A week had been past. Feeling ko best week ng buhay ko ang nangyayari ngayon sa 'kin. Paano ba naman kasi Rage started texting me "good morning" nauuna pa nga s'yang mag good morning kaysa sa 'kin. Sign na ba 'yon na crush n'ya 'ko? Ayoko mag assume.
Nag-aaya mag G-club sila Yanna kanina tapos si Rage rin sakto nga, e, isang place lang uli kami and as usual gusto akong sunduin ni Rage pero kasi need kong mag dala ng car kasi kasama ko 'yung girls.
"Sam-g tayo mamaya or chicken wings?" Tanong sa 'kin ni Monica habang nandito kami sa lab. "Sama ka, Jay?" Tanong ni Monica sa katabi ko.
"Sure" sagot naman ni Jay. Eh, 'di ako pwede.
"I can't, Nik. May lakad ako mamaya" sabi ko sakanya.
"Ha? May date na naman kayo ni Mr—" I cut her off
"Hindi, kasama ko yung mga bestie ko, mag G club kami" sagot ko sakanya "Kayong dalawa nalang ni Cj" nginitian ko silang dalawa. Napasimangot naman si Cj at nag-iwas ng tingin
"Ano, Cj gusto mo tayong dalawa?" Kinikilig na sabi ni Monica "Haha joke, sige next time nalang" umalis na si Monica at bumalik sa dati nyang pwesto.
"So you like clubbing?" Rinig kong tanong ng katabi ko habang nag susulat ako ng notes. Napatingin ako sakanya na nakatingin din sakin
"Actually, hindi, pumupunta lang ako para sa mga bestfriend ko"
Tumango tango lang sya at hindi na nagsalita.
Natapos ang klase namin at nauna na si Monica dahil pupunta nalang daw siyang bulacan tutal cancel 'yung klase namin bukas. Buti nalang para hindi ako mapuyat mag clubbing pa naman kami ngayon.
"Want me to drive you home?" Tanong ni Cj. Kasabay ko syang naglalakad ngayon sa corridor.
"Hindi na malapit nga lang 'yung condo ko" nginitian ko sya.
Hindi na s'ya sumagot kaya nabalot na kami ng katahimikan. I don't know pero I feel a little awkward. Hindi ko mapaliwanag.
"Ah, Celine, can I ask something?" Napatingin ako sakanya na parang nahihiya sa tabi ko.
"Ano 'yon?"Tanong ko. Matagal s'yang nakatingin sa'kin tapos biglang umiling at natatawa
"Nothing, I mean nevermind" Nakangisi niyang sagot. Kumunot ang noo ko sa inasal n'ya? Eh? May engot side rin pala s'ya! Akala ko pure talino!
Lumiko na s'ya sa parking area kaya dumiretso na'ko sa gate. Habang naglalakad ako pauwi narinig ko na nag ring ang cell phone ko. Kinuha ko ito at halos matumba ako sa nakita ko. OH MY GOD! Tumatawag si Mama!
"Hello po, Mama"
[Where are you?"] Tanong ni Mama.
"Pauwi po galing school" sagot ko.
[Okay, papunta ako diyan sa Condo mo]
HA?!
"P-po?" Naguguluhan kong tanong.
Halos lumabas na ang puso ko sa bilis ng tibok. GOD! Bakit?
[I just want to visit you and give you something]
"S-sige po Mama, ingat po" Kinakabahan ako binaba ang cellphone.
Hingal na hingal at pagod na pagod akong nakarating sa condo. Nag palit muna ako ng uniform bago linisan ang buong bahay.
BINABASA MO ANG
A Minute of Forever
Romance(Completed) Nathalia Celine Martinez is a Biology student at the University of the Philippines Manila. She was on the dean's list from her first year until her senior year. Despite the storms she faced, she remained a happy-go-lucky girl who was lov...