya?
—————————
-Jungkook-
"No. I will not." Mariin kong sagot kay Candy. Tss. Ako? Susuyuin ang babaing 'yon para lang bumalik sya sa BDT?
Heck, no! Gagawin ko lang 'yon 'pag natuto nang magluto ang aso ko!
"Sa ayaw at sa gusto mo, kakaibiganin mo si Xyla! 'Pag 'di sya bumalik sa BDT within 2 weeks, aalis ako sa grupong 'to." Sabi nya kaya marahas akong napasabunot sa buhok ko.
"Ano ba'ng meron sa babaing 'yon at gusto mo syang pabalikin? She can't even dance!" Singhal ko.
Ni hindi nga interesting ang biography ng babaing 'yon! Don't get me wrong. Hindi nya ako stalker or what. I just gathered some infos about her when she became a member.
"She can't! Pero matututo rin sya! Practice makes everything and everyone perfect! I want her to be a part of this group. So if you can't make her come back, I'll resign too." Sagot nya.
He's kidding right? He's one of the best dancers here.
"You can't. Malapit na ang dance competition. You can't just back out." Pagalit kong sabi.
Tss. Nasisira na 'tong grupong 'to nang dahil sa babaing 'yon. Damn her!
"Then make her come back." Tugon nya saka umalis.
Sh*t!
"I agree with Candy. 'Di rin naman kasi tama 'yong ginawa mo." Sabi ni Suga sabay tapik sa balikat ko.
"Pabalikin mo sya kung ayaw mong unti-unting umalis ang mga members ng BDT." Sabi rin ni V at iniwan nila ako rito sa dancing room.
Another sh*t. Hindi ko alam kung ano'ng meron sa babaing 'yon. Kung bakit kelangan ko pa syang pabalikin.
Tss. But I'll never approach her. And that's final.
![](https://img.wattpad.com/cover/23896685-288-k260906.jpg)
BINABASA MO ANG
Dancing Queen (BTS: Complete) ✓
أدب الهواةXyla Peach Montero, the new member of Bangtan Dance Troupe na hindi marunong sumayaw. Ang tanong: Pa'no sya nasali sa grupo ng sikat na mga dancers? Matatanggap pa kaya sya ni Jungkook sa grupo nila lalo pa't ayaw nito sa mga kulelat sa pagsasayaw? ...