V.
-Xyla-
"Leshe! Ba't 'di mo sinabi!" Sigaw ko kay Thea habang nakatingin nang masama sa kanya. Andito kami ngayon sa kwarto ko. Umalis kasi ako bigla kanina matapos na i-absorb ng utak ko ang sinabi ng J-Hope na 'yon. Sinundan naman ako ng babaing 'to.
"Abot hanggang tuktok ng Mt. Everest ang pagka-shock ko kaya hindi kita nasabihan agad." Sagot naman nya pero inirapan ko lang sya. Naman eh! 'Nong gagawin ko?!
Iniuntog ko ang ulo ko sa headboard ng kama ko. Baka sakali kasing panaginip lang 'to tapos sa isang untog lang ay baka magising ako.
"Untog pa Xyla! Tubuan man ng milyong bukol 'yang ulo mo, hindi ka na magigising sa panaginip na 'to kasi unang-una sa lahat, hindi ka naman tulog at pangalawa, 'di ka nananaginip!" Singhal nya sa 'kin. Napasabunot naman ako sa buhok ko nang wala sa oras.
Juskopo! 'No nang mangyayari sa 'kin? Waaah! 'Di naman 'to kasali sa wish list ko nung christmas eh! Langyang Santa Claus 'yan! Maling gift ang ibinigay sa 'kin.
"I'll tell them that I'm not interested in their dance troupe." Determinado kong sabi while wearing a serious face. Pinitik naman ni Thea ang noo ko.
"Gaga! Subukan mo kayang i-open ang twitter, instagram at facebook account mo!" Sabi nya at kahit na 'di ko ma-gets kung anong ibig nyang sabihin, kinuha ko agad yung laptop ko saka agad na pumunta sa google chrome.
Nag-log in ako agad sa tatlong accounts ko at napasinghap na lang ako sa nakita ko.
"See? Official member ka na kaya kasali ka na sa mga photos na ipinopost nila sa group account nila." Kaswal na sabi ni Thea.
Isa itong malaking biro! Ba't nasali ang pagmumukha ko sa mga pictures nila?!
"Sa'n galing ang mga pictures ko?" Tanong ko kay Thea at tiningnan naman nya ako with a 'seriously-'di-mo-alam' look.
"E di sa facebook account mo! Alangan namang sa google images 'di ba?" Sagot nya kaya binatukan ko sya.
"Umayos ka nga! Kita mo na ngang namomoroblema ako rito eh! Pa'no ko ba tatakasan ang mga 'to?!" Natataranta kong tanong.
"Mag-drop out ka." Sagot naman nya kaya nakatanggap ulit sya ng isang batok. Naka-frustrate 'tong babaing 'to.
"Isa na lang talaga Thea! 'Di lang batok ang aabutin mo sa 'kin!" Pagbabanta ko sa kanya pero nag-pout lang sya.
"Eh kasi naman! Ikaw na 'di nag-try out ang kinuha nila. Samantalang kami na todo pa sa kembot eh 'di man lang nila tinanggap! Alam mo 'yon! Ang unfair!" Nakanguso nyang sabi. Bumuntong-hininga ako saka sya tinignan.
"Kung ako lang ang masusunod, hinding-hindi ko ipapasok ang sarili ko sa isang bagay na alam ko namang 'di ko kaya. Magsusulat na lang ako kesa baliin 'tong buto ko dahil sa pagsasayaw." Sabi ko sa kanya saka nagscroll down.
BINABASA MO ANG
Dancing Queen (BTS: Complete) ✓
Fiksi PenggemarXyla Peach Montero, the new member of Bangtan Dance Troupe na hindi marunong sumayaw. Ang tanong: Pa'no sya nasali sa grupo ng sikat na mga dancers? Matatanggap pa kaya sya ni Jungkook sa grupo nila lalo pa't ayaw nito sa mga kulelat sa pagsasayaw? ...