XXIII.

2.2K 124 58
                                    

A/N: Nine chapters na lang bago ang epilogue. Vote and Comment.



XXIII.

 

-Jungkook-


Huh? Anong sabi nito? Tss. Ba't ganito 'to?!


"Hoy J-Hope! Tama ba 'tong number na ibinigay mo sa 'kin?!" Sigaw ko kay J-Hope na lumalaklak ng Bear Brand Adult Plus na gatas.


"Alin?! Yung sa lotto?! Malay ko!" Sagot nya kaya binato ko sya ng tsinelas.


"Tarag*s mo! Alam mo 'yang baba mo, parang linya ng mga taong sasali sa lotto, ANG HABA!" Inis kong sabi saka tinitigan ang cellphone ko. Ba't mukhang adik sa kanto 'tong ka-text ko?!


"Hahaha. Nice one Kookie!" Natatawang sabi ni Suga. Napatigil naman ako sa pagpipindot nang may mapansin ako.


"Suga, ngayon ko lang napansin, kitang-kita pala ang gilagid mo 'pag tumatawa." Wala sa sarili kong sabi. Naramdaman ko naman ang pagbatok nya sa 'kin.


"Tangna mo lang Jungkook! Ang tagal nang nagpapansin 'tong gilagid ko eh ngayon mo lang  napansin?!" Singhal nya sa 'kin.


Aba! Malay ko bang nagpapapansin pala ang gilagid nya!


'Di ko na lang sya pinansin saka nag-type sa cellphone ko.


'Sino ba talaga 'to?' Saka ko isinend.


After ng ilang minuto, nakatanggap ako ng reply.


'Aqowh ng@h c Lee Chon!'


Jongina! Paksheyt! Ang baduy nito!


"Hoy J-Hope! 'Di naman 'to number ni Peach eh! Lee Chon raw ang pangalan nito!" Sigaw ko. Napatigil naman si J-Hope sa ginagawa nya saka napatingin sa 'kin.


"Nyeta! Kelan pa natutong makipagtext ang lechon?!" Sigaw nya kaya nanlaki naman ang mata ko. Sheyt! Humahaba na ang baba nya!


"Tanga! Lee Chon! 'Di lechon!" Sigaw ko rin sa kanya habang umuusok na ang ilong ko.


"Boplaks! Pinatagal mo lang ang pag-pronounce!" Singhal nya kaya napatigil ako. Oo nga 'no?! Ba't 'di ko 'yon napansin?!


"Yow!" Biglang bati ni RapMon. Kakarating lang nila mula sa bahay ni Candy.


"Hoy Jungkook! Sabi nga pala ni Candy na ngayon ang taning ng buhay mo!!" Singhal sa 'kin ni Kailly.


Dancing Queen (BTS: Complete) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon