R-18
READ AT YOUR OWN RISK
Nagiimpake na ako ngayon ng mga gamit, aalis na kami bukas ni Rage. It's December 19, aalis kasi sila ng family niya pupunta silang LA sa Christmas, kami naman ay sa New Year pa, pupunta kaming Alaska kasama ang buong fam, ewan ko lang kung sasama sa'min si Mama.
Kinabukasan, 1 luggage bag at 1 back pack ang dala ko, medyo naparami kasi na excite ako masyadong mag palit ng ootd.
Nakarinig na ako ng doorbell, sign na nandito na si Rage.
"Rage!" masayang bati ko sakanya. We hugged each other na parang ang tagal naming hindi nag kita pero ang totoo magkasama lang kami noong isang araw na nag shopping.
"I love you" bulong nya sa'kin.
"I love you too"
Kinuha na niya ang mga gamit ko, papunta na kaming airport ngayon, ako ang nag bayad ng ticket namin kahit ayaw ni Rage, naging dahilan pa ito ng mini away namin pero ang ending ako rin ang nasunod.
Mahigit 3 hours ang naging flight namin, nag stop over pa kasi sa Cebu papuntang Batanes, nandito naman kami ngayon sa Basco, hindi pa dito ang pupuntahan namin ni Rage, pero sobrang ganda na, sumakay pa kami ni Rage sa barko, and after more than 30 minutes nakarating na kami sa Sabtang, sobrang ganda! Nakanganga lang ako habang bumabyahe kami, hindi ko alam kung saan ako lilingon! Sobrang ganda!
"Napakaganda dito, Rage, parang gusto kong mag pakasal dito" manghang mangha kong sabi
"Do you want us to get married here?" tanong niya sa'kin. I smiled at na feel ko na parang nag blush ako.
Nakasakay kami sa parang tricycle nila dito at ang ibang bagahe namin ay nasa kabilang sasakyan. Tinignan ko si Rage na nakatingin sa tanawin habang may matamis na ngiti sa labi.
"Gusto ko ritong ikasal, Rage," ulit ko.
"Sige, dito tayo mag papakasal," Rage answered, kissing my forehead.
Nakarating na kami sa Chavayan village, dito kami mag stay, mababait daw ang tao dito, at totoo nga sinalubong nila kami ng matamis na ngiti. Sabi sa research ko puro Indigenous People raw ang nakatira dito kaya sobrang ganda ng nature nila.
"Pasok kayo, madam, sir" sabi ng babae, parang ka age lang namin, siya ata ang namamahala dito. Ngumiti ako sakanya at saka pumasok na kami sa bahay na bato.
Sobrang ganda ng loob, very cozy siya at super relaxing. Akala ko pa nga ay mainit sa loob pero hindi.
"Ang ganda talaga dito, Rage" sabi ko habang iniikot ang mata ko sa loob ng room
"I know, you'll like it," Rage said, hugging me back. I felt his lips on my neck.
Napatigil si Rage nang makarinig kami ng katok, tamad niyang binuksan ang pinto. Bumungad sa'min ang batang babae, feel ko nasa 12-13 years old lang siya.
"Kuya, 'eto na raw po mga gamit niyo" sabi ng bata at nag datingan ang mga lalaking may dala ng gamit namin ni Rage.
"Paki-baba nalang diyan" sabi ni Rage at tinuro ang gilid.
"Rage, mamaya punta tayo agad sa light house, ha? Pagkakain natin." sabi ko kay Rage habang kumakain kami dito sa rastaurant malapit lang sa pinag stayan namin "Tapos bukas sa beach tayo, dapat maaga, mga 6 am palang tapos sa hapon naman sa chamantad view point tayo tas the next day sa church tayo tas visit naman tayo sa isa pang beach nila bago tayo umuwi" tumingin ako kay Rage na, nakatingin lang sa pagkain nya at parang lutang
BINABASA MO ANG
A Minute of Forever
Romance(Completed) Nathalia Celine Martinez is a Biology student at the University of the Philippines Manila. She was on the dean's list from her first year until her senior year. Despite the storms she faced, she remained a happy-go-lucky girl who was lov...