16: Mission

59.8K 986 130
                                    

"Eh, Yanna naman, noong Monday ko nga lang sinagot" sinusundan ko si Yanna, nandito ako sa arcade station ngayon. Galit siya sa'kin dahil late ko na raw sinabi sakanya na sinagot ko na si Rage. Dapat daw kasi sya ang unang makaalam

"Monday and you told me on Tuesday? Dapat sinabi mo agad sa'min or sa'kin na sinagot mo s'ya right after you said yes!" Sabi ni Yanna at hindi ako tinitignan. 

"Eh, nakatulog nga ako sa sobrang kilig"

Thursday ngayon at wala akong klase ng dalawang subject kasi nag oopera ngayon ang dalawang Doctor kong Professor. Hindi ko naman kasi alam na ganito ka-OA ang magiging reaction ni Yanna. 

"Oy, Celine!" biglang may sumulpot na dalawang lalaki sa tabi ko naka uniform ng Feu.

"Uy Arvin, Leo" nakipag apir ako sa dalawang kaibigan ni Yanna na lagi nyang kalaban dito sa arcade.

"Long time no see ah" sabi ni Arvin "Gumaganda ka rin ngayon" sabi pa niya at sinusuri ang suot ko. Naka uniform pa rin lang naman ako, naka kul9t lang ang buhok at light make up.

"May boyfriend na 'yan, kaya magsitigil kayo" singit ni Yanna sa usapan at hinila ako paupo sa bench

"What? Meron na?" Rinig ko pang sigaw ni Leo "tangina Yanna sabi mo sa'kin no'n bawal pa 'yan at bata pa kaya 'di ko niligawan" dagdag ng lalaki pero 'di pinansin ni Yanna

"'Di ba ayaw mo nang galit ako?" Tanong sa'kin ni Yanna pagkaupo namin sa bench. Mabilis naman akong tumango.

"Then do me a favor" she smiled creepily. Ha? ano na namang binabalak ng babae na'to

"Ano'ng favor?"

"Sunduin mo'ko mamaya 6:30 may pupuntahan tayo" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Yanna? Ha? 

"Eh, Yanna baka naman mapahamak na naman tayo sa binabalak mo" last time na sinamahan ko si Yanna sa lakad niya ay may nagsapakan na lalaki sa harap namin dahil 'yung isa kalandian ni Yanna currently tapos 'yung isa naman ex fling niya tapos nag bugbugan sila at ang ending nagpunta kami sa pulis nadamay pa ako.

"Don't worry malinis 'to, basta susundin mo lang ang utos ko" sabi pa ni Yanna na nakangiti. Kainis naman sasabihin ko ba kay Rage 'to? Baka mag alala 'yon.

"'Wag mong sasabihin kay Rage, please. 'Pag sinabi mo masisira 'yung plano ko" Mabilis akong napabuntong hininga sa sinabi niya at walang nagawa kundi tumango

Tapos na ang klase, 'di rin ako masusundo ni Rage ngayon at aalis daw sila. Sinabi niya saakin na pool club daw 'yon, inaaya pa nga niya ako pero humindi ako kasi may lakad kami ni Yanna pero syempre 'di ko 'yon sinabi, ang dahilan ko e may exam ako bukas at need ko mag review,

Sana talaga 'di kami magkita kung saan man ang punta namin ni Yanna mamaya, lagot talaga ko pag nagkataon. Gumagayak na'ko para sa pupuntahan namin, sabi ni Yanna wear something na pang swimming pero kung mag swimming kami 'di naman ako maliligo kasi malamig, ayoko. Kaya nag dress naman ako

Puff sleeve to na color white medyo maikli sya compared doon sa mga above the knee dress ko, di tali pa ang likod kaya na exposed ang back ko. Nag wedge sandals lang ako tas kaunting makeup lang. Pinusod ko ang kalahati ng buhok ko at nilagyan ng ribbon 'yon kasi nakakulot naman ang dulo.

Nag text na rin si Yanna na nakagayak na siya kaya sinundo ko na malapit sa FEU na apartment niya. Sa Feu nag aaral si Yanna, Bs hospitality Management, si Yanna ang cook namin sa grupo, sakanya rin ako natutong magluto ng mga kung ano-anong putahi.

Nasa harap na'ko ng apartment ni Yanna, bumusina nalang ako, alam na n'ya 'yon. Bumaba na si Yanna at nag tatatakbo pa. Nakatube top and short skirt siya, super sexy. Sumakay na siya sa shotgun seat. Nginitian niya 'ko at hinalikan sa cheeks

A Minute of ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon