XXVII.

1.9K 102 34
                                    

XXVII.


-Xyla-


Magdamag akong 'di nakatulog. Umabot na nga ako sa 1,334 sa pagbibiglang ng mga tupa pero wa epek. Ewan ko kung bakit gulong-gulo ang isip ko.


Pero mas ewan ko kung ba't ako nasasaktan sa comment ni Jungkook dun sa sinabi ni Erine.


'Nothing to be worried about. A friend is different from a girlfriend.'


Sa tuwing naalala ko 'yon, bigla na lang tutulo ang luha ko for no reason. Siguro may mali sa mata ko. Magpa-check up na kaya ako? 'Wag na lang. Sabihin pang may cataract na ako dala nung nakita ko.


"Hoy Xyla! Dito!" Sabi ni Thea sabay wagayway nung kamay nya. Lumapit naman ako sa kinaroroonan nya.


Linggo ngayon kaya napagdesisyunan naming mamasyal sa mall.


"O, anong nangyari sayo? Ba't ang laki ng eyebags mo?" Tanong nya sa 'kin pero 'di ako sumagot. 'Di ko alam kung napipi ako o sadyang wala ako sa mood na makipag-usap.


"Hay. I know that attitude. Tell me, may problema ba?" Nag-aalala nyang sabi pero umiling lang ako saka pilit na ngumiti.


Pasensya na Thea pero 'di ko rin alam kung may problema ba talaga ako o wala.


"Haha. Wala 'to. 'Wag mo na akong pansinin. 'Lika na! Gumala tayo sa book store sa second floor." Aya ko sa kanya saka sya hinila.


Bakas pa rin sa mukha nya ang pag-aalala pero nginitian ko lang sya. All it takes is a fake smile para maniwala sya.


Nang makarating kami dun, lumapit ako agad sa mga books na andun. Harry Potter at Nancy Drew Series ang kinokolekta ko pero since wala pang bagong stock eh umalis na lang kami saka naglalakad-lakad sa mall.


"Uy, 'di ba si Jungkook 'yon?" Sambit bigla ni Thea kaya napalingon naman ako agad sa itinuturo nya only to find out a man in his mid 40's.


"Ayan! Sabi ko na nga ba at si Jungkook ang iniisip mo!" Sabi nya nya saka umiling-iling. Binatukan ko naman sya.


"Tss. 'Wag ka nga! Napalingon lang naman ako." Irap kong tugon. Sh*t. Akala ko talaga sya! Ewan ko pero kinabahan ako nang sobra nang marinig ko ang pangalan nya.


"Asus! Nag-deny pa! Tss. Dyan ka naman magaling eh! Ang mag-deny! Hoy Xyla! Umalis ka na sa denial stage na 'yan!" Sabi nya pero nagkibit-balikat lang ako.


Pa'no ako makakaalis? Eh wala pa namang mga sagot sa tanong ko. Pa'no ako aalis kung sobrang lito ko na ngayon?


Pagkatapos naming gumala eh naisipan naming umuwi na kasi may pasok pa bukas.


Dancing Queen (BTS: Complete) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon