31: house

57.6K 914 72
                                    

Kinaumagahan ay maaga akong umalis, sumabay ako kay Chase pabalik sa Manila. I texted my friends na hinahanap na ako ni Papa kaya hindi ko na sila hinintay. Pero ang totoo ay nawala ako sa mood. Gusto ko mang i-enjoy pa ang araw ko rito sa Tagaytay ay ayoko na. That's too much scene na for me to process.



[Hinahanap ka ni Rage, may nangyari ba?] 


Message ni Yanna. I took a deep breath and turned off my phone. Siguro nga we don't have proper closure kaya the pain is still there. Wala siyang alam sa lahat ng mga nangyari sa akin at wala rin akong alam sa nangyari sakaniya.


Do we really need closure? Or just let it be. Hayaan ko nalang na magheal ang lahat ng kusa. After all, it's been 9 years? Sobrang tagal na at nakalimutan ko na kaya baka rin ganoon siya. He forgot about me na kaya hindi na siguro.


[May ginawa ba si Rage sa 'yo?"] 


Si Selena naman ang nagtext. 


I'm actually fine. Hindi ko naman intensyon na sabihin talaga iyon, nadala lang ako ng nararamdaman ko. Ganoon naman talaga kasi si Rage, masakit magsalita. Padalos-dalos at hindi iniisip ang lumalabas sa bibig. Lalo pa at naka-inom siya noon kaya inintindi ko nalang.


Ayoko nang magtanim ng galit sa kahit kanino. Hindi naman ako sasaya kung habang buhay akong magagalit sakanila. Sapat na siguro ang interaction na iyon. I'm okay and fine. Pinagpray ko nalang na hindi ko siya makita uli. Parang hindi ko na kayang maka-usap pa uli si Rage.



Umuwi ako sa palace at dumiresto agad sa room ni Lola. Si Lola kasi ang tawag nang tawag sa akin noon na umuwi na ako kaya alam kong miss na miss na niya ako. Si Papa naman kasi ay nasa conference meeting pa, si Mama ay busy sa bago niyang business at ang mga Kuya ko ay hindi ko alam kung nasaan.

"God, Heavenly! Finally!" Si Lola na umiiyak nang yakapin ako.

"La, I miss you po!" 

Nag-usap lang kami ni Lola about sa buhay ko sa Australia at kung sino-sino ang nakasama ko doon. Kinuwento ko rin kay Lola ang about sa mga first operation ko. At 'yong may pina-anak ako na mino ang age. OB is so much fun.

"The Princess is back!" Narinig ko na agad ang boses ni Kuya Theo. Lumingon ako at nakita ko sila kasama si Kuya Tristan at si Papa. Papunta sila dito sa dining. 

"Still no boyfriend, Celine?" Bungad na tanong ni Papa at niyakap ako. I rolled my eyes and hugged Papa back. 

"Wala na nga po akong plano!" Sabi ko at inirapan si Kuya Theo na tinutukso ako. Nagsimula na kaming kumain dahil dumating na ang mga inorder ni Papa na food. Masiyadong marami pero marami din naman kami dahil nandito ang mga business partner ni Papa na ka-close na rin namin at ang spokesperson niya.



"Celine, since you're single, why don't you make friends and be associate with the Tuazon? Magaling sila sa business, puwede nilang matulungan si Mr. President," Said Atty. Altamirano. Part ng Legal team ni Dad at bestfriend ni Kuya Tristan. Ang Dad niya ay bestfriend ni Daddy na dati naming family lawyer kaso ay namatay sa stroke. 



"Tuazon? Hawak sila ng mga Perez, Janzel," Sagot ni Papa saka ngumisi. Ang mga Perez clan na hawak ang buong Tarlac and now nagplanong pumasok sa congress at pilit kinakalaban si Papa? Hell no!



"Naku, may irereto nga ako diyan, eh!" Sumingin si Kuya Theo. "Si Atty. Cojuangco. Top 2 sa bar, walang palpak na recit 'yon during our law school," Kuya said and smirked at me.



Kuya Theo is a Lawyer. He topped the bar, humble lang siya at hindi niya gaanong ginagamit ang title niya pero mayabang at the same time kasi kaya raw wala siyang girlfriend ay masiyado siyang mataas para sa mga babae.



A Minute of ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon