1: Celine

119K 1.4K 107
                                    

"That would be four hundred fifty," The cashier said. Nandito ako sa national bookstore at bumili ako ng g-tech pen, marami na ang binili ko dahil napapagod na akong bumalik-balik. Lagi kasi akong nawawalan o kaya naman ay nahuhulugan.

Habang pauwi ako sa bahay ay naka received ako ng text kay Yanna. Yanna's my bestfriend simula grade's school up until now.

From: Yanna

Asan ka? G side mamaya.


Napangisi ako sa nabasa. Yanna likes to go to bars, actually yung mga friends ko. Nadadamay lang ako dahil wala naman akong choice kung hindi ang sumama sakanila dahil hard drinker ang mga 'to at kapag nalasing sila ay ako lang ang mag hahatid dahil hindi naman ako masiyadong umiinom.


To: Yanna

Puwede ba next time nalang? Tatapusin ko pa ang lab report ko :((


Marami rin akong reports na tatapusin. I'm a bio student from U.P Manila. I'm on my third year now. 'Etong course ko, it wasn't my choice pero habang tumatagal nagugustuhan ko na rin. I was born kasi in a family of Doctors and lawyers.

It's either mag take ako ng law o in medicine field pero dahil wala sa isip ko ang mag abogado kaya tinuloy ko itong medicine.

Nakabalik na 'ko sa school at umupo ako sa tabi ni Monica. Monica is my bestfriend here in UP. Bestfriend ko siya since first day of college ko, siya ang pinaka unang nag approach sa'kin. Siya ang naglakas loob kumausap sa'kin.

"Paturo nga 'yung discussion kanina. 'Di ko masiyado na-gets. Ang bilis ng phasing, sumasakit na ang ulo ko," Sabi ni Monica. Ngumiti ako at tumango saka sinabi sakaniya ang mga naintindihan ko sa lesson.

While I was walking on my way to my condo dahil walking distance lang naman ang layo mula sa school ko, may naramdaman ako na parang may nakasunod sa'kin na car or hindi ako sinunsundan at nanamalikmata lang ako? Umiling ako at nagpatuloy nalang sa paglalakad.

Pagkauwing-pagkauwi ko ay nag bihis ako agad at sinumalan ang study ko. I love studying and reviewing parang sa ganitong paraan na re-relax ang isip ko, samahan pa nang napaka-raming strawberry.

"Party party!" Napatayo ako nang may pumasok sa unit ko. It was my friends. May mga dala silang alak at mga pagkain. Tuwing hindi talaga ko nakakasama ay pinupuntahan nila ko dito.

"Sabi ko sainyo ay 'wag na nating abalahin dahil nag-aaral" Aa said. Aa is my bestfriend too, she's the mother of the group. Taga-bawal kapag nakikitang sumosobra na.

"Okay lang 'yan! Kahit hindi naman siya uminom, okay lang," Si Selena, ang isa sa mga walwalera kong bestie. Walwal and flirt pero panlaban namin yan sa quiz bee noong highschool.

"Okay, but can you promise that you'll behave, Yanna, Sel, and Kams," Max said. Max is the neutral friend. Siya ang social butterfly sa amin. She's famous too. Mahilig siya sa pageants. She's an influencer pa nga, e.

"Yep!" Kamille said. Kamille and Aa are cousins, but they have opposite personalities. Kung si Aa ang serious type etong si Kam ang isa sa mga kalog and flirt kong friend.

"Okay lang, guys. Mag inom na kayo, tatapusin ko lang 'to and then I'll sit with you guys." Ngumiti ako sakanila saka ako pumasok sa room ko para matapos ang ginagawa ko.

"Hanapan na kaya natin ng jowa ang isang 'yon para hindi laging KJ," Rinig kong sabi ni Selena sa labas. Napakunot ang noo ko.

"Kung sampalin kaya kita?" Masungit na sabi ni Yanna. "Bata pa 'yon, hindi pa no'n alam ang mga gano'n. 'Wag mong itulad sa'yo."

Yanna is very protective pagdating sa'kin. Lahat nga ng lalaking lumalapit sa 'kin ay dumadaan sa kaniya.

"Hindi na bata 'yon. Ginagawa mo lang bata," Pagkontra pa ni Sel.

"Yanna's right. Hindi pa kaya ni Celine ang ganoong relationaship," Aa agreed.

Napangiti ako sakanila. Wala pa akong experience sa love. Ang alam ko lang na love ay love for my family and friends pero other than that ay wala na. Kung iisipin ay ako ang may pinaka boring na buhay sa 'ming magkakaibigan.

Both of my parents doesn't care about me. Si Mom may sariling buhay, 'yung Dad ko hindi ko kilala at wala namang pinakilala sa'kin si Mama. Lumaki ako sa puder ng Tito at Tita ko na Doctor. Sila ang nagpalaki sa'kin at tumayong magulang ko simula una.

"Hi, Celine" I smiled when someone called my name. Lumakalad ako sa hallway ng school at sanay na ako sa mga ganoong scenario. Kapag nga may nagtatanong sa pangalan ko ay iniiba ko.

"May nakapag sabi na ba sa'yo na mukha kang anghel?" Nagulat ako nang may lalaking sumulot sa harap ko. Napangiwi ako nang makita ang creepy na mukha ng lalaki.

"Ikaw may nakapag sabi naba sa'yo na mabaho hininga mo?" Sabi ni Monica sa tabi ko. "Lumayo-layo ka nga, hano, at naisisira araw ng bestfriend ko sa'yo." Pinagtabuyan ni Monica ang napahiyang lalaki.

"Bakit mo naman ginanon?" Umupo kami ni Monica dito sa cafeteria.

"Alam mo, girl, ang bait-bait mo kasi kaya tuloy ayaw kang tantanan ng mga pangit na 'yon" Inis na sabi ni Monica. As much as possible kasi ay ayoko nang magsungit kasi syempre ayoko naman silang mapahiya, nakakasira kaya 'yon ng confidence. Palibhasa kasi itong si Monica ay napaka sungit sa mga lalaki pero may boyfriend siya.

"Hayaan mo na kasi sila, Monica."

Hindi ko maiwasang isipin 'yung magkaron ng relationship. Paano kaya 'yung feeling ng magkajowa? 'Yung kinikilig. Kinikilig lang ako kapag nagbabasa ako ng mga romance book o kaya 'yung mga napapanood ko sa movie.

"Nik, ano'ng feeling nang magkaboyfriend?" Sakaniya ko na tinanong 'to dahil kung kay Yanna pa ay papagalitan lang ako no'n.

Ngumiti sa'kin si Nik.

"Bakit gusto mo na?" Tanong niya. Mabilis akong umiling.

"H-hindi naman sa gan—"

"Okay lang 'yan, nasa tamang edad kana. It's time na para magka-experience ka naman," Nik said and smiled creepily at me. "If ever na gusto mong magka-boyfriend, huwag 'yung ka schoolmate natin dahil walang thrill dapat ibang school pero much better kung taga La Salle para yayamanin."

Napangiwi ako sa sinabi ni Nik.

"Hindi naman importante kung mayaman o hindi, 'di ba?" I asked

"Importante 'yon, girl! Maganda ka, matalino. Don't settle for less tiyaka kailangan mong maging practical para kung mabuntis ka man noong lalaki at least buhay kayo—"

"Ano'ng mabuntis? Bakit buntis agad?" Confused na tanong ko. Medyo nagulat ako.

"Kailangan handa ka para sa mga possible na pwedeng mangyari," Monica said. "Hindi naman mapipigilan 'yon kapag naramdaman."

Hindi nalang ako sumagot dahil parang wala akong magandang sagot na makukuha kay Monica. Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa room at nagklase na. Buong klase ay lumilipad ang utak ko.

Bakit ba kasi nino-normalize ng mga tao ang parte raw ng pagmamahal ang masaktan, so kapag sinaktan sila ng partner nila ay part lang 'yon ng challenges. For me, Toxicity and cheating isn't part of ups and down. If you're not mature enough to settle down then don't commit. Kaya sabi nila dapat kapag nagmahal ka, hindi lang basta puso ang ihanda kundi ang isip din. You have to be mentally and physically ready before entering into someone's life.

Never ever settle for less. Stop romanticizing the idea that pain is part of a relationship Kung totoong mahal ka ng isang tao, gagawa ba siya ng ikasasakit mo?

But regardless of that, I think masaya at masarap makaramdam ng pagmamahal. Iyong totoo at nakakabaliw.

Ang saya ng puso ko sa tuwing iniisip na merong isa sa bilyong-bilyong tao sa mundo ang mamahalin at hindi ako iiwan. Ano kaya talagang feeling na may taong nagmamahal sa'yo?

"Celine..." I whispered my name. Are you ready to open the next chapter of your life?

A Minute of ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon