13: Sembreak

64.4K 1K 159
                                    

"Hoy, ano'ng plano n'yo sa undas break?" Tanong ni Kamille. Nandito kami ngayon sa condo ni Selena at Aa. Nagkikita-kita kami bago ang novembreak.

"May Last class pa 'ko bukas tapos wala na" sagot ko naman habang nakahiga ako sa sofa at nag babasa ng libro ni Max. 

"Aalis na 'ko bukas kasama ko si boyfie ko ha" sabi ni Selena habang kumakain ng fries.

"SaAn kayo pupunta ni Knox?" Tanong ko sakanya habang nag babasa parin

"Palawan" sagot n'ya. Napa-upo ako nang marinig ko 'yun.

"Sama ako Len-Len" Gusto ko pa namang makapunta ng palawan

"Istorbohin mo pa 'yung mag jowa. Si Rage nalang ang ayain mo" sabi naman ni Yanna

"Eh? 'di naman ako inaaya no'n, e"

"Bakit hindi pa ba kayo?" Tanong ni Aa habang nanunuod ng Netflix

"Hindi pa, hindi nga ako type no'n e" Ngumuso ako at inisip 'yung mga sinabi dati sa'kin ni Rage na hindi n'ya ko type. Kung hindi niya ko type, bakit kami nag ki-kiss?

"Hindi type? Tangina halos makapatay na nga ng tao 'yun dahil sa'yo! Tapos hindi ka type? Tangina sino'ng niloko mo" napabangon si Yanna nang sabihin nya 'yon

Eh, hindi naman talaga ako type ni Rage. Sinabi n'ya 'yun sa'kin! Pero 'yung mga ginagawa ni Rage sa'kin, kahinahinala rin minsan. Ayoko nalang mag assume ih.

"Tumpak ka, Yanna! Doon palang sa kinwento n'yong halos hindi na makilala 'yung mukha no'ng lalaki nang bugbugin ni Rage! Iba na talaga ang kutob ko" sabi ni Selena habang kumakain

"Ako matagal na 'kong may hinala. From the moment they kissed. May hints na 'ko no'n" Si Max na kakalabas ng cr. Eh? Bakit sabi ni Rage hindi niya ako type? Naguguluhan na 'ko! At ayoko rin na umasa. Mamaya false alarm lang pala e'di sino nasaktan? Malamang ako!

"Hi, Rage" Bati ko kay Rage pagka pasok ko sa loob ng car n'ya. Ihahatid niya raw ako sa school, mas malayo pa 'yung pinunta niya dito kesa sa pag hatid sa'kin sa school.

"Hi" bati niya pabalik saka ako hinalikan sa pisngi. Napakagat ako sa labi ko at pinipigilan sumigaw. Grabe laging ganito sa'kin si Rage tuwing sinusundo niya ko! Ang protective rin sa'kin si Rage after that incident. 

"Wala na kayong klase, Rage?" Tanong ko sakanya. Last day of class na kasi namin ngayon tas Novembreak na, one week din 'tong no classes na'to.

"It's our last day," he said

"Same pala tayo, e! So ano'ng plano mo?" Tanong ko sakanya. Medyo hoping ako na may plano siya para sa'min.

"Ikaw? Ano'ng plano mo?" Tanong niya pabalik. Actually, wala. Nabalitaan kong mag Palawan si Knox tas Selena tapos aalis din si Yanna kasama si Xander. Out of the country naman si Max tapos out of town naman si Kamille tapos Si Aa uuwi sa kanila.

"Wala, e, mga bestie ko maysari-sariling gala kaya baka dito lang ako sa dorm" Sabi ko. Tumango-tango naman s'ya sa sagot ko.

"Let's have a vacation" he offered. Nagliwanag ang mata ko sa sinabi niya.

"Saan naman?" Tanong ko. Kinagat ko ang labi ko para hindi mahalata ang kilig ko.

"Kung saan mo gusto" Sabi nya. He smiled at me.

"Ih ikaw" sagot ko. "I mean ano'ng gusto mo?" Nakarating na kami sa harap ng school pero 'di pa rin ako bumababa.

"You want to go to Palawan?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ayoko! Nandon si Knox at Len-Len.

A Minute of ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon