XXIX.
-Xyla-
Awkward.
'Yan ang lumulutang ngayon sa hangin. Lahat kami ay tahimik habang nakikinig kay Erine. Nagkukwento sya tungkol sa experience nya sa America.
Ewan ko pero gusto ko syang tadyakan kasi puro naman kasinungalingan ang sinasabi nya. Psh. Nagpakasal lang naman kaya sya dun sa gwapong Terrence na 'yon! Ba't ba 'di bumagsak ang eroplanong sinakyan nya?! Hay. Ang bitter ko tuloy pakinggan.
"Hi Xyla!" Baling nya sa 'kin. Napatingin naman ako sa kanya with a blank expression.
"Hey! Welcome back!" Bati ko.
"Uy! Joke ko lang pala 'yong comment ko sa facebook! Sineryoso naman ni Kookie! Hayst! Masyado kang halata babe! Haha. You really love me that much." Nakangiti nyang sabi saka tiningnan si Jungkook na ngayon ay sobrang saya.
I dunno pero parang gusto kong magtago muna sa isang lugar kung saan walang makakakita sa 'kin.
"Yeah." Tugon ni hudas with a smile.
Tiningnan ko 'yong ibang BDT members at talagang feel na feel nila ang tensyon. Patingin-tingin naman sa 'kin si V.
"Hoy alien! Halika! Ililibre pa kita 'di ba?" Sabi ko para makaalis na ako rito. Bigla naman syang natauhan saka tumango.
"S-sige! Ihanda mo na 'yang wallet mo!" Sabi nya saka tumayo.
"Ulol! Wala akong wallet!" Natatawa kong sabi.
"Close na pala kayo ni V." Puna ni Erine. Tumango naman ako.
"Crush kaya ako nito." Turo ko kay V at unexpectedly, namula sya. Leshe! Ang cute nya!
"Yuck V! Namumula ka! Eww!" Pang-aasar ni Karen.
"Hoy alien! Ang landi mo pala! Tinalo mo ang abs ko!" Singhal ni Jimin sa kanya.
"Oo. Pati na rin 'yang height mo!" Mayabang na tugon ni V. Natawa tuloy ako.
Pagkatapos nun, lumabas kami mula sa dancing room saka naglakad sa hallway.
"Naiiyak ka ba?" Out of the blue nyang tanong. Natawa ako nang mahina. Heto na naman kami.
"Why would I? Tss. Lol! 'Di ako naiiyak!" Sagot ko.
"Denying what your heart truly feels is a bad habit." Tugon nya. Nauna akong naglakad saka sya hinarangan.

BINABASA MO ANG
Dancing Queen (BTS: Complete) ✓
FanfictionXyla Peach Montero, the new member of Bangtan Dance Troupe na hindi marunong sumayaw. Ang tanong: Pa'no sya nasali sa grupo ng sikat na mga dancers? Matatanggap pa kaya sya ni Jungkook sa grupo nila lalo pa't ayaw nito sa mga kulelat sa pagsasayaw? ...