VII.
-Xyla-
Great! Just great! Ang pinakakinamumuhian kong gawin sa mundong ito ay sapilitang ipapagawa sa 'kin ng mga hudas na mga 'to! Ghaaad! Pagtatawanan lang nila ako. T_T
"Okay guys! Let's start with the basic steps since may mga new members tayo." Seryosong sabi ni Candy saka tumalikod. Mirror dance kasi ang gagawin namin kuno kaya mas lalo akong nababaliw. Kitang-kita ang langya kong pagmumukha kahit nasa pinakalikod pa 'ko.
"First step is." Sabi ni Candy saka nagsimula ng ilang dance steps na para sa kanya ay basic! Leshe! 'Di ba nila alam na 'di ako biniyayaan ng talento sa pagsayaw? Kaya imbis na gumalaw, nanatili lang akong nakatayo dun. Baka naman kasi ang role ko rito ay maging poste lang.
Napansin ko na napansin nila ang katawan kong kapansin-pansin dahil sa hindi ko paggalaw kaya ngayon ay nakatingin silang lahat sa 'kin habang nagsasayaw. Ako naman si cold-hearted dance hater ay umirap lang saka humalukipkip. Ilang tao na ba ang tumitig sa 'kin sa araw na 'to?
"Stop." Biglang sabi ni Candy kaya huminto naman sila saka humarap sa 'kin. Feeling ko tuloy pinagpraktisan nila ang pagharap sa 'kin kasi sabay-sabay sila.
"Why are you not doing the dance steps?" Tanong sa 'kin ni Candy kaya napairap ako ulit.
"I know nothing about dancing." Sagot ko habang nakatingin sa hudas na Jungkook kuno ang pangalan. Eh 'di sya na ang tama!
"'Di ka matututo kung tatayo ka lang dyan!" Singhal sa 'kin ng hudas na 'yon kaya involuntarily na tumaas ang kilay ko.
"Matututo ba ako kung ayaw naman talaga ng katawan ko na gumalaw?" Sagot ko.
"Exactly! Ayaw mong gumalaw kaya malamang hindi ka matututo!" Sigaw nya kaya nagpanting ang tenga ko. Hindi pa ako nasisigawan ng kahit na sinong lalaki!
"Exactly too! Kaya ayaw kong gumalaw kasi ayaw kong matuto!" Sigaw ko pabalik. Inawat naman kami nina Candy kaso ayaw magpatalo ng hudas in disguise na 'to.
"Then why the eff are you here?!" Singhal nya kaya inirapan ko sya to the point na sumakit ang mata ko dahil nasobrahan ata sa U-turn.
"Eh sino ba'ng nagpumilit sa 'kin na pumunta rito?!" Singhal ko pabalik! Ang lapit-lapit na ng mga mukha namin. Ewan ko kung pa'no nangyari 'yon eh isang metro ang layo ko sa kanya kanina.
"You should've said no! Ba't ba kasi ipinipilit mo ang sarili mo rito?!" Sigaw nya kaya 'di na kinaya ng kamay ko kaya sinampal ko sya nang sobrang lakas. Nagulat naman sila sa ginawa ko.
Pilit kong pinipigilan ang sarili ko sa pag-iyak. 'Di naman ako tanga para umiyak tapos 'di naman ako ang nasampal. Pero ang hapdi ng kamay ko. Ito ba 'yong sinasabi nila na 'in every action, there is an equal and opposite reaction'?

BINABASA MO ANG
Dancing Queen (BTS: Complete) ✓
FanfictionXyla Peach Montero, the new member of Bangtan Dance Troupe na hindi marunong sumayaw. Ang tanong: Pa'no sya nasali sa grupo ng sikat na mga dancers? Matatanggap pa kaya sya ni Jungkook sa grupo nila lalo pa't ayaw nito sa mga kulelat sa pagsasayaw? ...